CHAPTER 7
Airah POV:
Nang makabalik si Jutay galing sa Cr, nagsimula na kaming kumain lahat sa isang mahabang lamesa.
Marami akong natuklasan at nalaman tungkol sa lalaking 'to dahil sa mga sinasabi ng madre tungkol sa kanya.
Kesyo raw mabait, gentleman, magalang, mapagmahal at higit sa lahat may respeto ang binata.
Hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero base sa pinapakita niya ngayong araw na 'to, I know na bukal talaga sa loob niya ang tumulong.Natapos ang oras namin sa pakikipagkulitan sa mga bata.
Nakakatawa nga dahil si Jutay, nakipaglaro pa talaga."Pasensya na hija, napagod ka ba?", tanong sa akin ng isang madre nang tumabi ito habang umiinom ako ng mineral water.
"M-medyo lang po mother. Ang bibilis kasing tumakbo ng mga bata.", hingal na sagot ko.
Yes, nakipaghabulan rin ako sa mga bata para kahit papano mapasaya ko sila."Ganon talaga ang mga 'yan. Masyadong mabibilis kaya nag-aalala ako sayo, baka nakulitan ka na sa kanila.",
"Naku mother, hindi po. Nakakatuwa nga silang kasama.", ngiting sagot ko habang ang mata ko nakatingin sa pwesto ni Jutay na nakikipagbasketbol sa mga batang lalaki.
"Inlove ka na sa kanya?",
Dahil sa tanong ni mother, agad kong binaling ang mata ko rito.
"H-ho? Hind po ah.", depensang sagot ko naman sa kanya.
"Wag mo ng ipagkaila. Halata sa mga mata mo kung paano mo s'ya tingnan.",
"Mother, hindi po. Hindi ako inlove sa kanya. Ano kasi--",
"Alam kong may mahal na s'yang iba, pero sa tingin ko mas bagay kayong dalawa." ,wika nito sa akin.
"Mother naman eh, wag ka nga pong magsabi ng ganyan.", saad ko na medyo na-iilang.
Pero nginitian niya lang ako at hinaplos ang aking buhok."Wag kang mag-alala hija, opinyon ko lang naman 'yon.", pahayag nito.
Hindi na kami nagpaabot pa ng gabi sa bahay-ampunan. Nagpaalam na nga kami ni Jutay sa mga madre at bata. Syempre, yung mga bata medyo nalungkot.
But jutay promise them na babalik siya, 'yon nga lang, hindi na ako ang kasama niya sa pagbalik dito, kundi si Sarah."Finally, andito na kayo.", bulalas na saad ni Ate Leny nang makatuntong kami sa mansion.
Nakauwi kaming dalawa, exactly 6:00 o'clock P.M."Sa'n ba kayo galing? Alam niyo bang kanina pa naghihintay itong designer? My ghad! At ikaw naman brother, ilang beses na kitang tinawagan pero hindi mo man lang sinasagot.", inis na wika muli nito.
"Tsk. Sorry, naka-silent ang phone ko.", tanging sambit niya.
"Bobo.", bigkas nito kay jutay.
"Airah, come here, maupo ka rito. And also son, maupo ka rin dito.", tawag sa amin ng mom ng lalaki habang inaaya kami palapit sa kanya.
"Bakit ba kasi?", inis na turan nito.
Tsk. Heto na naman siya, medyo iba na naman ang ugali niya. Ang Jutay na to, pabago-bago.
"She's Ynah, one of the famous designer. And I'm gladly na siya ang pinili ng ate niyo na magdesign ng damit n'yo sa kasal.", pagpapakilala nito.
Biglang kumabog ang dibdib ko.
Tuloy na tuloy na ba talaga ang kasal namin?"Ahm-- ", bigkas ko na animo'y nangunguna ang kaba ko.
"May sasabihin ka ba Airah?",
"Ahh kasi ano po--",
Hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin nang biglang sumigaw si ate Leny.
"OMG! Is this a wedding ring?", manghang sambit niya habang hawak-hawak ang singsing na binili ni Jutay kanina.
"Ate ano ba! Ibalik mo nga 'yan sa akin! Fuck!", galit na bulyaw ni Jutay habang pilit niyang kinukuha ito.
"So ito ba ang dahilan kung ba't natagalan kayo? Ayiieeeh, pumapag-ibig ka na nga brother. Ang sweet mo naman. Para ba ito kay Airah?", tanong niya rito.
Sasagot na sana ako nang hindi kaso si Jutay na ang sumagot."Yes. Para sa kanya nga.", tugon ng binata.
I don't know why, pero bigla akong natigilan.
Namumula ang pisngi ko ngayon dahil sa panunukso nila ate at mom ni Jutay sa akin tungkol sa singsing na 'yon.
Tsk. Kung alam lang nila, para talaga 'yon sa babaeng mahal ng lalaki at hindi sa akin.
"Masaya ako sa inyong dalawa son. Ilang araw na lang at magiging kapamilya na natin si Airah.", ngiting wika ng mom niya.
"Oo nga mom. Kung alam niyo lang, ako itong kinikilig sa kanilang dalawa. And beside, habang tumatagal nagugustuhan ko na itong si Airah.", pasegunda naman ni ate Leny.
"Tsk. pagod kaming dalawa ni Airah. Kaya baka naman pwede na kaming magpahinga.", sambit ni Jutay sa harapan ng kapatid at ina.
"But son, kahit konting minuto lang at kakausapin kayo ng designer.", wika ulit ng Ginang.
"Kayo ng bahala mom. Total, kayo ang nagdedecide ng lahat diba? Tsk.",
After he said those words, kinuha n'ya na ang kamay ko at sabay kaming tumungo sa kanyang kwarto.
"Brother! Dahan-dahan lang, buntis si Airah!", rinig kong pahabol na sigaw ni ate sa amin.
Hayys. Nakaramdam na naman tuloy ako ng konsensya.
"Ang weird mo Jutay.", 'Yan ang tanging lumabas sa bibig ko nang nasa loob na kami ng kwarto.
"Ba't sa harapan ng ate at mom mo parang wala kang galang?", inis na patuloy ko rito.
"Shut up.",
"Shut-up? Tsk. Ano ba talaga ang ugaling meron ka? Napakabait ng pamilya mo pero kung sumagot ka sa kanila, wala kang respeto. Alam mo, naniwala na sana ako na mabait ka kanina kaso sa inasta mo ngayon, hindi ko alam kung--",
"Fuck! I said shut up! Will you?!", malutong na mura nito.
"Wala kang karapatan na husgahan ako! Hindi mo pa gaanong kilala si mom at ate kaya wag kang magsalita na parang kilala mo na agad sila.", wika niya muli sa akin at tumalikod para kumuha ng wine sa may ref.
Isinalin n'ya sa maliit na baso ang wine kasabay ng paglagok nito.
Nanatili akong tahimik habang tinitingnan siyang umiinom."Kung alam mo lang, ayoko sa kanila.", seryosong saad ng lalaki.
Sa oras na 'to, handa akong pakinggan ang sasabihin niya.
Dahil ramdam ko na may problema nga siya."Pinipilit nila akong pakasalan ka kahit hindi ka mayaman at kahit hindi ka nila masyadong kilala. Pero si Sarah? Ilang beses kong sinabi sa kanila na siya 'yong babaeng gusto kong pakasalan. Kaso ayaw nila at tutol sila.",
Teka, tama ba 'yung naririnig ko?
Ayaw nila ate Leny kay Sarah? Bakit naman?"Tsk. I don't know their reason. Mabait naman si Sarah. Katulad ko, mahilig din sya sa mga bata. Pero hindi nila kayang tanggapin ang babaeng mahal ko. Samantalang ikaw, ilang araw ka palang dito, gustong-gusto ka na nila.", mahabang litanya ni Jutay.
"Ang akala kasi nila buntis ako. 'Yon siguro ang dahilan kaya gusto nila ako.", saad ko rito.
Umiling lang sya at mapaklang ngumiti."Tama ka, akala nila buntis ka. Pero sa tingin ko, hindi talaga 'yan ang totoong dahilan kung ba't ka nila gusto.",
Napatingin naman ako sa kanya ng wala sa oras."A-anong ibig mong sabihin?", I asked.
"Sa ngayon, hindi ko pa alam. Kaya hindi ko pa masasabi sayo.", sagot nito sa akin at inilagay niya na ulit ang wine sa loob ng ref.
Ang weird! Nakakagulo ng isip.
Ano ba talaga ang meron sa pamilya ng binata?
At bakit ayaw nila kay Sarah?
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...