“ANO’NG PROBLEMA MO?” boses iyon ni Bryan. Alam ni Kristoff kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit nananatili siyang walang kibo at nakatitig lang sa labas ng bintanang de salamin. Sa sandaling nakalabas si Toni kasama ni Jigs ay walang kaabog-abog na pinauwi niya si Yasumi. Halatang galit ito dahil sa pagtrato niya rito ngunit wala siyang pakialam. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang anyo ni Toni kanina nang lumabas ito ng studio.How he wanted to run after her and tell her over and over again how sorry he was for driving her away five nights ago. Na kahit anong pilit niya ay tuluyan na nitong binago ang takbo ng puso niya. Halatang pilit ang bawat ngiti niya sa tuwing may kausap siyang ibang tao. He was silently wishing na si Toni ang kasama niya. He tried to be the old Kristoff na kilala ng karamihan. Moody and with a very bad temper. Ngunit nahihirapan na siyang ibalik ang pangit na ugaling iyon. Every time he would think about Toni ay naaalala niya ang mga masasayang araw niya sa piling nito. And he would hate himself all the more dahil hindi na niya maibabalik pa ang mga araw na iyon.
It was the right thing to do, anang isip niya na lihim niyang sinang-ayunan.
Nainip na marahil si Bryan dahil nananatili siyang walang kibo kaya lumapit na ito sa kinatatayuan niya at walang kaabog-abog na kinuwelyuhan siya. Marahas siya nitong isinandal sa pader.
“Tinatanong kita kung ano ang problema mo. Huwag mo akong daanin sa silent treatment, Kris. It won’t work with me,” banta pa nito. His jawlines hardened with controlled anger.
“I don’t know,” mahina niyang sagot.
Hindi na nakapagpigil si Bryan. Binigwasan siya nito. Ni hindi siya nanlaban nang dumapo sa pisngi niya ang kamao nito.
“Damn you! You don’t know? Kaibigan siya ng asawa ko and you have the nerve to hurt her? What happened to you man? You’re better than this. Hindi kita tinulungang ayusin ang buhay mo para lang sa wala. Hindi totoong si Ellise ang sadya niya. Sinabi ko lang iyon para hindi siya mapahiya. She came here to see you!” galit na sambit nito.
Pinili niyang tumahimik. Lalo pa niyang pinagtagis ang mga bagang. The pain he read in her eyes earlier was enough to haunt him all his life.
“Kung ako sa’yo, kikilos na ako at habulin siya habang may panahon pa. If you make her cry again, you will answer to me,” mariin nitong banta.
“Might as well kill me now,” sagot niya.
“What? Ano ba ang pumapasok diyan sa utak mo? One moment you were happy. Nagpa-haircut ka pa nga para sa kanya, hindi ba? You became someone everybody could be proud of. Pagkatapos bigla kang babalik sa ganito? What’s wrong with Toni? The way I see it, she is perfect for you!”
“Iyon na nga eh. Masyado siyang perfect. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? You know me. Alam mo kung ano ang pinaggagawa ko sa buhay ko noon. She doesn’t deserve someone like me,” mapait niyang sagot. Lalo pang tumindi ang nararamdaman niyang sakit sa kanyang dibdib.
“Nakaraan na iyon, pare,” maagap nitong sagot.
“But still it’s a part of me I just can’t deny or even escape.” Dapat hindi na siya umasa noon. Dapat hindi na niya hinayaang makapasok sa sistema niya si Toni at nang hindi na niya ito masasaktan tulad ngayon.
Naihilamos ni Bryan ang palad sa mukha nito bago ito muling nagsalita. “You know what? May dahilan siguro kung bakit ikaw ang pinadala sa simbahang iyon. It didn’t occur to me before but it’s making some sense to me now. Baka kailangan mong i-reconcile uli ang sarili mo sa dating Kristoff bago nangyari ang insidenteng nagtulak sa’yo upang gawin ang mga kalokohang iyon. You need to be forgiven pare. Hinayaan mong ang galit ang manaig sa puso mo kaya tinalikuran mo ang lahat ng magagandang bagay sa buhay mo. Maybe you need to find your way back,” mahinahon nitong sambi.
BINABASA MO ANG
The Perfect Love Story [PHR]
ChickLitSouthern Fever Band Book 4 Sequel to LOVE WAS MADE FOR US. This is Kristoff's story. First published by PHR (Precious Pages Corporation)