AVA
Naupo ako sa bench sa tapat ng garden ng school. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko kumakawala na ito. Di pa rin ako mapakali! Bakit niya ba sinabi sa akin 'yon?
"Bakit 'pag ikaw ang nakikita ko tumitibok ang puso ko?"
Ah! Di mawala sa isip ko 'yon! Bakit ganun? Natanaw ko naman si Oliver at tumakbo siya papalapit sa akin.
"Oh, bakit ka mag-isa?" tanong nito at umupo sa tabi ko. Buti hindi niya kasama si Natasha ngayon. Awkward lang kasi. Diba nga nahalikan ko si Oliver nung umuulan.
"Wala nagmumuni-muni lang ako. Ikaw, bakit di mo kasama si Natasha ngayon?" pagtatanong ko sa kanya at napasinghap siya sa hangin.
"May reunion kasi sila ngayon sa dati nilang school." paliwanag niya at napatango na lamang ako. "Nga pala, bakit parang ang weird niyo ngayon ni Jackson? Nag-away ba kayo?" tanong ni Jackson at medyo nailang lang ako sa tanong na 'yon.
"Hindi. May sinabi lang siya sa akin." pagsisinungaling ko. Ayoko sabihin sa kanya ang nangyari kanina sa amin.
"Ah, ganun ba."
"May tanong pala ako." sabi ko sa kanya.
"Sige lang. Tanong ka lang." sabi niya sabay ngiti. Wag mo nga akong ningingitian ng ganyan, Oliver! Nafafall ako lalo eh!
"Paano mo malalaman na inlove ka sa isang tao?" I asked him at humarap naman siya sa akin.
"Hm, as far as I know, you'll know if you are inlove on a person kapag tumitibok ang puso mo kapag nakikita mo siya at nagslow motion ang paligid mo. Yung tipong siya lang nakikita mo. And another is, siya lang yung nasa isip mo. It is hard explain it. Pero kapag naranasan mo, you'll know." mahabang paliwanag niya. It made sense though.
"Bakit ikaw? Bakit ikaw nalang ang palaging nasa isip ko?"
"Bakit 'pag ikaw ang nakikita ko tumitibok ang puso ko?"
For me, I think trip niya lang 'yon. Feel ko din na nasabi niya na 'yon sa mga past girlfriend niya para maging sila. It is just a joke but it felt so sincere.
Do not fall on him, Ava. He is a playboy, playing girls feelings.
--
Uwian na at di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Di ko din nakita kanina sa klase si Jackson. I am pretty sure na nagcut siya ng klase. Naglakad na ako palabas nang biglang umulan. Hays, kung mamalasin nga naman at wala pa akong payong. Sumilong muna ako sa waiting shed ng school namin.
Hihintayin ko muna na tumila ang ulan. Tinignan ko muna ang phone ko at binuksan ang mobile data. Nakita ko na nagtext sa akin si Mama.
6:30 PM | Mama: Nak uwe ka ng maaga ngyon mag aaskaso tau ng hpunan ma2xya
Ngayon ko lang na-realize na ang jeje ni Mama. Haha! Pero ang problema ko ngayon is paano ako makakaalis dito. Mukhang iyak ng iyak ang ulap. Sinasaktan kasi ng langit eh.
Ugh, kainis. Sinintas ko muna yung sintas ng sapatos ko dahil nababasa ito sa sahig.
"Tara na." narinig kong sabi ng lalaking nasa harap ko at may bitbit na payong. Lumingon ako at...
"B-bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at biglang lumakas ang ulan. Napansin ko na nabasa ang kanyang pantalon.
"Wag ka na magtanong. Ihahatid na kita sa inyo." aya niya sa akin at wala na akong nagawa kundi sabayan siya sa loob ng payong. Niyakap niya ako ng isa niyang kamay. Tumakbo naman kami papunta sa subdivision namin. Medyo malayo din.
"Putek ka! Nasan yung sasakyan mo?" tanong ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin.
"Nakalimutan kong dalhin. Bilisan na natin." sabi niya at tumigil muna kami sa sakayan ng pedicab. Buti may silungan dun. Hingal na hingal kaming dalawa and at the same time, basang basa. Walang kuwentang payong yan.
"Nagpayong pa tayo kung nabasa din tayo diba?" komento ko at umirap. Umupo muna ako saglit.
"Ang arte mo!" bulyaw nito sa akin at inirapan ko siya.
"Hindi ako maarte, sinasabi ko lang po." sabi ko naman at inayos ang bag ko. Medyo malakas parin ang ulan at stuck kaming dalawa sa waiting shed na meron dito sa subdivision namin. Wala pa namang pedicab na dumadaan para makasakay na kami este ako lang pala.
Habang nagmumuni muni ako, binasag naman ng mokong ang katahimikan.
"Do you have your phone? I'll just call my driver." he said and I gave him my phone. Nakita ko naman na tinatawagan niya na yung driver niya.
"Yes...Pakidalian...Okay, bye." At ayun, binalik na niya sa akin yung mahiwagang phone ko. Buti waterproof 'to kundi lagot nanaman ako kay Mama.
"Pwede ka namang umuwi na. Aantayin ko nalang tumila yung ulan." sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. Distant kasi kami eh.
"Ayoko. I'm just enjoying this moment." sagot niya at kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. Ano naman ang ineenjoy niya?
"Bahala ka nga." sabi ko sabay napa- aching ako. Hays, kaya ayoko ng nagpapabasa sa ulan eh. Madali akong magkasakit.
Nagulat naman ako nang ilagay niya sa akin yung leather jacket niya.
Why is he so kind all of the sudden?
I know na mortal enemies kami pero bakit parang ang bait niya ngayon.
"Baka magkasakit ka pa." he said and napatingin lang ako sa kanya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit ba ako?
"S-salamat..." nasabi ko na lamang at saktong dumating na 'yung sasakyan na sasakyan namin. Pinagbuksan ako ng driver niya at umupo ako sa backseat. Siya naman sa front seat. Sinabi ko sa driver yung address at nakarating naman kami sa bahay. Tumila na rin ang malakas na ulan at umaabon na lang.
Bumaba na ako ng sasakyan. "Thank you." I just said to him at pumasok na ako ng mabilis sa loob ng bahay. Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Maybe because iniisip ko si Oliver.
Nagnotify naman ang aking phone at minessage pala ako ni Oliver.
7:01 PM| Oliver mah bae: Where are you?
7:12 PM| Oliver mah bae: Did you arrived at your home safely?
Napangiti naman ako sa tinext ni Oliver. Napasandal na lamang ako sa pintuan namin. Nag-aalala talaga siya para sa akin! Huhu!
"Anak! Bakit basang basa ka?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Mama.
"Grabe ka naman mamggulat, Ma! Wala kasi akong payong kaya sumugod ako sa ulan noh." pagdadahilan ko at napatango naman si Mama.
"Magbihis ka na. Tulungan mo na ako maghimay ng gulay." mahinahon na sabi ni Mama at dumeretso na ako sa banyo para maligo.
Hay buhay! Bigla namang nagnotify ulit ang phone ko. I saw na minessage ako ni Jackson.
7:34 PM| Jackson: Lunch tomorrow. Kapag di ka nagpakita, I will tell your feelings for Oliver. See you! 😉
Ah! Kainis naman 'to! Buwisit ka talaga, Jackson Seantanas Montefalco!
BINABASA MO ANG
My Ideal Guy
Teen FictionSi Ava, isang "unpopular" but gorgeous girl. Magbabago ang takbo ng kanyang buhay nang makilala niya ang kanyang ideal guy and yung not-so ideal guy. What could possibly go wrong?