Nandito ako sa isang palaruan. Naglalaro.Napahinto ako sa pag-s-swing ng dumako ang aking tingin mula sa dalawang batang nag-uusap.
Nasa tapat sila ng seesaw.
"Ano ba? Bakit ba ang kulit mo?" wika ng isang batang lalaki na kasing edad ko. Nakatingin siya sa batang babaeng kasing edad lang din namin. He's looking to the girl like he's about to eat her. Nakikipag-away siya batay na rin sa kanyang mukha.
"G-gusto ko lang naman makipaglaro at makipagkaibigan." I can feel the sadness in her tone.
Nakakaawa siya! Gusto ko siyang lapitan at amuhin. Pero naistatwa ako sa aking kinauupuan. Wala akong nagawa kun'di pagmasdan silang mag-away.
"Hindi ka ba makaintindi? Ang sabi "ko. A.YO.KO. sayo at ayokong makipagkaibigan." Sabi ng batang lalaki sa batang babae.
Tinignan 'ko ang batang babae at umiiyak na siya. Tuloy tuloy ang naging pagdaloy ng puting likido mula sa mata niya. Gusto 'ko siyang lapitan at punasan ang luha sa kanyang pisngi.
Gusto 'kong magalit sa lalaki. Anong karapatan niyang awayin yung babae? Wala ba siyang puso? Ang babae inaalagaan at iniingatan hindi binabastos. Pero sa ginagawa niya.
Kung ako lang yung babae baka kanina 'ko pa 'yan tinalikuran. Saka dapat kung makikipagkaibigan siya hindi sa ganyang klase ng bata. Dapat yung mabait at hindi gan'yan.
Kung sa'kin siya makikipagkaibigan hindi 'ko siya papaiyakin at aawayin. Kesa r'yan sa lalaking yan na inaaway siya.
"P-pero hindi naman ako bad ah? H-hindi naman kita ni-nanaway ah?" she said. While her tears flowing.
"Sinabi ng ayoko!" Malakas na bulyaw ng batang lalaki at bigla niyang itinulak ang batang babae na naging sanhi ng pagkatumba nito.
Pagkatapos ay bigla na lang siyang naglakad paalis. Sinundan 'ko siya ng tingin bago 'ko muling tinignan ang batang babae.
He's pretty mean. Why do he have to do that to her. She doesn't deserve to be treat like that.
Mabilis akong tumayo at tumakbo upang daluhan ang batang babae at ng makalapit ako sa kanya ay tinulunhan ko siyang makatayo.
Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at agad na inabot sa kanya. Kinuha rin naman niya ito agad at pinunasan ang mukha niyang madungis na dahil sa pag-iyak at paglalaro.
"T-thank you!" Nakangiting pasasalamat niya. Halata pa rin na galing siya sa pag-iyak. Dahil sa namumula niyang mata.
Hinila ko ang kanan niyang palapulsuhan at nagsimula na kong maglakad. Subalit na pahinto ako ng hindi siya gumalaw. Anong problema niya?
"Tara?" Tanong 'ko sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagdadalawang isip, pero sumama na rin siya sa'kin.
"Saan tayo pupunta?" Malambing ang tono ng kanyang pananalita.
Hindi 'ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak ang kanyang kanang palapulsuhan.
Nakarating kami sa isang shop. Kung saan cotton candy ang itinitinda ng may-ari.
"Ate dalawa pong cotton candy. Isang pong kulay green at violet." Sabi 'ko sa nagbabantay at inabot ang bayad 'ko.
Hindi rin nag tagal at inabot na sa'kin ang binili 'ko.
"Sa'yo yan!" Sabi 'ko sa kanya at ibinigay ang violet na cotton candy.
"Thank you ulit." Sabi niya at nagsimula ng kumain. Naglakad na kami pabalik sa palaruan. Kung saan 'ko siya unang nakita.
Umupo kaming dalawa sa swing habang inuubos ang cotton candy.
"Ubos na," sabi niya habang nakatingin sa'kin. Tinawanan 'ko lang siya. "Bakit ka tumatawa? May dumi ba 'ko sa mukha?" Tanong niya at sinimulang kapain ang kanyang mukha. "Wala naman ah?"
"Ako nga pala si Daniel Louis. Ikaw anong pangalan mo?" Nakangiti siya sa'kin.
"Ako pala si Sieanne." Tumingin siya sa seesaw na ngayon ay walang naglalaro. Gusto niya bang maglaro r'yan?
"Bakit nga pala kayo nag-away nung batang lalaki kanina?" Tanong 'ko na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Biglang lumungkot ang itsura ng mukha niya. Para bang nanlulumo siya sa ng yare.
"Kase ayaw niya 'kong maging kaibigan tapos ayaw niya pa 'kong makalaro." Mahihimigan ang lungkot sa kanyang pananalita. Gano'n ba?
"Ako! Pwede mo 'kong maging kaibigan at makalaro." Nakataas ang aking kanang kamay na animo'y nanunumpa. Bigla siyang na patingin sa'kin at napalitan ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Talaga?" Tumango ako sa kanya na siyang kinalawak ng ngiti sa kanyang labi. Kinurot 'ko ang pisngi niya.
"Oo naman. Tara," sabi ko at na una ng naglakad papunta sa seesaw alam 'kong gusto niyang maglaro dito. Halata naman.
#
A/N: Don't forget to vote and comment. ;)
~AsiraSantos
~Kyut
BINABASA MO ANG
Kung hindi rin lang tayo (COMPLETED)
Teen FictionTorpe si Daniel pagdating sa bestfriend niyang si Sieanne. Ilang taon na niyang gusto si Sieanne. Simula pagkabata alam niya ng si Sieanne ang mamahalin. Ang first crush niya. Ang first love niya. At sa tuwing gugustuhin niyang umamin tumitiklop siy...