NAKARATING na sila sa resort na tutuluyan nila. Isa itong paraiso na nakatayo malapit sa karagatan. Malaki ang bahay at may malawak na hardin. Sa labas pa lang ay makikita mo na ang kagandahan ng bahay. May anim na kwarto ito na gagamitin nilang lahat.
Ang resort na iyon ay pag-aari ng ina ni Travis. Hindi na nila ito nadadalaw at ang caretaker lang ang nakatira doon.
Tanghali na ng makarating sila kaya’t pinagsaluhan muna nila ang luto ng kanyang ama at nagustuhan iyon ng barkada at ng ina ng kanyang nobyo. Nagpahinga muna ang lahat pagkatapos kumain.
Nang hapong ding ‘yon ay pumunta na silang lahat sa tabi ng dagat. Kahit papaano’y malayo ito sa polusyon.
Nagpaalam muna si Travis para tingnan ang site na pagtatayuan ng hotel nila. Nagplano mag-ihaw ang mga kabarkada ng binata at pumayag naman ang ama niya sa ideya ng mga ito. Ang ama niya ang nagtimpla ng sarsa ng barbeque na iihawin nila.
Habang nag-iihaw ay nagpalit na ng pangligo ang mga tao doon at handa nang magsaya. Pinagsuot siya ni Mia ng two-piece para magkapareho sila. Ayaw niya sanang suotin pero sabi naman ng ama niya ay ayos lang ito dahil hindi naman bastusin at bagay naman sa kanilang dalawa. Minsan lang din naman sila magsuot ng ganoong kasuotan.
Habang nag-iihaw ang mga lalaki, mag-kausap naman sa ‘skype’ ang mama niya at ina ni Travis gamit ang laptop na bigay kay Jamilla. Naiinggit ang mama niya dahil sa nakikita pero sinabihan na lang ng ina ng binata na uulitin ito pag nakauwi na ito sa pinas. Masayang nagkukwentuhan ang mga ina doon kasama ang kakambal nito. Ang mga bata ay nagsimula ng magtampisaw sa dagat kasama ang mga magulang nila.
***
Samantala, kararating lang ni Travis sa site at wala pang masyadong tao. Ang mga naghuhukay lang ng lupa at mga nagtatabas ng puno ang mga nandoon. Isang engineer ang nakausap niya. Isa itong babae na parang model na naaarawan dahil sa trabaho nito. Kilalang-kilala niya ito at parang may hinala siya na pakana ito ng daddy niya.
Siya si Ezra Lim, ang infrastructure engineer na tutulong sa kanila sa pagpapatayo ng hotel. Mabait si Ezra, ‘yun nga lang medyo may pagkaflirt.
“Wala ba ‘yung ibang engineer dito? Bakit kayo lang ang nandito?” palinga-lingang tanong niya sa site.
Lumingon ang dalaga at ngumiti sa kanya, “Ako lang ang nandito, kanina pa silang umaga dito ehh. Hindi mo naabutan.”
“Ganun ba? So ano ng napagplanuhan nyo?”
“Let’s discuss it sa office. Para makapagcoffee na din tayo.” Yaya nito sa kanya.
Nauna na siya sa office. The girl discuss the infrastructure plan. Marami pang dapat ayusin para matagumpay nilang maitayo ang hotel doon. Tapos na silang magusap pero parang ayaw pa siyang paalisin nito.
“Let’s have a dinner later. Para makapag-usap pa tayo ng mahaba.” Nang-aakit na sabi nito.
“No need. I’m going.” Tinalikuran niya na ito at umalis sa lugar na iyon. Hindi niya feel kasama si Ezra. Gusto niya na mag-enjoy kasama ng pamilya niya.
Naiwan sa site ang dalaga, “You will like me again, Mr. Madriaga.” Nakangising banta nito habang papasakay na siya ng sasakyan.
Hapon. Pagdating niya sa resort ay nakita niya agad na may tao na sa dagat. Inalarm niya ang kotse at pumasok na din. Nakita niya ang mga kabarkada niya na nagkakatuwaan sa dagat kasama si Mia at Natalie. Wait! Is that Natalie? Sabi niya sa sarili. Nakita niya kasing naka two-piece ang girlfriend niya, pero nakashorts naman ito, ‘yun nga lang maigsi sa karaniwang sinusuot ito. Pupuntahan na niya sana sa dagat ito ng bigla siyang tawagin ng kanyang mommy.
BINABASA MO ANG
LOVE IS WAITING: BOOK TWO
Romance“Anak, love is waiting. When God knows you are ready for the responsibility of commitment, He will reveal the right person under the right time. I know both of you are ready for that responsibility and Travis is that person in your heart. Kung mahal...