Chapter 3: Axel the Mind Reader
Thursday ngayon at pinili kong hindi pumasok. Ever since nung gabing nagpakita si so-called Axel sa panaginip ko nung Saturday ay di na siya tumigil sa pag bubulong sakin ng kung ano ano.
Like nung Tuesday, mag isa ako sa favorite kong coffee shop ko at tumawag sakin si Jade para sabihing nahanap na si Nanay at nasa ospital siya para matingnan ng doctor. Sabi nila wala naman daw dapat ipag alala pero I can't help but think na baka may hindi sila sinasabi sakin and anxiety is building up on me. Gustong gusto ko umuwi para ako na mismo ang maka alam pero biglang may bumulong sa hangin na ako lang ang nakarinig.
"Wala kang dapat ipag alala Jane. Nandito ako."
Buti nalang di na ko napatalon sa gulat dahil baka ma weirdohan naman sakin ang mga tao. I tried to act normal pero gustong gusto ko nang magwala sa frustration kasi di ko talaga maintindihan ang bagay na nangyayari.
"Ano bang kailangan mo? Pano nangyayari 'to?" Bulong ko pabalik sa hangin nag babakasakali na sumagot siya pabalik. Naghintay ako ng halos isang oras pero na disappoint lang ako.
Nung Wednesday naman, inumpisahan ko nang magsulat para sa next chapter ng Inside the Ordinary dahil 5k ang goal namin na words kaya di talaga madali na matapos ito agad. I was admiring Axel as my character. Siya ang nag rerepresent para sa mga taong nag tatago sa kanilang anino dahil takot ma judge ng mundo.
High school palang ako nang mabuo si Axel at ang storya nya sa isip ko. Di naman ako na bubully nun but I was just an ordinary girl back then. Alam ko sa sarili ko na I can be better than anyone else pero di nila ako napapansin dahil mas pinapansin nila yung mga mapangalang tao. Everytime na na d-down ako ay lagi ko lang naiisip si Axel. I was writing my feelings away hanggang sa matapos ko ang storya ni Axel.
Di ko siya pina publish agad sa writer's club kasi gusto ko na yun ang maging huling story na mamarka sakin dito sa school. Nasa 3rd year college na kami ngayon and I think tama lang ang panahon hanggang sa maka graduate kami ay dun matatapos ang last chapter nito. Nawala yung notebook na pinagsulatan ko sa story ni Axel pero alam na alam ko ang flow ng story kaya di ko na binigyan ng pansin pa.
"So asan na yung feeling close mong kaibigan, Sarmiento?" Napalingon ako kay Andie. Nagsabi nga ata si Miguel sa kanya. I tried to compose myself at maging kalma dahil ayoko talaga ng gulo. "Nasa klase siya ngayon." Malamig kong sabi.
"Ay sayang naman. Sige hihintayin ko na lang siya ng makapag usap kami ng masinsinan." She said while giving emphasis sa masinsinan. Napa buntong hininga na lang ako. Kung meron man akong dalawang tao na ayaw magkatagpo, sila Andie at Terrie yun. Pareho silang hindi nag papatalo.
"Please Andie wag ka nang mag umpisa pa ng gulo-"
"Ha? Gulo? Mag uusap lang kami, Aj. Wag kang oa. Minsan kelangan natin ng fun sa buhay natin para di tayo boring. 'kay? Bye." Yun lang ang sinabi niya at umalis na. Di nawala sa isip ko yung sinabi niya. Boring ba talaga akong tao? Come to think of it. Kilala naman ako dito sa school at marami ang humahanga sakin pero si Terrie at Miguel lang kaibigan ko. Di sa nag hahangad ako ng maraming kaibigan ah pero I think Andie was right.
"Alam mong hindi 'yan totoo, Jane."
Napatigil ako sandali at di ko na lang pinansin. Simula ngayon ayoko nang pansinin ang mga bulong na yan, wala namang mangyayari kung papansinin ko eh.
Gabi na nang makauwi ako sa apartment. Wala pa si Terrie dahil may lakad daw siya. Nasa study table ako at gumagawa ng mga reports, ppt, at mga essays. Di ko namalayan na 11 na pala ng gabi pero dahil hindi pa naman ako inaantok ay sinubukan ko ipagpatuloy ang pagsusulat ng chapter 2 ko.
BINABASA MO ANG
Not A Fantasy
Mystery / ThrillerAllison Jane or Aj as she likes to call her, is a famous fantasy writer in her campus hanggang sa isang araw nagkatotoo ang isa sa mga character niyang si Axel, the mind reader. How did it happened? This is a real life story. This is not a fantasy...