SsS...
Nandito ako ngayon sa condo ko kung saan nandito rin si Rhian. Ingat na ingat ako dahil ayokong may makaalam na tinatago ko siya dito, mas doble pa ang pag iingat na ginawa ko ngayon lalo na't nalaman ko kung gaano pala kayaman ang angkan nila.
Sa totoo lang natatakot ako sa pweding mangyari sa akin kapag nalaman ng mga magulang niya na ako pala ang taong nasa likod kaya hindi nila makita kita si Rhian.
Pinagmasadan ko siyang mabuti habang natutulog siya. Sa likod ng maamo niyang mukha ay may mapait na nakaraan pala itong tinatago, kaya pala kung minsan hindi ko siya maintindihan pero ngayong alam ko na ang tungkol sa kanya. Ibibigay ko lahat ng pang unawa ko, ganun ko siya kamahal.
Kung minahal ko man dati si Solen mas higit pa doon ang nararamdaman kong pagmamahal para kay Rhian ngayon. Gising na siya at pagkakita niya sa akin ay agad siyang ngumiti.
"Kanina ka pa ba diyan Glai?" Tanong niya habang humihikab.
"Kararating ko lang." Sagot ko naman.
"Dito ka ba matutulog?" Tanong niya ulit.
"Bakit gusto mo bang dito ako matulog?" Tanong ko naman.
Tumango siya at lumapit siya sa akin.
"Para na akong mababaliw dito Glai, ang dami kong iniisip kapag ako lang mag isa." Salaysay niya.
Niyakap ko siya at hinalikan ko siya sa noo.
"Rhi, alam ko na ang lahat tungkol sayo." Sabi ko.
Nabigla siya at tinititigan niya ako.
"Alam kong may pinagdadaanan ka,gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako lagi para sayo." Dagdag ko.
"Alam mong isa akong baliw Glai?" Sabi niya habang napaluha.
"Ssshhh,.. hindi ka baliw Rhi, tandaan mo yan." Sagot ko.
"Pero sabi ni Daddy isa daw akong baliw kaya ikinakahiya niya ako sa lahat. Sabi niya wala daw siyang anak na baliw kaya si Uno lang lagi niyang pinupuri." Sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya.
Nasasaktan ako para sa kanya dahil sarili niya pang ama ang nagsasabi ng ganung klaseng bagay sa kanya. Sa halip na ito ang sandalan niya ito pa ang unang nagpapahina sa kanya.
"Glai, ngayong nalaman mo na ang totoong pagkatao ko, ibabalik mo na ba ako sa kanila?" Malungkot niyang tanong.
Umiling ako at nakita ko kung paano nagliwanag ang kanyang mukha.
"Saka na kita ibabalik Rhi, kapag nalaman na ng mga magulang mo ang buong katotohanan." Sabi ko.
"Sino naman ang magsasabi nun sa kanila Glai? Hindi nga nila ako pinaniwalaan dahil may sakit daw ako sa utak eh. Huwag mong sabihing si David? Eh, yung gagong yun ang nagsimula ng lahat ng gulong to." Sagot niya.
"Si Solen ang magsasabi ng katotohanan sa mga magulang mo." Sabi ko.
Nakataas ang kilay niya habang nakatingin siya sa akin.
"Si Solen? Paano ka naman nakasisigurong hindi nga niya babaliktarin ang kwento?" Pagdududa niyang tanong.
"May usapan na kami ni Solen Rhi, sa oras na matapos na lahat ng problem mo about sa family mo, tutuparin ko ang pinagkasunduan namin." Sagot ko sa kanya.
"Anong kasunduan ang napag usapan niyo Glai?" Tanong naman niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Sa aming dalawa nalang yon Rhi, basta ang mahalaga sa akin ngayon ay ang lumabas ang katotohanan para mapagbayad ang dapat magbayad." Mariin kong sabi.