( Part 1 )
"Jast." Tawag niya sa dalaga nang malapitan ito. Lumingon ito sa kan'ya at bahagya siyang natigilan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Nang tuluyan itong humarap sa kan'ya ay napaawang ang kan'yang bibig dahil sa gandang taglay nito. Jast was alluringly beautiful in black. Mula sa itim nitong buhok, sa itim na mapupungay na mata, sa itim na leather jacket na nakapatong sa kan'yang itim na spaghetti strap, sa kan'yang black elastic jeans at black boots na bumagay sa maputi nitong balat. Kahit walang emosyon ang mga mata nito ay hindi iyon naging hadlang upang ipamalas nito ang angking ganda. He can't stop himself from being hypnotize by her esthetic feature. Dagdag pa ang kulay kahel na kalangitan dahil sa papalubog na araw. Sinisinagan ng liwanag nito ang babae, making her look like a gem shining, and making him more stunned and astonished by her beauty.
Bahagyang kumunot ang noo ng babae at nagtatakang tumingin sa kan'ya. "What?" Takang tanong nito. Mabilis niyang binawi ang tingin rito at napukol iyon sa dalang kumpol ng saging. Matapos siyang iwan ni Sargent De Castro sa loob ng kubo ay nag alangan siyang kainin iyon, lalo na't hindi pa kumakain ang dalaga. Halos ilang minuto siyang nag dalawang isip at nakipagtalo sa kan'yang utak kung ano ang dapat niyang gawin. Kakain ba muna siya o aalukin si Jast? Titirhan niya ba o papaunahin niyang pakainin ito? Para siyang baliw na nakikipagtalo sa kan'yang isip without knowing na naglalakad na ang kan'yang mga paa patungo sa kinaroroonan ng dalaga. At gusto niyang batukan ang sarili dahil wala ni isa sa mga naisip niya ang kan'yang napili, sa halip ay gusto niyang makasabay ito.
"Wag ka mag-alala, ligtas kainin 'yan." Sambit nito na kaagad niyang kinatingin sa dalaga.
"T-That's not what I mean. H-Hindi ka pa d-daw kasi kumakain. I-I just thought of offering t-this to you." Utal niyang wika at napayuko. 'What the hell Stefan!? Why are you fucking stuttering!?' Saway niya sa sarili at mariing napapikit sa sobrang pagkadismaya. Stuttering over a woman!? That wasn't manly nor virile, isa iyong kahihiyan. What the fuck!?
"Bakit ka kinakabahan?" Takang tanong nito na gulat niyang kinatingin muli sa dalaga. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso at paninikip ng dibdib. He doesn't have any idea why he's feeling uneasy and tensed whenever Jast is around. Hindi siya natatakot dito ngunit ang presensiya nito ay naghahatid sa kan'yang dibdib ng kakaibang ritmo. He doesn't know why, Jast gave security yet she was making him a gauche.
"I'm not." Tanggi niya at nag iwas ng tingin sa dalaga. On his peripheral vision he saw how Jast's forehead wrinkled. Kunot noo itong tumingin sa kan'ya at pagkuwa'y napailing rin ito. Napatingin siya sa dalaga nang kinuha nito mula sa kan'ya ang kumpol ng saging at kumuha ng isang saging bago iyon hinagis pabalik sa kan'ya. Atubili niyang sinalo iyon na muntik pang malaglag kundi lang siya nakahawak kaagad. Tinignan niya muli ang babae ngunit nakatalikod na ulit ito sa kan'ya habang tinatanaw ang langit.
Nilapag niya ang kumpol ng saging sa kalapit na upuan na gawa sa kahoy bago lumapit sa dalaga. Tumabi siya dito at tinanaw rin ang kulay kahel na kalangitan. It was a peaceful and a calming scenario. Sa pagtanaw niya rito ay pakiramdam niya ay normal lang ang lahat. Na para bang isa lamang iyong normal na araw wherein time passes them by, the sunrise indicates a new day to move and work while the sunset denotes rest and the end of the day. Ang tagpong iyon ay parang nagbalik sa kan'ya sa dati. Sa dati kung saan wala pang karahasan, wala pang libo libong namamatay, wala pang delubyo, at wala pang kumakalat na sakit. Sa dati na ngayon ay tila panaginip na lamang. Sa dati na ngayon ay nakaraan na. The kind of past he dreamed to come into life. Again.
"Jast." Muling tawag niya sa dalaga habang nanatili ang tingin sa kalangitan. "How did you found me- I mean us in the Vortex Clan?" Tanong niya.
"Hindi kita nahanap. It just happened." Sagot nito. Napakunot ang kan'yang noo at ibinaling ang nagtatakang tingin sa dalaga. "Kasama ko si Lyza at Sophia sa paghahanap ng mga nakaligtas. We've been searching for other survivors, we found groups but none of them are still right-minded." Kwento nito.
BINABASA MO ANG
Living With The Undead; The Zombie Apocalypse
Mystery / ThrillerI don't know when, how and why it happened. It was a blissful moments. One day, I just realized I was already LIVING WITH THE UNDEAD. Remember: Run. Fight. Live. Stay unbitten. This story was written originally by EjAyFOREVER_03.