Micah's POV
Nag-ayos ako ng mabuti!! Because it's our graduation day!! Whooo!!!"Mom! Look at me!" masayang sabi ko kay mommy at napawow sya
"Gorgeous"
"Hihihi!! This is it! Tapos na ang paghihirap natin! Whooo!!!"
"Kala ko ba balak mo pang kumuha pa ng isang course?"
Oo, gusto ko ulit mag-aral, HRM naman, i want to be a manager someday ang kinuha kasi namin ay Business Management, pwede din naman ako maging manager don pero ewan ko ba! Feeling ko pag HRM ka pwede ka agad maging manager.
"HRM po" sabi ko at tumango sya
"Sino sino kayo?"
"Si Cj din po mom"
Oo legal na kami! Kasi nakokonsensya na ko kay mommy eh, kaya umamin na ko, nung una nga niratrat pa ko ng armalite eh, kesyo di pa daw ako marunong magluto ng maayos kasi lahat sunog, tapos di rin daw ako marunong maghugas ng sariling panty ko sus.
d-.-b
Kaya nga may washing machine eh, hahaha! Dun lang kasi ako marunong maglaba sa washing machine.
"Good job anak.." sabi nya sabay yakap sakin with iyak pa! Jusq!
"Mom naman.. Walang iyakan, wala pa nga tayo sa school umiiyak ka na? Eh pano pa kaya pag nandun na tayo tss."
"Mag-aasawa ka na.. Mahihiwalay ka na sakin"
"Tss. Ang advance masyado ha" natatawang sabi ko "Si dad nga nahiwalay sayo iniyakan mo ba ng genyan? Hindi naman diba? Tss." sabi ko.
Broken Family kami, pero hindi ibig sabihin non panget or hindi na masaya ang pamilya namin, masaya parin naman kami, si dad naman kasi ang nagdesisyon na maghiwalay nalang sila ni mom, kasi lagi silang nag-aaway. Pero miss ko na din si dad, pero naiinis parin ako.
Malayo talaga ang loob ko kay mom and dad simula nung naghiwalay sila, kasi gusto ko rin naman ng buong pamilya pero wala eh.
"Hayaan mo na yung daddy mo, wala yung kwenta"
"Mom wag kang genyan." sabi ko dahil mas malapit talaga ako kay dad.
"Asan na ang baby Micah ko?"
dO___Ob
Napatingin ako sa pinto namin at nakatayo dun si dad!
Agad akong tumakbo papunta sa kanya at yumakap
"Dad!" naluluhang sabi ko
"Pasensya ka na at ngayon lang ulit nakabalik si daddy"
"Naiinis ako sayo dad.. N-namiss kita" sabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit
"Congratulation anak.."
dT____Tb
"Tama na yan! Sayang make up" sabi ni mom at tumawa kami
Pumunta na kami sa kotse ni dad at habang nasa biyahe, hindi ko mapigilan na hindi maexcite!
"Dad do you have another family?"
"No. Kayo lang ang family ko, kaso hindi nyo yata ako family" natatawang sabi ni dad at nangilid ang luha ko.
"Tama na yan.. Micah wag natin pag usapan yan ngayon"
"But mom, i-i want us to be one again.." bakit ba nagiging iyakin na ko this few days?
"Sorry.." sabi ni mom at niyakap nya ko at umiyak na ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
Random"Woahhhh!!!!!!! Crush pansinin mo naman ako!! lagi nalang ako ang naghahabol sayo!!!! ehh!!!" sabi ni Zianna pero napailing nalang si Justine "Layuan mo nga ako!! nakakailang ka! mahiya ka nga!" iritang sabi pa nito.. Dito sila nagkakilala...