-Chat 085-

25 1 0
                                    

Sinagot iyon ng kapatid ko.

"Hello? Sino po 'to? "Tanong nito at sumandok.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Oh ate biglang namatay.."Abot nito sakin.  "Kilala mo ba 'yung tumawag? "

Chineck ko kung sino ang kakatawag pa lang. Unknown nunber iyon, so malamang si Kyle iyon.

Natigalgal ako.

"O--oo naman, ano ka ba... Hindi ba tatawag yung tao kung hindi ako kilala? "Tinaasan ko ito ng kilay.

"Malay mo kasi nawrong call lang diba? "Nagkibit-balikat ito at sumubo ng hotdog.  "Pero sino iyon? " Aniya nang malunok ang kinakain.

Pinatay ko na ang kalan at nilagay sa plato ang sinangag tsaka sinalinan siya.

"Ah wala! Si Marry Anne iyon. Nagpalit kasi siya ng number kaya chineck niya siguro diba? "Pagpapalusot ko, kalmado lang ang boses ko para hindi magmukhang kahina-hinala.

"Ahh.. "Napatango-tango ito. "Akala ko may manliligaw ka na eh, susuntukin ko talaga 'yun at yari siya sa'kin. " Inamba pa ang kamao nito sa ere.

"Wala, tsaka wala akong panahon para mag-bf, diba sabi ko sa'yo acads lang priority ko. "Tinaasan ko ito ng kilay.

"Good,  aba dapat lang! "Para itong matanda kung mangusap at umasta.

"Oh kumain ka na nga, masama pa naman kumain kapag may laman ang bibig."

Bumalik na ito sa pagkain. Akala ko katapusan ko na. Kasalanan kasi ito ng lechugas na si Kyle, ayaw talaga akong tantanan.

Chatserye : Since We're Young (REVISING)Where stories live. Discover now