"Oh andito na pala ang magkasintahan" pagkalabas namin sa mansion, lahat ng atensyon nila ay nasa amin. Sebastian and I are smiling like an idiot kasi hindi mabura-bura sa mukha namin ang sobrang saya.
"Pano ba 'yan, Mahal. Taken ka na" nagblush ako sa sinabi nya. I can't believe legal na kami ngayong gabi na 'to. Mamaya naman, magiging legal kami sa parents ko. Kinakabahan ako sa reaksyon nila.
"Saglit Mahal" inalis ni Seb ang pagkakahawak nya sa kaliwa kong kamay at pinunasan ang pasmado nyang kamay.
"Lagi ka bang pasmado?" tanong ko sakanya habang pinapahid nya ang kamay nya sa hita nya.
"Oo ee. Sorry ahh." paumanhin nya.
"What do you mean sorry. It's fine at tsaka, ang kamay ko ay super dry. Kaya naman tama lang ang timpla pagmagkahawak kamay tayo" inilahad ko ang palad ko at binigay nya ulit ang kamay nya saakin. We are holding hands again.
"Nga pala.."
"Hmm?" sagot ni Seb.
"Hindi ba boto si Tita Silvia kay Harper? Nagustuhan kaya ako ng mommy mo?"
Biglang ngumiti si Seb pero panay kuha sya ng mga pagkain sa caters at ibinigay saakin ang plato punong-puno ng pagkain. "Of course, she wants to do duo with you sa pagpa-piano. Alam mo ba, Mom is a very good pianist. Maybe that's why she like you because you shared the same skilled."
"Talaga! I want to see her play"
"Yeah, maybe next time Mahal"
Someone's POV
"Putangina!!!" Harper throw her handband sa pader ng isang washroom sa mansion. She is currently in the second floor para walang makarinig sa kanya. Tiningnan nya ang sarili nya sa salamin. She looks so angry dahil wala na syang magagawa para paghiwalayin sila Sebastian at Isabella.
She was breathing heavily because of furiousness. "SHIT!! SHIT!!" pagsisigaw nya sa sarili nya. "ARRRGGHH"
Biglang may tumawag sa cellphone nya. Kinuha nya ang hinagis nyang bag sa sahig at kinuha ang cellphone nya. Fuck! Ang mommy nya. Sinagot nya ito. "Asan ka?" malamig na tono ng kanyang ina.
"Mom..I'm on the second floor, nasa left washroom." pagkasabi nya noon ay biglang naghang-up ang kabilang linya.
Mga ilang minuto ay biglang bumukas ang pintuan ng washroom at pumasok ang mommy nya na hindi ma-ipinta ang mukha. Dali-dali nya itong sinalubong pero malakas na sampal ang natamo ni Harper. Napahawak sya sa pisngi nya. Ramdam nya ang hapdi at bigat ng kamay ng mommy nya.
"Stupida!" Biglang tumulo ang luha nya dahil disappointed ang mommy nya.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boy (Completed)
RomancexxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibigan nya lang dito sa bar. Wala syang sinabi at nilaklak na lang ang alak na hawak-hawak nya. Sebasti...