Papatayo palang sana ako ng biglang humilab ang tiyan ko kaya napakapit ako bigla sa bedside table. Ilang segundo lang naman ang tinagal ng sakit kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko yun na. Pinagpawisan ako dun.
Babe, you alright?
Worried na sambit ni Drake, siguro nakita nito ang mahigpit na kapit ko sa maliit na mesaHumilab bigla ang tiyan ko.
Saad koAre you okay? Humihilab parin ba?
Alalang-alala na tanong nito sakinHindi na, nawala rin naman agad kanina.
He sighed,
Buti naman kung ganun.
Tila nakahinga nitong wikaMagbabanyo kaba?
Tanong nito matapos makitang umayos ako ng tayoSana.
Come on, samahan na kita.
Saad nito saka lumapit sa akin at inalalayan ako papasok ng banyoMatapos magbanyo ay lumabas rin kami saka ako bumalik sa kama at nahiga ulit habang si Drake naman ay nagpaalam na bababa upang dalhin nalang rito sa kwarto ang agahan namin.
Humilab uli kaya di maipinta ang mukha ko. Yun ang naabutan ni Drake habang papasok ng silid namin.
Hey.
Agad nitong tawag sabay lagay ng tray na puno ng pagkain sa may bedside table saka ako nilapitanHumilab uli.
Sambit ko habang iniinda parin ang sakit sa tiyanRelax. Kakausapin ko si baby.
Saad nito sabay lapat ng kanang kamay nito sa may sinapupunan ko at nag-umpisa ng kausapin ang anak naminHey there, little buddy. Wag mong pahirapan si mommy kasi nag-aalala si daddy.
Malambing na wika nitoHabang hinahaplos nito ang tiyan ko ay patuloy parin nitong kinakausap ang anak at sa pagdaan ng minuto ay nawawala ang hilab.
Be good kay mommy baby kasi nahihirapan siya kapag sumasakit ang tiyan niya. You love mommy, right? Kaya magbebehave ka diyan sa loob habang di kapa lumalabas. I love you, baby. Can't wait to hold you. Mahal ka namin ng mommy mo.
May lambing na pahayag nito na siyang ikinangiti koMedyo nawawala na ang sakit.
Bigay-alam ko sa kanyaGood. Ang bait naman ng baby namin nakikinig kay daddy. Wag ng pasasakitin ang tiyan ni mommy, ha?
Pakikipag-usap parin nito tsaka maya't mayay hinahalikan ang malaki kong tiyanIlang sandali pa ang lumipas saka kami nagpasyang kumain na dalawa. Nagugutom na rin kasi ako kaya nagyaya na ako.
Habang kumakain ay nag-uusap kami ni Drake sa nalalapit kong panganganak. Pinag-uusapan namin ang mga gagawin kapag lumabas na si baby. Panay lang ang salitan namin ng sasabihin habang inuubos ang mga pagkain.
Buong araw ay nanatili lang kami sa bahay, nanonood ng pelikula habang magkayakap sa isa't isa. Cuddling is one of our way of expressing our love towards each other. Kahit walang usap na maganap basta yakap lang namin dalawa ang isa't isa ayos na samin dahil sa paraang iyon napaparamdam namin ang pagmamahal na meron kami bilang mag-asawa na magiging magulang na.
Oops! Pabitin muna.
Goodnight everyone😚
BINABASA MO ANG
A Wife's Comeback
General FictionCompleted SPG | Mature Content It's been 5 years since I left HIM and now I'm back here in the Philippines not for HIM but for my career and business. I'm Cyanna Trish Villega-Lagdameo the wife of Drake Jeshin Lagdameo. A lot of things has changed...