#SA1:"I HATE DRUGS"
*****
EIRA'S P.O.V
"Iingatan ka nila roon, apo." Sabi sa akin ni lola.
"Lola, huwag po kayong mag-alala babalik naman ako." Sabi ko rito.
Ito kami ngayon at naka upo sa sofa. Hinihintay yung bus na susundo sa akin papunta sa bago kung paaralan.
"Lola, ingatan niyo yang kwentas na bigay ko ah."
Ang kwentas na suot-suot ko mula pag-kabata ibinigay ko kay lola dahil, pag-suot ko ang kwentas na 'yon parang ligtas ako sa anumang panganib.
"Oo naman apo."
Napatingin kaming dalawa sa labas ng bahay ng marinig namin ang busina ng sasakyan.
"Baka 'yan na ang sundo mo." Sabay tayu niya.
Kinuha ko din ang isang maleta ko at bag pack. Pag dating ko sa labas, ang bus nga ang nasa labas. Sa huling pag-kakataon niyakap ulit ako ni lola, binitawan ko ang mga dala ko. I hugged her back.
"Iingatan ka nila roon, at p-protektahan." Sabi niya habang yakap-yakap pa ako.
"Ano ka ba lola, kaya ko naman ang sarili ko.. hindi ko naman sila kailangan... tsaka mag-aaral ako doon, hindi para bantayan nila." Bumitaw si lola sa pag-kakayakap sa akin kaya napa bitaw na rin ako. "Ouch!" Napa aray ako ng tampalin niya ako sa baywang. Dahilan at mahipo-hipo ko pa 'yon.
"Ikaw talagang bata ka, 'yan lagi ang sinasabi mo... basta apo, ligtas ka roon." Naguguluhan ako sa mga pinag-sasabi niya.
"Oo na. Sige na." Sabi ko kahit mukhang di naman ako sumasang-ayon sa mga pinagsasabi niya.
Nginitian na lang niya ako, matapos kung mag salita. Naka ngiti siya pero alam kung sa ngiting 'yan may naka tagong kalungkutan.
"Oh, sya.. umalis kana at mukhang naiinip na ang driver sa atin' dalawa."
"Lola, kumain po kayo sa tamang oras, limang bises sa isang araw. Lagi niyo rin' alagaan ang sarili niyo.. huwag din po kayong mag-papa-gutom." Walang tigil kung sabi.
Natawa siya sa mga pinag-sasabi ko "ikaw talagang bata ka oo naman. At tsaka huwag mo na akung alalahanin, ikaw ang mag-iingat apo ah." Sabay hawak sa mga bagahe ko habang tinulak-tulak pa ako sa pinto ng bus. 'Iingatan ka nila doon, at aalagaan.'' Paulit-ulit, yan ang sinasabi niya simula ng kausapin niya ako na papasok daw ako sa shibui academy na 'yon.
"Lola, mahal na mahal po kita." pahabol ko. "ligtas ka doon, at iingatan apo." Bago sumara ang pinto ng bus. Napatingin ako sa mga kasamahan ko dito sa loob. Ang sasama ng mga tingin nila, inirapan ko naman sila. Duh! May nakitang artista? Tsk! mga Punyeta!
Umupo ako sa bakanting upuan na malapit sa bintana. Natanaw ko mula sa labas si lola dahil hindi pa uma-andar ang bus. Ngumiti siyang ng pag ka lapad-lapad habang kumakaway pa sa akin. I smiled her back ngunit ito ay isang peke, dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan siya, na ni minsan sa buong buhay ko ay hindi ko naisip pero ito ngayon, at sa lugar pa na ito.
Para kaming kriminal ni lola na palipat-lipat ng lugar hindi pa kami nakaka dalawang buwan sa isang lugar lilipat na naman kami, wala naman kaming ninakaw and hinding-hindi magagawa 'yon ni lola hindi kami mayaman at hindi rin mahirap 'yon bang may kaya sa buhay. Tsaka hindi ko pa nababalitaan na wanted si lola. No way! Napailing na lang ako sa mga naisip ko. Waaah! Hindi pa man kami nakaka layo, namimis ko na siya.
Ni minsan ay hindi ko nakita ang parents ko, sabi ni lola they defunct. Minsan ini-isip ko kung ano ang mukha ng parents ko pero wala. Ni puntod nila ay hindi ko alam kung saan naruruon. But hindi ko ring maiwasang mangulila sa kanila i know hindi nag-kulang si lola sa akin siya ang naging daddy ko mommy, kuya, ate at lolo. Pero nakakaingit ang mga kaklase kung sinusundo ng magulang nila o ang mga kapit bahay namin. Wala akong naging kaibigan pero may isang tao na naging kaibigan ko sa buong buhay ko pero iniwan niya ako, nawala siya na parang bula buti nga ang bula nakikita mo kung paano mag-laho pero siya.....
BINABASA MO ANG
Shibui Academy: The School Of All
Diversos"WELCOME TO SHIBUI ACADEMY" Simple lang naman ang gusto kong buhay. Gigising sa umaga, maghahanda para pumasok sa paaralan, umuwi mag-linis at tumulong sa pinakamamahal kong lola. Ni minsan ay hindi ko inisip na maging katulad nila pero, tadhana nga...