Chapter 7

7 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school namin. Tinatamad nga ako pumasok kaso I need to be here kasi bukod sa mahuhuli ako sa lesson ay ibibigay ko tong term paper kay mokong. Nakakainis talaga pangatlong araw ko pa lang ngayon pero gusto ko na talagang matapos ito. Alilang alila na talaga ang ginagawa niya sa akin. Papunta na ako sa parking lot kasi naman patago lang tong ginagawa namin baka mapag tsismisan kami ng mga makakati ang dila at syempre ayoko rin mabahiran ang pangalan ko.

"Satisfied?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan nya ang term paper.

"Thanks" then he smirked.

Ang sarap talaga batukan ni mokong.

"Sana naman pahinga muna ako tutal tapos na naman ako sa term paper mo." may diin na pagkakasabi ko.

"Fine." at umlis na siya.

Nakapagtataka at napakabait naman niya ngayon. Ano kayang nakain ni mokong? Tiningnan ko ang suot kong relo at sa malas ay sampung minuto na lang ang natitira bago matapos ang klase. Nagpasya na lang ako na hindi pumasok at umuwi na ng bahay. Yun din lang naman ang pasok ko kaso heto nga at di rin lang naman ako nakapasok sa klase.

"Nandito na po ako!" sigaw ko pagpasok ng bahay.

Lumingon naman si mama habang pinupunasan ang mga picture frames.

"Ang aga mo umuwi." puna ni mama.

"Tinatamad po kasi ako maggala sa mall." sabi ko habang paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Agad kong binagsak ang aking katawan sa kama at di namalayan na nakatulog na pala ako.

Sa aking panaginip...

Nasa balcony ako ng aking kwarto habang nakatingin sa buwan. Bigla naramdaman ko ang pagyakap ng kamay sa may tiyan ko. Lumingon ako at agad kong nakita ang mukha ni Mc Donald.

"Ready for tomorrow?" tanong niya sa akin.

Sinagot ko lang siya ng ngiti. Then he kissed my hair.

"Matulog ka na. Malalim na ang gabi baka mapuyat ka pa."

"Sige na mauna ka na. Hindi pa ako dinadalaw ng antok."

"Fine. Goodnight Hon." then he kissed my chicks and went out.

Napaisip ako bigla. Bukas na pala kami aalis. Pero ang tanong makakaya ko ba na lisanin ang lugar na ito? Tama nga ba ang naging disesyon ko? Napag usapan na ikakasal kami sa loob ng isang buwan. Sana nga tama itong naging desisyon ko na pakasalan siya.

Kinabukasan ay umalis na nga kami at hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay mama dahil hindi na siya lumabas ng kwarto. Nasa loob na kami ng kotse kasama si Luitenant Marquise.

"Masaya ako para sa inyo. Alam ko na maaalagaan ka ni Hector." sabi ni Luitenant Marquise

Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang sinabi dahil sa sobrang antok.

Linggo at syempre araw ng simba. Kung nagtatanong kayo kung sino ang kasama ko ang sagot ko ay wala. Heto at napaaga ata ako kasi kakaunti pa lang ang tao nang may matandang tumabi sa akin. Bigla na lang itong nagsalita.

"Dalawang panahon. Dalawang minamahal. Sino ang mas matimbang?"

Napakunot ako ng noo at tumingin sa matanda. Nakatingin lang ito ng diretso. Nakapagtataka rin dahil di ko naman siya kilala.

"Alin ang mas matimbang? Kailangan mong pumili sa dalawa. May mamatay sa isang panahon na hindi pinili. Nasa iyo ang disisyon. Tandaan mo kailangan mong pumili."

Hindi ko maintindihan ang kayang pinagsasabi. Mukha naman syang matino. Lumingon lingon ako sa mangilan ilang tao ngunit parang may mali. Liningon ko ulit si lola pero wala na siya sa tabi ko. Nakapagtataka dahil ang bilis nyang nawala. Kapag nagkita kami magpapaturo talaga ako ng ninja moves.

Phantasm NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon