Kabanata 1:
Ang pag-ibig ay parang isang panty. Kapag bago, inaalagaan ng paglalaba, madalas ginagamit lalo na at masikip pa. Ngunit kapag naluma na, halos hindi na pinapansin, ayaw nang gamitin dahil maluwag na. Ang masaklap pa e, itinatapon na lang basta sa basurahan kapag loose thread na.
Iyan na ang naging definition ko sa pag-ibig mula nang iwan na lang ako nang basta-basta at parang isang panty'ng pinaglumaan.
Sa loob ng tatlong taong pagiging single ko, maraming lalaki na ang nagtangkang pumorma sa'kin. Marami na ang sumubok ngunit dahil wasak ang puso ko sa lalaking pumunit ng pagkababae ko, mas pinili kong maging pihikan. Tinaasan ko ang standards ko at binakuran ko ang sarili ko pagdating sa mga lalaki. Natakot akong baka katulad lang din ng ex-boyfriend kong virginity wrecker ang mapili ko. Natakot akong baka tikman lang ako pagkatapos ay iwan lang din dahil nagsawa na. In short; Nag-ingat ako nang bongga.
Kaya tuloy ngayong handa na akong magkaro'n muli ng jowa, 'tsaka naman nagsilayuan ang mga lalaki sa akin. Natatakot silang maligwak kapag pinormahan nila 'ko. Lalo na at naging istilo ko na ang laitin ang mga sumusubok na ligawan ako. Ayan tuloy, tatlong taon na akong sabik at gigil sa pagmamahal. Ang tagal ko ng tigang!
At ngayong walong araw na lang ang bubunuin bago sumapit ang Valentine's day, bigo pa rin akong magkaro'n ng lovelife. Damang dama ko na naman ang lamig katulad ng nagdaang pasko at bagong taon. 'Yong mga office mates ko, puro kwentuhan kung paano sila nadiligan ng mga jowa nila samantalang ako, ito at nganga!
Ang pagkasabik at pighati na nadarama ko, idinaan ko na lamang sa pagwawalwal mag-isa. Nagbakasakali ako na baka ang init ng alak na lamang ang pumawi sa lamig na nadarama ko.
Sa kalasingan at sa sobrang pagkahilo ko, napahilig na lamang ako sa bintana ng gwapong kulay itim na kotse. Hinang hina na ako, nakakapagod na kasi, gosh!
"Lord, handa na akong magka-jowa! Kahit pangit basta mabango papatusin ko na! Basta magaling sa kama, sunggab agad kara-karaka! Sige na Lord! Kating kati na 'ko! Sabik na sabik na 'ko! Malapit na ang Valentine's day, o! Kahit isang linggong pag-ibig lang, ibigay mo na! Pleaseee!" pagmamakaawa ko na parang may biglang babagsak na lalaki mula sa langit kung hihilingin ko iyon.
Sana nga ganoon na lang kadali, e. Iyong may bigla na lang babagsak na lalaki sa harapan ko kapag hiningi ko kay Lord. Oo nga at totoong hindi nauubos ang mga lalaki, pero para sa akin, ubos na ubos na. . . Kulang na kulang pa!
"Mukhang maganda 'yang offer mo, a."
Natigilan ako sa pag-e-emote nang marinig kong magsalita iyong kotse.
O.M.G! Nagsasalitang kotse?
"H-hoy! Pumapatol ako sa lalaki, gwapo man o pangit 'yan, daks man o jutay pero hindi ako pumapatol sa kotse 'no!" Sinubukan kong umatras dahil unti-unti na akong nawi-weird-ohan, pero sa kalasingan ko yata'y nabuwal ako sa kinatatayuan ko at napaupo sa gutter.
Ang malas naman! Dapat pala pinatos ko na iyong huling lalaking nanligaw sa akin, e. Edi sana hindi ako ganitong nagluluksa at nag-i-imagine ng kung anu-ano.
Bumuntong-hininga ako at tuluyan nang naupo sa gutter. Inayos ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Kaasar namang buhay 'to, o! Ang malas ko, ang malas malas! Kung karma na 'to, sana naman hanggang dito na lang.
"Miss, seryoso ka ba sa sinabi mo?"
Nanlaki ang mga mata ko nang may muling nagsalita. Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa bintana ng kotse at nakitang nakababa na iyon. Nakasilip mula ro'n ang isang gwapong lalaki.
Ilang beses akong napakurap, kasi baka mamaya nag-iilusyon na naman ako. Pero hindi, nanatili siyang naroon, nakangisi habang naghihintay ng isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Kalandian
Romance"Ang pag-ibig ay parang isang panty. Kapag bago, inaalagaan ng paglalaba, madalas ginagamit lalo na at masikip pa. Ngunit kapag naluma na, halos hindi na pinapansin, ayaw nang gamitin dahil maluwag na. Ang masaklap pa e, itinatapon na lang basta sa...