Inilalayan ko si Ria na ilagay yung gamit niya sa kotse. Malaki kasi yung bagage niya. Akala mo talaga kung saan na pupunta.
"Bes. Matutulog ako ha? Gisingin mo ako mamaya pag nasa bahay na tayo." Sabi niya. Pumayag nalang din ako. Kesa naman magtatatalak siya mamaya habang nasa biyahe kami.
Pikit na pikit yung mata niya habang natutulog siya pero ng kalaunan ay unti-unti dumidilat. Yan talaga siya pag natutulog. Nakadilat yung mata niya at sa tuwing sinasabihan ko siya tungkol diyan ay nagagalit siya kasi daw nagsisinungaling ako.
Rinig ko na nag beep yung phone niya na nakapatong lang sa case sa harapan ko. Parang kaina pa yang beep na yan eh. Mukhang importante.
Wala akong choice kundi sinagot ko nalang ang tawag. Hindi pa ako nakapagsalita ay bigla akong may narinig na boses.
"Ria ano? Hindi mo nalang ba sasagutin ang mga text ko? Bakit kawala ka parin sa bahay nyo? Nag e-enjoy ka talaga na wala ako eh!" Rinig ko ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Tiningnan ko ang tumatawag. Si Vince. Hindi na ako sumagot. Baka ano pang sabihin niya.
"Ano Ria? Pag hindi kapa nakarating dito sa bahay nyo within 1 hour malalaman mo!" Napataas ang kabila kong kilay. So this is how he treats Ria? Kaya pala mukhang ang problimatic ni Ria simula nung dumating si Vince. Kaya pala sabi niya nung nalasing siya eh, natatakot siya kay Vince. Ganito pala siya. Sana hindi ko nalang hinayaan si Ria sa kanya.
Pinatay ko ang phone ni Ria. Ayokong makarinig ng kung ano pa at baka pati ako makialam nalang sa relasyon nila.
Nakarating kami sa subdivision within 4 hours. Ginising ko nalang si Ria pagdating namin sa harap ng bahay nila.
"Bes thankyou sa ride!" Sabi niya saka kumaway. Tumango nalang ako. Ang saya ng mata niya at ang aliwalas ng mukha niya. Sana hindi ito masira mamaya.
I immediately took a bath. Ang sticky na kasi ng pakiramdam ko.
I scan my phone nung nasa kama na ako. Mag yo-youtube sana ako ng biglang may nag appear sa notification ng phone ko. Tinag daw ako ni Ria sa post niya. Agad ko naman itong tiningnan. Yung pictures namin nung nag island hopping kami.
"Quality time with bes." Sabi pa niya sa caption. Kita ko sa notif ko na agad na nag react ng angry si Vince. Problema niya?
Pinusuan ko naman ang bawat photos namin ni Ria. Gusto kong ma badtrip si Vince ng sobra.
Nag search na ako ng videos sa youtube ng biglang may nag appear na naman sa notif ng phone ko. Yung facebook. I scanned my facebook again and nakita ko na my shinare si Ria na post. Parang may problem siya the way the post expressed.
I chatted her kung okay lang ba siya. As usual. Okay naman yung sagot niya sakin with matching smiley face pa. Akala niya siguro mapapaniwala niya ako the way she chatted. Alam ko naman na kahit konti pero parang naliwanagan naman siya dahil sa bakasyon. I mean, she had unwined naman siguro.
"Bes. Study ka na diyan. Lubos-lubusin mo na. Last na natin tung pagpapagod dahil ga-gradute na tayo!" Sabi ko sakanya. I cheered her up.
"Sige bes. Goodluck satin!" Reply niya kasabay ng pag out niya. I think hindi nag work yung pag chi-cheer ko sakanya. Tsk. Bahala na.
I scanned my books. Dalawang bioms talaga sa mathematics. Tig-dadalawa kasi yung math namin kada sem. Buti nalang talaga my 1 week na break. Time to study every near exams talaga yan. Nasa.protocol na yan ng school namin.
Sisimulan ko na talaga yung pag study ngayon. Final na talaga to at hindi na to mauulit kailan man kay susulitin ko na talaga yung huling month or should i say weeks na nasa school pa kami. St. Vincent University. Ang lugar kung saan tinuruan niya kami ni Ria kung paano mabuhay na walang bestfriend na magtatanggol sayo kaoag nasa classroom ka. Which also taught us na minsan kailangan talagang mapalayo sa taong importante sayo dahil hindi habang buhay kakayanin niyang manatili sa tabi niyo.
This school gives me a lot of lesson. Hindi lang sa academics kundi pati na rin sa buhay. Sa school na to, marami talagang nangyari. First boyfriend ni Ria which is Vince. First tampuhan namin ni Ria na nag last for week. Yung first time na hindi kami magkasabay dumating sa school saka umuwi sa hapon. Yung first time na may kasama akong babae at hindi si Ria yun.
In this school, natutunan ko rin na minsan talaga kailangan nating mag take ng risk. Kasi kung hindi natin susubukan, baka magsisi lang tayo sa huli. Like what happened to us ni Ria. I know, hindi kami nag take risk. Nabulag kami sa friendship namin. Akala namin hanggang friends lang talaga yung tingin namin sa isa't-isa. Hanggang sa dumating si Vince at Maria sa buhay namin. Dun nalang namin nalaman na unti-unti na hindi namin namamalayan, mahal na pala namin ang isa't-isa. At yun. Nagsisisi ako kasi ang hina ko pag dating kay Ria. Baka nga totoo ang sabi nila na ang taong magaling daw sa math, tanga sa pag-ibig.
But the I can see that Ria and Vince's relationship will come to an end. Nararamdaman ko yun dahil sa hindi maayos na pakikitungo ni Vince kay Ria. Ayokong sabihin kay Ria ang lahat ng narinig ko nung tumawag si Vince. Gusto ko siya nalang mismo yung magsasabi sakin kung sakali mang handa na siyang sabihin iyon.
BINABASA MO ANG
Bes
FanfictionSi bestfriend. Si bestfriend na ayaw kong mawala Si bestfriend na iniingatan ko Si bestfriend na nagseselos tuwing may iba akong kausap Si bestfriend na nandiyan parati. Si bestfriend na mas kilala ako kesa sa karelasyon ko. Si bestfriend. Si bestf...