Disclaimer:
This is a work of fiction. Ang lahat po ng mga pangalan, lugar o pangyayari sa istoryang ito ay pawang imahinasyon lamang. Kung may pagkakapareho man ito sa kahit na sino o ano ay pawang aksidente lamang.
***
"Liligawan kita." Seryoso at determinado nyang sabi.Tumingin lang ako sa kanya.
It's a statement, right?
Ni hindi sya nagtatanong sa akin kung papayag ba ako o hindi.
"I'm not pretty."
"You are pretty." Sinasabi nya 'yon habang nilalagay sa likod ng tenga ko ang takas na buhok sa mukha ko.
Napaawang ang labi ko.
"Hindi ako mayaman." Sabi ko ulit.
"And so? As if I care about that." Irita nyang sabi sa akin.
Umiwas ako ng tingin, nag iisip ng pwede pang sabihin.
"Hindi ako---" He cut me off.
"You know what? Stop with the excuses. I don't fvcking care. All I want is to court you. That's all." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
Nagkatinginan kaming dalawa.
Hanggang sa napatingin sya sa labi kong naka awang.
Napapikit ako ng ilang beses at napalunok.
"I badly wanted to kiss you. Pero dahil nagpapabango pa ako, I can wait." Marahan nyang sabi at ngumisi sa akin.
"Brent.." Tanging nasabi ko na lang.
"So let me, okay? I'll prove to you na karapat dapat ako na maging boyfriend mo. I'll do everything just to get your sweet yes." Hinalikan nya ako sa noo.
Hindi ko na napigilan.
Tinignan ko sya ng naiiyak.
Hinawakan ko ang braso nya. Napatingin sya doon.
"Why are you crying, baby? What's wrong?" Nag aalalang tanong nya nang makita na tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko.
Sunod sunod akong umiling.
I'm just so lucky, Brent. I said to myself.
Na sa lahat ng babaeng nagkakandarapa sayo, ako ang napili mo.
Na sa dinami dami ng mas magaganda at mayaman, ako ang napili mo.
Para akong nakalutang ngayon.
It all felt like a dream.
"I'm j-just happy." Mahinang sabi ko at hinila ko ang braso nya para yakapin ng mahigpit.
Parang nanigas naman sya sa kinatatayuan nya dahil hindi sya nakagalaw agad.
Ngunit maya maya lang ay hinalikan nya ang buhok ko at yumakap na rin sa akin ng mahigpit.
I hope this will not end. I can feel the butterflies in my stomach.
I hope this moment would last.
'Cause I know..
I know.. that I must reject him.
***
Hi guys!!! Omggg finally nakapag sulat na din ako ng matino HAHAHAHA.
Napaka gulo ko kasing tao kaya expect nyo na din na magulo ang storya ko 😅
Anyways yun nga, sana suportahan nyo po ako sa gagawin kong 'to!
Kinakabahan ako ng sobra ;<
I hope you guys appreciate my work.
Lovelots :*
BINABASA MO ANG
Rejecting The Bad Boy
RomanceA story about a girl who is afraid to try. Always commit mistakes and never wanted to fall inlove. Until he met Brent. The bad boy who is willing to do everything to win her trust and to make her his girl. But then, can Brent really make Ingrid fal...