Chapter 4: Threats

335 10 1
                                    

Liana's POV

Natapos ang isang araw naming klase. Salamat naman. Magkakasama kami nina Shin at Ash ngayon at naglilibot kami sa school para mapamilyar kami rito.

"Shin! Ba't mo 'ko iniwan kanina? Muntik na 'kong ma-late e! Ang taray pa naman ng teacher namin ni Liana!" ungot ni Ash.

"Aba! Parang kasalanan ko pa ha? Sino ba 'yung tatamad-tamad kumilos d'yan?" pagsagot ni Shin.

"Hey, you two. Lagi na lang ba kayong mag-aaway? I'm not a referee, okay?" umirap ako. Tumahimik naman sila kaso masama pa rin ang tingin nila sa isa't-isa. They always fight kahit sa maliit na bagay. Para silang mga bata. Buti na lang talaga 'di nila naiisip na magpatayan.

Mas lalo akong nainis nang makita ko sa 'di kalayuan ang babaeng sumira ng araw ko. Agad na nagsalubong ang kilay ko at napatigil ako sa paglalakad, ganun din 'yung dalawa.

▄︻̷̿┻̿═━一

Kanina...

Hinahanap ko si Shin kasi recess naman ngayon. Nagpaiwan si Ash sa loob ng room. Ayaw n'ya kasing mapahalubilo sa mga taong bago pa lang sa paningin n'ya. He killed several people na pero anong kaartehan 'yun? Weird.

I give up. Ang hirap hanapin ni Shin. Pumunta na lang ako sa canteen para bumili ng pagkain. I heard na binibigyan ng SecA ang mga students dito ng pera depende sa grades nila.

Buti na lang at kakaunti ang tao dito. Mga 100 mahigit plus the faculty members at iba pa.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan pagkatapos sabihin 'yung order ko. The weird thing is, umupo lang ako pinagtinginan na ako. Would something bad happen if I don't leave this seat? Duh.

Dumating na ang order ko, a slice of strawberry cake with a glass of orange juice.

I'm enjoying the food pero tumigil ako nang may lumapit sa aking babaeng may pink hair na puro drawing ang mukha.

"Leave that seat or something bad will happen to you." argh. I hate her voice. It annoys me.

"Excuse me? Hindi ikaw may ari nitong upuang ito, sa school 'to. Nauna ako."

Nagulat na lang ako nang bigla n'yang inginudngod sa mukha ko ang cake na kinakain ko. What the hell?! I stood up at hinarap s'ya. Maikli ang pasensya ko kagaya ni Shin.

"What the hell are you doing, Miss?!" pasigaw kong tanong sa kanya and instead na sagutin n'ya ako ay may bumulusok na kutsilyo papunta sa akin, galing sa kanya. Hindi ako natamaan pero narinig ng kanang tenga ko ang hanging dumaan dala ng kutsilyo. Narinig ko ang pagtama ng kutsilyong iyon sa pader na nasa likod ko. Halatang sinadya n'yang hindi patamain sa akin para lang mapahiya ako and I hate it. Kung wala lang talagang rule dito sa school na bawal pumatay basta-basta e kanina pa 'tong nakahandusay.

Nakita ko ang nakakalokong ngiti na nakaguhit sa drawing n'yang labi na tila natalo n'ya ako.

Nakakainis! I hate it. Ayaw kong napapahiya ako lalo na sa harap ng madaming tao. Tinapunan ko muna s'ya ng matalim na tingin bago ako nagmadaling umalis. Narinig ko pang may ilang napatawa.

"Anong nangyari sa'y-" hindi ko pinansin si Ash at nagderetso na sa cr para maglinis.

▄︻̷̿┻̿═━一

"Hindi lang pala pangit, malandi rin." pabulong kong sabi nang makitang may kinukulit s'yang lalaki na nakatalikod.

"Sino?" tanong ni Shin sabay tumingin din s'ya sa tinitingnan ko. Napatawa naman ng mahina si Ash.

Secret Academy: Her Name Was DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon