Kabanata 19

27 11 0
                                    

Nagliligpit na kami ng pinagkainan namin.

"Vince! Tumigil ka nga, nagsasayang ka ng tubig eh!" Paano kasi naglaro lang siya ng tubig.

"I don't know how to wash this plates." Malungkot na sabi nito.

"Edi, umalis ka dyan at manuod kanalang  sa TV mo." Ang mga mayayaman talaga hindi marunong ng pang mahirap na Gawain.

"But, i want to help you." Nag pout pa ang mokong.

"Help me, eh hindi ka nga marunong kaya sige na dun ka nalang manuod" pagtataboy ko.

"No! I'll help just teach me. Im a fast learner." Proud pang sabi nito. 
"Okay ako ang magsasabon tignan mo ang gagawin ko. At ikaw naman ang magbabanlaw." Tumango lang siya. Dalawa kasi ang lababo yung sa sa pagsasabon yung isa maman ay para sa banlawan

Mabilis ngang matuto si vince , sabagay madali lang naman yun magbabanlaw ka lang naman.
Nang matapos namin ang paghuhugas. Nag aya si vince na manuod daw kami ng movie.

"Anung oras na oh, 10 pm na uuwe na ako ,maaga pa ako bukas eh." Sabi ko at inayos ko na ang mga Plato.

"Saturday bukas diba? " tumingin ako sakanya. "Oo saturday. Bakit may lakad ka din?" Tanung ko pabalik.

"May lakad ka bukas? Kay Gio ba?" Tanong nito

"Oo may usapan kaming bukas-" tumalikod si vince at naglakad paakyat sa kwarto niya. Anyare dun.

"Vince! " tawag ko. Wala dedma lang ako. Anu naman ba problema nun.
"Vince!" Naabutan ko din siya kaso nasa tapat na kami ng kwarto niya.
Hindi niya pa din ako tinignan.

"Anu naman ba? Anung inaarte mo?" Wala dinedma lang ako pumasok siya sa kwarto niya.

Iniisip ko yung sinabi ko kanina. Dahil ba yun sa pag alis ko o sa pag punta ko kay Gio. Ting! Oo nga pala sinabi niya na walang lalaki dapat.
Pinihit ko yung doorknob niya buti naman hindi niya nilock. Nakita ko siya nakahiga sa kama nito na ginawang unan ang kanyang braso. Napangiti ang pogi naman ni vince lalo ata akong naiinlove.

Lumapit ako sakanya at umupo sa gilid ng kama niya. Sobrang lambot nito. Hindi nakabukas ang ilaw niya tanging lampshade lang ang nakabukas.

"Sorry." Panimula ko. Tumalikod sakin si vince maarte tong mokong na to. " aalis ako bukas mag sa-sideline ako kila Gio. Lilinisan ko lang naman ang condo niya. Sayang yun kaya grinab ko kailangan ko kasi ng pera."
Humarap siya at umupo.

"Bakit hindi pa ba sapat na sumasahod kana at may allowance kapa.?"

"Hindi naman sa ganun kaso kasi may nangyare sa bahay. Kaya kailangan ko ng ibang trabaho. Kailangan ko din makapag ipon kasi graduating ako at para sa pamilya ko." Ayuko sa lahat pinag uusapan ang pamilya dahil emotional ako pag dating sa usaping ganto.

"Please wag na. Dito ka nalang magtrabho kung ayaw mong tanggapin ang ibibigay ko sayo." Malungkot na sabi niya.

"Bibigyan mo ako? Ng pera?" Hindi ako papayag at hndi ko tatangapin anu nalang ang iisipin ng mga tao pag ganun.

"Oo, pero alam kong hindi mo tatanggapin kaya ikaw nalang maglinis ng condo babayaran kita."

Ngumuti ako. "Buti alam mo na hindi ko tatanggapin ang ibibigay mo. Anu nalang ang sasabihin ng magulang, daddy mo, ng mga taong makakaalam na tinatanggap ko ang parang binibigay mo." Mahabang paliwanag ko kasi ngayun parang na iniisip ko nasasaktan  na ako paano pa kaya pag nangyare na.

"I understand , Kaya nga ikaw nalang maglinis nun diba. Pumayag kana wag ka na dun sa panget na Gio na yun." Natawa ako ,kung ako lang iniisip ko na nagseselos siya.

TRUST MEWhere stories live. Discover now