Chapter 4
"Are you sure, you want to cancel all your appointments tomorrow?" Oliver asked from the other line.
Humilig ako sa likod ng shivel chair habang nakatutok pa rin ang mga mata sa monitor ng laptop.
"Yup. And I'm really sorry about earlier. May hang over lang."
"Okay lang, Sir."
Ilang oras na kong nagta-trabaho sa loob ng opisina at sinigurado kong naka-lock ang pinto dahil ayoko ng istorbo.
Mukhang nadaan din siya sa tingin kanina dahil wala na kong narinig na ingay mula sa kwarto ko. Sinadya ko talagang magkaroon ng opisina rito sa mansion para magawa ko nang maayos 'yong mga tinatanggap kong project. Binaba ko na 'yong cellphone sa mesa at pinatay na rin ang laptop.
Napapahilot na lang ako sa sentido, hindi dahil sa trabaho, kun'di dahil sa dalang stress nong multo. Nagtataka lang talaga ako kung bakit kakaiba siya sa mga multong nagparamdam sa'kin. Hindi siya tumatagos sa mga bagay, at malaya niya itong nahahawakan.
That's really odd.
Napahinga ako nang malalim bago tumayo at iligpit ang mga gamit ko. Pagkalabas ko ay nadatnan ko siyang nakaupo sa kama at nakatunghay sa akin.
She looks serious kaya nakakapanibago.
"Uh, pumunta rito si Nanay. Niyaya kang maghapunan. Mabuti at natapos ka na," aniya, mahinahon ang tono.
Bumaba naman ang tingin ko sa hawak niyang album. What the pack! Mabilis akong lumapit sa kan'ya at hinablot 'yon.
"Sweet ka pala. Dinala mo pa siya sa Eiffel Tower."
I clenched my jaw. "Saan mo 'to nakita? I told you not to lay your finger on my things."
Matagal ko na 'tong pinapatapon kay Manang sa basurahan kaya nagulat ako na nandito pa rin pala 'to. Dapat wala na 'to sa kwarto ko.
"Sa ilalim ng kama, Sir. I like your taste when it comes to girls. Magkahawig nga kami, eh. Alam mo bang--"
"Get out." Mariin akong pumikit, nagtitimpi.
"Why so bitter? Ah, hulaan ko. Break na kayo. Tapos, hindi ka pa rin maka-move on sa kan'ya. Tama ba?"
Sinalubong ko ang mga mata niya nang walang emosyon. Nakangisi siya na para bang joke ang lahat ng ito para sa kanya. She's really pushing my limit.
"I said, leave," I muttered.
Then, I found us, staring at each other. Walang nagpapatalo."You still love her," mahina niyang sambit. "Mahal na mahal mo pa rin."
Doon na ko napigtas. Anong alam niya sa nararamdaman ko? Sino ba siya?
"Pwede ba? kung hindi ka matahimik, 'wag kang mandamay! Patay ka na, pero nanggugulo ka pa rin ng may buhay."
Nag-iwas siya ng tingin sa'kin, at nakita ko kung paano kumuyom ang palad niya.
"Kung hanggang ngayon, hindi mo pa rin matanggap ang pagkawala mo. Pwes 'wag mo kong isama sa pagiging miserable mo! You can--"
"Okay, Sir. Pero sana ako lang ang miserable dito," she spoke softly. Kabaliktaran ng bulyaw ko sa kan'ya.
Tumayo siya at pinanood ko kung paano niya buksan ang pinto. Lumabas siya ng kwarto nang hindi ako nililingon. Para akong nahimasmasan doon. Sheet! Naibato ko na lang 'yong hawak kong album sa pader.
"Hindi ka na naman kumain kagabi. Gusto mo ba talagang makarating 'to sa Mama mo?"
"Sorry na, 'Nang. Nakatulog agad ako pagkatapos ng trabaho," I lied.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.