"Responsibility"
Alex's POV
Ang sakit ng ulo ko. Lecheng hang over talaga ito. Tumingin ako sa bedside table ko at nakitang 10:00 na ng gabi. Bumangon ako at nagpunta sa kusina. Maya maya ay nagtimpla ako ng black coffee at baka sakaling makatulong na mawala ang kirot sa aking ulo. Nagpunta ako sa veranda at naupo sa favorite spot ng bahay ko. Mula dito ay tanaw ko ang napakalawak na syudad at buhay na buhay sa mga ganitong oras. Ramdam ko rin ang lamig ng klima na nanunuot sa aking balat. Buti na lamang at dito sa may mataas na bahagi ng Granada, Andalusia ko naisipang magpatayo ng bahay at tumira sa mahabang panahon. Kung sabagay hindi ko rin naman palaging nauuwian ang bahay ko lalo na pag ipinapadala ako sa mga misyon sa iba't ibang parte ng mundo.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga posibilidad na mangyari kung babalik ako ng Pilipinas. Alam kong parte ng plano ang paglayo ko pero hindi ko akalin na dumating na ang takdang panahon. Parang kahapon lang nangyari pero ito ako ngayon, nag-iisip kung kaya ko bang ihandle ang sitwasyon. Sa tagal ko sa organisasyon, I already mastered all the techniques. Pinagsikapan kong malampasan lahat ng challenges in order to survive kahit na bawat araw na lumilipas para akong pinapatay sa sakit ng nakaraan. Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang 6 na taon dito sa Spain. Gustuhin ko man at hindi, but I have to do the mission because after all, it is also part of the plan. Responsibilidad kong tapusin ang sinimulan nila.
"Captain, talaga bang desidido ka na? Kaya mo na ba?" tanong ni Andy sa akin. Gulat akong napatingin sa biglang pagbukas ng aking pintuan.
"What the hell are you doing here you 3? Hindi ba uso sa inyo ang salitang katok? Do you think I have any choice Andy? " sagot ko sa kanya habang hinihilot ang aking sentido. Andito na naman ang 3 ito, sigurado akong mangungulit lang sila na pagtsismisan ang personal kong issue.
"Maybe Director is right A, times up sa pagtatago mo." singit naman ni Xan na nagbukas ng ref at kumuha ng kung ano doon.
"The question is, kaya mo na ba talaga? Kaya mo na bang ihandle ang sitwasyon kung sakaling maulit ang nangyari 6 years ago?" may pag-aalalang tanong ni Pyr.
Napatingin ako kay Pyr. Alam nilang lahat kung bakit ako napunta dito sa Spain. I needed to prepare myself in the future that's why I'm here. We are part of an organization which aims to clean up all kinds of crimes. Depende kung saan kami ipadadala. Our organization is connected in National Security of different countries worldwide. Ipinadadala kami kapag ang mga kaso ay highly confidential at may involve na mga politician o mga maimpluwensyang tao. I just too lucky dahil isang team lang ang kinabibilangan naming 4 at lahat kami Filipina.
"I will do everything under my power just to keep him safe even if it means death", tiim bagang kong sagot.
"We'll hindi naman ako nag iisa sa misyon na ito, anjan naman kayo so I don't need to worry" dagdag ko pa habang isa isa ko silang tinitingnan.
"A, i hope you don't mind me asking you this but after this mission, what is you plan? What if after this hindi mo pa rin makuha yung inaasam mo?" Pyr asked me that caught my attention. Napabuntong hininga na lang ako.
"I'll cross the bridge when I get there, ang mahalaga matapos na ito. This is long overdue." nakatalikod kong sagot sa kanya habang nakatingin sa malawak na syudad ng Granada. I know that I was too late. Marami na rin akong nabalitaan sa kanya sa nagdaang mga taon ngunit hindi ko maintindihan bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya makalimutan.
Gaga nga siguro ako kung matatawag pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ko sa aking sarili na nakamove on na sya habang ako, andito at lusak pa rin sa kanyang mga alaala. Kung hindi dahil sa isang tao, sana masaya na kami ngayon. Baka nga may mga anak na kami. Pero wala na akong dapat pang panghinayangan, pinili ko na ito, kaya dapat panindigan ko. Hanggang sa SANA na lamang ako makokontento. Mapait akong napangiti.
YOU ARE READING
The Amazons Series 1: Alexandria Alkaia Zaragosa "Mighty One"
General FictionLove is the burning point of life, and since all life is sorrowful, so is love. The stronger the love, the more the pain. Love itself is pain, you might say -the pain of being truly alive. Will love can cure the wound of past that left unsaid?