After all these years, di ko akalaing mag wa-wattpad pa ko ulit hahaha
Hi! It's been so long! (konting kwento muna) nag search ako about my favorite authors before and sobrang saya lang na makitang active parin sila dito ❤️ kaya nakakainspire na mag sulat ulit ng story hehe
Without further keme, here goes nothing...
_______________________________________
Abby
I'm not a perfect person. Some find me strong and they see me as a very positive and happy woman. Hindi daw halata na may pinagdadaanan (kung meron man). Parang kayang kaya lahat ng bagay... Parang.
Little do they know that every morning, I fight for this. With all my strength, I choose to be happy and fights my battles in secret.
Yes. Tama din naman sila. I am strong and I keep my guards up. Waaaay up!
No one can hurt me... Again. Not this time.
Sabi nila, there is always a reason for everything. Kung sino ka ngayon, result yan ng mga napagdaanan mo na dati. And that's true. Naniniwala talaga ako doon.
I wasn't like this before. noon, I let everyone in my life. I trust easily. I give love without expecting anything in return. Martyr kung martyr! YOLO nga sabi ng iba.
So pano nga ba nagka ganto?
we fall in love three times in our lifetime.
1. First love - Immature love yung di lang makapag reply agad, world war 99999 na. Some are lucky enough to be loved by the other party. Pero may iba din na one-sided lang. Pinaka masayang stage ng pag ibig. This normally ends clean. Quits nalang kase pareho pang bata.
At dahil sobrang swerte ko, dun ako sa one sided. Ang masaklap pa, ako yung may gusto.
Rocky
Gwapo, matangkad, matalino, family friend and most of all, HINDI AKO GUSTO.
Crush sya ng bayan that time pero walang tatalo sa babaeng pursigido. Strong to eh. Hahah
Kakalipat lang namin ng bahay at first time akong bigyan ng cellphone (kaway kaway sa mga nagka Nokia 3210) kaya agad agad akong nagpa load ng 30 pesos sa pinakamalapit na tindahan.
"pa load po!" sigaw ko
Then parang nag slo-mo ang mundo pagkakita ko sa kanya. Naka yukong lumabas ng pinto habang pumipindot sa keypad ang isang matangkad at maputing lalake. Naka suot ng manipis na sando at pulang jersey shorts.
Halaa sino sya??
Hanggang ngayon malinaw pa sakin ang itsura nya habang unti unting itinataas ang ulo para tumingin sa bumibili.
"smart po?" he asked flatly.
"opo" nahihiya ko pang sagot
"magkano?" parang tamad na tamad sya at napipilitan lang na mag asikaso sakin.
"30"
"paki lagay nalang yung number" sabay abot nya sakin ng cellphone nyang Nokia din.
Dumampi yung kamay nya sa kamay ko kaya syempre, bumilis agad ang tibok ng batang puso ko.