61

1.7K 94 48
                                    

(Woozi's)

"Soonyoung, binilhan kita ng coffee para naman mainitan yung sikmura mo bago tayo sumakay ng eroplano."

"Salamat hyung."

"Isuot mo na din 'tong sweater mo baka ginawin ka pagsakay natin ng eroplano e."

"Sige hyung."

"Yung neck pillow mo ba nasa bagpack mo na ha?"

"Nandito na hyung."

"Okay ba yung pakiramdam mo ngayon? Wala bang sumasakit sayo sabihin mo na para-"

"Ayos lang ako, hyung! Wag ka nang mag-alala."

Natigilan naman bigla si Jeonghan hyung sa pagiging oa niya nung putulin ni Soonyoung ang sasabihin niya, ngumiti pa siya nung una dahil nakatingin si Soonyoung pero inirapan niya din ako nung hindi na.

Wow tangina ang plastic!

Iirap din sana ako pabalik kaso nagulat na lang ako nung may dalawang braso nang nakayapos sakin kaya yumakap na rin ako pabalik habang inaamoy-amoy ko siya, matagal-tagal ko din kasing di maaamoy yung bango niya e.

Tangina di pa siya nakakaalis namimiss ko na siya!

"Mag-iingat ka dito ha! Kakain ka lagi ng madami tapos chat mo ko pag nakauwi ka na sa bahay, okay?" Sabi niya habang sinisiksik niya pa yung ulo niya sa leeg ko kaya medyo nakiliti tuloy ako.

"Oo na po tay." Sagot ko sakanya habang nagtatawa.

"Anong tay? Daddy!" Bulong niya pagkatapos ay hinalikan niya ng mabilisan yung leeg ko kaya naman pinalo ko ng mahina yung likod niya.

"Gago ka."

Hindi na siya nagsalita pero naramdaman kong mas lalong humigpit yung yakap niya sakin na para bang ayaw na niyang kumawala kaya inabot ko yung kamay niya para hawakan din ito ng mahigpit.

"Jihoon."

"Hm?"

"Anong gusto mong pasalubong?"

"Ikaw lang, umuwi ka lang ng buo ayos na sakin yun."

"Uuwi ako sayo."

"Hihintayin kita."

Hindi na rin kami nagtagal sa ganung posisyon pero mahigpit pa ring magkahawak ang mga kamay namin, pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang tao dito.

Ngayon lang ata sila nakakita ng dalawang gwapong magkaholding hands e. Tsk!

"Hoy Soonyoung! Pakawalan mo na nga si Jihoon baka ma-late pa kayo sa flight niyo e." Sigaw ni Jun habang nagtatawa.

"Teka lang naman! Mamimiss ko 'to e." Sagot naman ni Soonyoung nang nakanguso.

"Lagay mo nalang kaya si Jihoon hyung sa maleta mo para di mo siya mamiss!" Sabat naman ni Seungkwan.

"Tangina kung pwede lang e!" Sagot niya ulit.

"Kami na bahala kay Jihoon hyung! Sige na, pumunta ka na sa Japan." Sigaw din ni Seokmin.

"Yung bilin ko sa inyo ha! Bantayan niyo 'to kundi wala kayong pasalubong lahat sakin." Sagot na naman ni Soonyoung habang dinuduro niya pa isa-isa yung mga kaibigan naman ng pabiro.

Maya-maya pa ay lumapit na yung Dean namin kay Soonyoung habang nakatingin ito sa board kung saan makikita yung oras ng mga flight.

"Halika ka na, Kwon. Paalis na yung eroplano." Sabi ni Dean na tinanguan lang naman ni Soonyoung.

          

Nauna nang maglakad sila Dean kasama yung mga iba pang profs habang hila-hila na nila yung mga maleta nila.

Binitawan na rin ni Soonyoung ng unti-unti ang kamay ko kaya napatingin lang ako dun at di ko na naman maiwasang malungkot at masaktan.

Alam ko namang babalik siya pero ang sakit pa rin talaga.

"Aalis na ako ha? Wag kang mag-alala hindi ko kakalimutang i-videochat ka araw-araw."

"Siguraduhin mo lang dahil kapag di ka tumawag pupuntahan talaga kita sa Japan."

"Oo na boss! Di pa nga tayo ina-under mo na ako hmp."

"E kelan ba kasi magiging tayo?"

Pareho kaming natahimik bigla dahil sa tanong ko, hindi ko nga rin alam kung bat ko nasabi yun e.

Shit! Baka isipin niyang nagmamadali ako tangina.

Napakagat labi na lang ako at yuyuko na sana nang bigla kong maramdaman ang dalawang palad niya sa pisngi ko at hindi ko na rin namalayan magkadikit na naman pala ang mga labi namin.

Isang mabilis na halik lang yon pero nagawa nung palakasin ang tibok ng puso ko ng sobra.

"Jihoon Lee," tawag niya sakin gamit ang mahinang boses pero sapat lang para marinig ko. "May itatanong ako sayo pagdating ko kaya maghanda ka ng isasagot ha."

Napakunot-noo naman ako bigla sa sinabi niya pero ngumiti lang siya kasabay ng isang kindat.

Ano naman kaya yung itatanong niya na kelangan sa pagdating niya pa itanong?

"Soonyoung, halika na! Sumunod na tayo kila Dean." Sabi ni Jeonghan hyung na kanina pa nananahimik habang nakasimangot.

Napabuntong hininga na muna si Soonyoung bago niya tanguan si Jeonghan hyung. Tumingin siya sa mga kaibigan namin habang kumakaway bago siya tumingin ulit sakin at nag-iwan ng isang mabilis na halik sa noo ko.

"Bye."

Hanggang sa tuluyan nang
maglakad palayo sila Soonyoung at Jeonghan hyung, kitang-kita ko pa kung pano pinulupot ni Jeonghan hyung ang kamay niya sa bewang ni Soonyoung.

Tangina.

Nag-aalala tuloy ako sa pwede niyang gawin kay Soonyoung habang nasa Japan sila.

Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin sila Soonyoung ay napagdesisyunan na rin naming umalis sa airport pero ni isa sa amin ay hindi muna umuwi ng Kwon's house.

Si Mingyu at Minghao mag-iikot ikot muna daw sa mall.

Si Seokmin, Seungkwan at Chan kakain pa daw sa isang resto.

Si Hansol may importante daw na pupuntahan.

Si Wonwoo at Jun, didiretso na lang daw ng bookstore.

Samantalang ako, uuwi na lang muna ako sa sarili kong bahay. Ayoko kasing gumala pero ayoko pa din namang umuwi sa bahay ni Soonyoung, namimiss ko lang siya lalo dun e.

At isa pa, ilang buwan na rin kasi akong di nakakabisita dun simula nung tumira ako sa Kwon's house.

Nagtaxi ako papunta sa bahay at ilang minuto lang ay nakarating din na ako dahil di naman siya kalayuan. Pagpasok ko pa lang gate ay bumungad na agad sakin yung kotse ko na matagal ko nang di nagagamit.

Natawa ako bigla nang maalala kong sinabi ko kay Soonyoung noon na pinusta ko sa pinsan ko yung kotse ko kahit hindi naman para siya mismo ang sumundo sakin kaso si Wonwoo ang pumunta e.

room for rent • soonhoon auKde žijí příběhy. Začni objevovat