|EA 2: Magic|

26.7K 609 18
                                    

EA 2: Magic

Hailey's POV

"GUMISING KA DIYAN! ANONG ORAS NA, LINTIK NA BATANG ITO! MAGLUTO KA NA NG AGAHAN! GUTOM NA KAMI NG ANAK KO!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na boses, 'yong masakit sa tenga.

Ang aga-aga, ang hilig mang-bulabog ni Aunty. Baka mamaya maabutan ko na lang 'yan na sobrang high blood, Ay Hala lagot! S'ya ay malalagot. Malagot ang hininga.

Ay bad. Bad Hailey! Sorry po.

Yeah, boses ng stepmother ko. Ang lakas, pwede nang mag-aanounce ng buong lalawigan ng walang gamit na microphone. Minsan nakakarindi na pero wala ka namang magagawa. May mga bagay kasi talagang gan'yan. Hays, just live with it.

"BILISAN MO KUNG 'DI BUBUHUSAN KITA NG MALAMIG NA TUBIG!! "

Ay, sabi ko nga kikilos na. Awit naman ito, grabe ang ikli ng pasensya. Ang sarap sigurong putulin, madali-dali.

"Opo pababa na po!" Sigaw ko, dahil hindi naman ako maririnig n'yan. Bingi 'yang tanda na 'yan.

I went to the bathroom and did my stuffs. Ilang minuto lang ang tinagal bago ako matapos. Nang makaagbihis ay agad ding bumaba at para makapag-luto na ng umagahan.

"BAKIT BA ANG TAGAL MO!!?" galit niyang sigaw. Muntik na akong mapa-mura, mawawala pagiging good girl ko at siguradong isang malutong na sampal ang abot ko.

"Naligo lang po." Saad ko sa mababang tono, grabe naman. Araw-araw akong may interview. Heck, famous na yata ako ng hindi man lang ako aware. Kailangan lahat ng kilos ay may paliwanag.

"SA SUSUNOD WAG KA NG MAGPAPAGISING SA AKIN KUN'DI PARUSA ANG ABOT MO!! KAILANGAN BAGO KAMI GUMUSING HANDA NA ANG LAHAT! NAGKAKAINTINDIHAN!!?" sigaw niya. Naaawa na ako kay Aunty eh, baka mapaos. Pwede naman kasing hindi sumigaw, triggered si ako.

Bakit ba kasi late na naman ako nagising? Nakalimutan ko 'ata mag set ng alarm clock. O baka naman tinopak na naman ang sistema ko at hindi ako nagising. Jeez.

At konti na lang maiisip ko na kung bingi ba ako, wala 'atang oras o panahon na hindi nasigaw ang Aunty ko. It's either bingi ako or bingi s'ya.

"Opo." sabi ko habang nakayuko.

"DAPAT LANG!" Pangangatwiran niya.

And with that pumunta na akong kusina para magluto ng almusal.

Ham, hotdog and bacon. 'yan ang mga pinirito ko at 'saka nagsaing narin ako.

Nilagay ko na sa lamesa yung mga niluto ko and two plates with utensils.

"Handa na po ang pagkain!" at pagkasabi ko no'n dumiretso na ako sa kusina para kumain.

If you are wondering why we don't have maids to do it? Why do I have to eat in the kitchen?

Well, iyon ang gusto nila eh. They want me to suffer or feel alone. They want me to know that we are not family. By blood or not. They treat me like we are not family.

Since that day. The most unforgettable day. That freaking day. That bullshit day. That day that no fucking one wants.

Gusto nilang ako ang gumawa ng lahat. Maghirap. Silbihan sila. Para akong bagong damit dati na nawala lamang ang may ari at bigla na lang naging basahan. Basahan, kasi wala ng halaga. Wala nang kwenta.

I accepted it. At wala naman akong choice.

Wala akong kahit na anong choice kung hindi ang sumunod, para kahit papaano mabawasan ang galit na nararamdaman nila sa akin. Hindi naman kasi lahat ng tao malawak ang pag-iisip. Sabihin man nating ang sobrang bata ko pa at malamang sa malamang ay wala akong magagawa. Pero iba pa rin, madaming iba. Madaming pagkaka-iba.

ENCHANTED ACADEMY: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now