chapter 12 "kilig"

59 1 0
                                    

"kilig"

isinulat ni neil dosh

rica's POV

Magkahalong tuwa at inis ang naramdaman ko habang nagtatrabaho sa shop. natutuwa ako dahil nalaman kong hindi pala girlfriend ni mario si kharollyn. naiinis naman ako dahil laging nakabunto't ang babaitang yun kay mario kapag nandito siya sa shop.

"tayo na". tapik sa aking balikat ni rowena.

"break time na ba?".

"Ay hindi.. matutulog tayo." pang-aasar ni rowena.

"Tara na nga.. pero punta muna tayo sa locker girl, kasi nandun ang pera ko."

"o nga pala no? ako din pala walang pambili.. he he he." sagot ni rowena.

Pagdating namin sa locker ay:

"girl, may sulat na nakasabit sa locker ko." sabi ko kay rowena.

"aba! oo nga ano? kunin mo na dali at basahin mo kong kanino galing."

Kaagad ko ngang binasa ang sulat:

Rica,

   sumulat ako para sabihin sa iyong gusto kitang makilala ng lubusan. kung di mo ikakagalit sana ay lagi kitang ihahatid sa inyo. at yayain sana din kitang kumain sa labas kong okey lang.

                           love,

                          Mario.

"sino ang sumulat sa iyo girl?". usisa ni rowena.

"si-Si, MARIO....... AY!!!!!!". sigaw ko na kinikilig pa.

TALAGA???". ano ang sabi?!."

"ihahatid niya daw akohhhhhh, at kakain sa labas.. ayyyyyyyyyy!!!". muli kong sigaw ng malakas.

"ang sweet."

"ngayon ko lang naramdaman na simula na ang panliligaw ni mario."

"akalain mo nga namang may pakilig factor din pala si mario." sabi ni rowena.

"teka, ano yun girl?".

"saan?".

"ayun oh, T-shirt na nakalagay sa ibabaw ng locker." sagot ko.

Kaagad na kinuha ni rowena at tinanggal ang nakabalot na plastik.

"girl, kakakilig naman.. may nakatatak pa na ilove rica." sagot ni rowena.

kulay pink kasi ang t-shirt at sa harap nun ay nakasulat ang ilove rica.

"sobrang sweet naman ni mario, para akong hihimatayin girl." sagot ko.

"Ay, wag ka hihimatayin dito girl.. ang bigat mo at di kita kakayanin."

"kasi ang sweet ni mario talaga ee, parang di ako makapaniwalang magagawa niya ito". sabi ko.

"di ang gawin mo tanungin mo siya mamaya."

"hindi ko na tatanungin girl, hayaan kong sabihan niya ako kung nagustuhan ko ang bigay niya. at least nalaman ko na sa kanya galing talaga diba?".

"galing mo naman girl naisip mo pa yan!? meron ka palang utak?". sabi ni rowena na muling nang-aasar.

"oo naman may utak naman ako.. kahit may pagka-kenkoy toh no?!! he he he (^_^)".

"tama na nga yan girl labas na tayo ng shop. gutom na ako.."

"Ay, oo nga pala bibili tayo. he he he nalimutan ko na." sagot ko.

"nawala kana sa sarili mo, dahil yan sa sobrang sweet ni mario.. hahaha."

"oo nga.. AYYYYYYYYYYYYYY.." sabi ko na kinikilig pa.

Kaagad na lumabas kami ng shop para makabili ng makakain. habang nakain ay natutulala ako dahil iniisip ko si mario.

(end of chapter 12, watch out for chapter 13 on next update)

(be the first to like this)

(comment, vote, & follow Neil dos)

(i-like nyo na rin po ang fan page ko sa Facebook-->Neil dos nylinoh)

(join na rin kayo sa group namin sa Facebook ang "wattpad lover's")

MY BOYFRIEND'S SECRET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon