Chapter 6

31.6K 621 65
                                    

A/N: Woot! Natapos ko din. Pasensya na kung natagalan, medyo distracted lang kase ko nung mga nakaraang araw, pero hindi na ngayon. Mawawala na yung distraction na yun. Makakapagfocus na ulit ako sa pagsusulat :) Kaya lang hindi na ko masyadong makakapag-online. Pag mag-uupdate na lang ako. Medyo maikli lang tong update na to pero sana magustuhan nyo. Next chapter, POV na ni Dandan ^_^

Nga pala, nakapost sa FB ko yung pinagpipilian kong maging cover photo ng story na to, like nyo lang kung alin don yung gusto nyo, yung may pinakamaraming 'LIKES' yun yung gagawin kong cover photo *_* Salamat po.

Hindi ko na rin po sya na-edit o ni-recheck dahil wala talaga ko sa mood. Kung may mga mali, sabihin nyo na lang sakin para maayos ko. Thanks guys! Labyu!

=======================================================================

JULIE'S POV:

"Boo!" bigla akong napabalikwas nang maramdaman yung labi nya sa mga tenga ko.

Galit na tiningnan ko naman yung tatawa-tawang halimaw sa tabi ko. Hala sige tawa pa! Bwisit na halimaw to, gustung-gusto nya talagang ginagawa sakin to. Ok na sana, ang sweet na nya kagabi eh, kaso bumalik na naman yung pagiging halimaw nya ngayong umaga.

"Ano na naman bang problema mo halimaw?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kasi kita ginigising, kaso tulog mantika ka. Kung alam ko lang na yun lang pala yung makakapagpagising sayo, sana kanina ko pa ginawa"

"Ano bang kailangan mo?!"

"Wow ha, baka nakakalimutan mong assistant lang kita at ako yung amo mo. Siguro naman may karapatan akong gisingin ka dahil kailangan mo kong samahan sa training namin mamaya diba?"

"Pero dapat ginising mo ko ng maayos!"

"Ginigising kita ng maayos kanina pero sinipa mo lang ako!" nakapamewang na sabi ng halimaw.

"Anong oras ba yung training mo?"

"10am"

"Anong oras na ba?"

"9am na at late na late na ko kaya pwede ba, bilisan mong kumilos dyan!"

"Opo senyorita, masusunod po" sarcastic na sabi ko sa kanya.

Inirapan nya lang ako at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Nagmamadali akong kumilos dahil ayokong matarayan na naman ng malditang halimaw. Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko agad na nakikipagtalo ang halimaw sa daddy nya.

"No dad! Ayoko! Hindi ako papayag na dito sya tumira!" narinig kong sabi ng halimaw. Huh? Akala ko ba ok na kaming dalawa? Bakit ayaw na naman nya ko dito?

"Pero anak"

"Ayoko dad! Pag dito nyo sya pinatira, ako yung aalis! At isasama ko si Jules!" Bigla namang nanlaki yung mata ko sa narinig. Anong pinagsasasabi ng halimaw na to? Ayaw nya kong patirahin dito pero isasama nya ko? Ang gulo lang!

"Anak, diba close kayo ng pinsan mo na yon?" Oh I see. Hindi naman pala ako yung tinutukoy nya. Pero bakit pa nya ko isasama sa pag-alis nya? Dahil kailangan nya ng alalay? Psh!

"Noon yon dad."

"Danielle"

"Sorry dad, final na yung decision ko, oras na tumira yung lalaking yon dito, aalis talaga ko." Galit na sabi nito.

Napatingin silang dalawa sa direksyon ko at napansin kong biglang nagbago yung expression ng mukha ng halimaw.

"Ready ka na?" malumanay na tanong nya sakin.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon