MY SUPERSTAR 38

1.3K 54 1
                                    

Araw ng pagdating ng members. Besperas na ng pasko kaya sobrang busy kami sa bahay. Kakadating ko lang galing supermarket para maggrocery. Si Mia at Angel ang naiwan dito sa bahay para maglinis at mag alaga muna kay JD. Nagisip kami kung ano ang ihahanda namin mamayang gabi pero nagsuggest si Angel na Filipino food daw gusto nila kaya yon ang ihahanda namin mamaya.

"Bruh, wala ng nakuhang available na hotel sila Jimin. Fully booked na daw halos lahat ng hotel. Dito na lang sila tumuloy sa bahay. Okay lang ba?" Wala namang problema sa akin kasi inaasahan ko na talaga na wala silang makukuhang hotel kasi biglaan lang naman ang pagpunta nila dito.

"Oo naman. Kaso dalawang room lang ang available bruh. Pero may extra beds naman tayo. Guest room tsaka yong kwarto ni Mia". Inaayos ko ang imamarinate na chicken para sa barbecue mamaya. "Sa condo daw muna si Mia uuwi".

Naligo ako pagkatapos ko ihanda ang mga lulutuin namin mamaya. Pinaliguan ko na rin si JD na hindi na makapaghintay sa pagdating ng daddy niya.

"Mommy, I'm so excited to see daddy". Ngumiti ako sa kanya, kamukhang kamukha niya talaga ang tatay niya. Kinatok kami ni Mia sa pinto para sabihin sa amin na dumating na ang members. Kaya dali-daling lumabas ng kwarto si JD.

"Daddy!" sinalubong niya ng yakap ang daddy niya. Agad naman siyang niyakap ni Jin.

"Can you also give us a hug?" tanong sa kanya ni V. Kaya bumaba siya sa pagkakarga sa kanya ni Jin at isa-isang niyakap ang mga tito niya na kinatuwa naman ng members.

"I'm starving". Reklamo ni Yoongi habang hinihimas ang tiyan niya. Wala pa daw silang kain simula pagalis nila ng Japan. Agad kaming kumilos para makakain sila. Naiwan sila sa living room habang si Angel at Mia naman ang tumulong sa akin sa paghahanda ng mesa.

Sinabayan namin silang kumain ng pananghalian. Napansin ko na halos lahat sila nangangayayat kaya hindi ko maiwasan ang hindi punahin ang pangangatawan nila.

"Are your managers asked you to lose weight? It looks like you lose some weight". Nakakaawa naman sila. Dinideprive nila ang sarili nila sa pagkain.

"Actually..no. We're losing weight because of the tight schedule that we have. Sometimes we only sleep for 2 hours". Sagot ni RM sa tanong ko. I asked them to enjoy the food since it's holiday.

"Noona, we will have our exchange gift later. Can you write our names in a piece of paper and we will pick". Pagkatapos namin kumain at magligpit, nagtipon-tipon kami sa living room para sa bunutan. Ako ang nauna, si V ang nabunot ko. Pano ka ba magreregalo sa isang taong halos kaya na atang bilhin lahat? Ang hirap naman nito.

"Damn! Can I pick another one?" mukhang si Yoongi ang nabunot ni Mia. Kaya nagkatinginan kami ni Angel at halos humagalpak kami ng tawa. Umiling ng sabay-sabay ang members at natawa.

"Fine!" taas kilay na sagot ni Mia. Si Yoongi ang nabunot niya sigurado ako don. Hindi magiging ganon ang reaksyon niya kung ibang members ang nabunot niya.

"How can we buy a gift?" Tanong ni Hobi sa members. Saka lang nagsink in sa members na mahihirapan silang lumabas kasi baka may makakilala sa kanila.

"You can use my car if you want". Nagpasalamat ang members sa akin. Kaso hindi sila magkakasya sa isang sasakyan.

"You can use mine too". Sabi naman ni Angel. Kaya wala na silang magiging problema sa sasakyan. Ang problema na lang nila kung pano sila hindi makikilala.

"How about you guys?" tanong ni RM samin.

"We will use Mia's car. I think we need to go now so that we can go back early. I have a lot of things to do". Kailangan namin magmadali kasi maghahanda pa kami ng lulutuin para sa noche buena mamaya.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon