Twenty-three

66K 1.3K 72
                                    

Feeling ko napabayaan talaga ng tourist guides and faculty iyong mga first year tourism students. Nalulungkot ako dahil nababalita ang university na kinabibilangan ko dahil sa nakakalungkot na trahedya. Let's pray for their souls and their family. Naiyak ako nang malaman ko iyong TOTOONG sinapit ng mga estudyante. :(

---------

Kanina pa pansin ni Erin ang maya't mayang pagtetext ni Vin sa phone nito kaya naman napairap nalang siya sa kawalan.

"Vin! Vaileen's fine. Huwag mo ngang istorbohin iyon at baka hindi nila matapos ang project nila kakaistorbo mo." suway niya rito.


"I'm just making sure that she's in her friends house." seryosong sagot nito sakanya bago itago ang phone sa bulsa.

Napabuntong-hininga nalang si Erin. Napilit niya kasi talaga ito na payagan si Vaileen sa overnight nito kaya lang naaawa siya kay Vaileen dahil bawat minuto ata ay tinetext ito ng kuya nito. Hindi pa nakuntento si Vin dahil palihim nitong nilagyan ng tracker ang phone at kotse ni Vaileen para lang malaman kung talagang sa bahay lang ito ng kaklase maglalagi.

Hindi naman niya masisisi si Vin, nag-aalala lang ito at protective lang talaga. Biruin niyo, maski ang kotse niya ay may tracker. Nag-away pa nga sila ni Vin noong isang taon dahil doon, pero hinayaan nalang rin niya ito. Pabor naman din kasi sakanya. She knows that it's only for her safety. Ayaw kasi ni Vin ang may napapahamak sa mga taong malapit rito. That's how genuine Vin as a person.



"Bahala ka na nga diyan. Huwag mo na ulit itext si Vai! Halika na at kanina pa tayo hinihintay nina Dylan." aya niya na rito.

"Convoy tayo?" tanong sakanya ni Vin nang palabas na sila ng café. Dala niya nga pala kasi ang kotse niya.


"Iiwan ko nalang kotse ko sa condo, para sa'yo na ako sumabay. Tipid pa ako sa gas." nakangiting sabi niya kay Vin.

Binuksan na nito ang pintuan ng sariling kotse at tsaka siya tinignan. "Okay, ingat sa pagda-drive. I'll see you there."

Tumango siya at pumasok narin sa sariling kotse at tsaka nag-drive pauwi sa condo niya.

---

"Ano'ng nakain ni Dylan at nag-aya ata sa bahay nila?" tanong ni Erin kay Vin. Patungo na sila ngayon sa subdivision kung saan ang bahay ng pamilya Ford.

Vin shrugged at her question. "Hindi ko din alam eh. Basta nalang nagtext bigla."


Nabuhay naman ang kyuryosidad niya kaya hindi na siya makapaghintay na makarating sa bahay ng kaibigan. Wala kasing sinabi ang mga ito kung ano'ng meron basta nagtext lang at doon na nga daw sila mag-dinner.

Nang makarating na sila sa tapat ng bahay ng mga Ford, ay nakita niya ang mga nakaparadang mga sasakyan ng iba pa nilang kaibigan. May iba rin siyang napansing mga kotse. Mukhang maraming bisita sila Dylan.

"Hindi naman birthday ni Mitch, 'di ba?" tanong sakanya ni Vin nang makaparada na sila.

Umiling siya rito. "Hindi. Lalo naman ang kambal, kaka-birthday lang ng mga iyon. Si Dylan ba?"

"Hindi rin. Halika na."

Sabay silang pumasok ni Vin sa loob ng bahay ng mga Ford. Naririnig nilan ang mga ingay sa may garden kaya doon na sila dumiretso. Nagulat sila sa dami ng tao na naroon. Akala niya ay silang magbabarkada lang, pero mukhang iyong iba ay mga kasama sa trabaho ni Dylan.


"Ayan na sila!" anunsyo ni Ellaine na una silang nakita.

Sabay-sabay namang napatingin sakanila ang mga tao na nakaupo palibot sa mahabang lamesa.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon