95: The Proposal

445 22 6
                                    

Dahyun's Pov:

"Let's go, Dahyun!" Hila sakin ni Sana papasok sa loob ng kotse niya.

"Wait lang. Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanghaling tapat, natatakot ako sa ikinikilos ni Sana.

"Basta sumama ka na lang."

"Ang weird mo ngayon. Pinagsuot mo pa ko nitong lumang school uniform ko!"

"Ang cute nga eh. Bagay parin sayo 'yang school uniform mo."

"Yung totoo? Pinagtitripan mo ko, Sana?"

"Relax ka lang diyan, Dahyun." Sinimulan niya nang paandarin yung kotse kaya wala na akong nagawa kundi manatili sa kinauupuan ko.

Ang weird ng araw na 'to. Hindi nagrereply sakin sila Chaeyoung. Lalong-lalo na si Nayeon. May mahalaga daw siyang inaasikaso. Kapag sinusubukan kong alamin kung ano 'yun, ayaw naman niyang aminin sakin.

"Tell me, Sana. May napapansin ka bang kakaiba sa kilos ni Nayeon?"

"Huh? Bakit natanong mo?"

"Hindi kasi siya nagrereply sa text ko. Hindi ko rin matawagan sila Mina."

"Baka busy sila."

"Busy? Lahat sila busy?"

"Si--Siguro."

"Eh bakit ikaw? Hindi ka busy?"

"Ako kasi ang in-charge sa pagdadala say---" Natigilan sila.

"Ano? Ikaw ang in-charge saan?"

"In-charge ako sa pagpapahinga ngayon. Ta--Tama. Ganun nga. Basta huwag ka munang magulo diyan. Chill ka muna."

"Tsk. Sige na nga." Napakamot-ulo na lang ako habang pinipilit paring intindihin ang lahat ng nangyayari.

"We're here." Sabi ni Sana sabay hinto sa kotse. Binuksan na niya ang pinto ng kotse para alalayan akong makalabas. Natigilan ako nang malaman kong nandito pala kami sa labas ng dating school namin.

Ang tagal ko na ring hindi nakakabalik dito. Parang nagnumbalik lahat ng ala-alang meron ako sa school na 'to.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Siguro sa kanya mo na lang dapat itanong." Sagot ni Sana sabay turo sa gate ng school. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Hi, Dahyun." Nagulat ako kay Nayeon na nakapwesto sa gate ng school. Anong ginagawa niya dito? Hindi ko napigilang mapangiti nang mapansin ang suot niya. Suot niya rin yung school uniform niya noon.

Buti kasya pa samin. Nakakaloka talaga.

"Sige na. Hinihintay ka na niya kanina pa." Nakangiting sabi ni Sana.

"Ano bang meron?"

"Malalaman mo kapag nilapitan mo na siya."

"Ganun?"

"Sige na. Kailangan ko na ring bumalik sa trabaho."

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon