Chapter 35: His Ally

879 36 8
                                    

"Success!" Puno ng hiyawan ang loob ng classroom namin nang nagbilangan na kami sa perang nalikom namin sa booth. And it was two times sa naging gastos namin! Ganoon ka-effective ang Horror Booth namin. Mahilig kasi sa costume play ang mga naging multo kaya sobrang nakakatakot talaga sila.

Plus the sound effects felt so real daw. Ehem, ako yun, ehem.

"Okay guys! This calls for a celebration!" sigaw ng isa sa bago naming kaklase na si Harry.

Marami kaming bagong kaklase. Ang dami kasing nag-shift ng course ngayon mula Accountancy o 'di kaya'y Customs. This year marami-rami kami ngayon sa block namin. Isa pa, siguro ay kalahati ng mga kaklase ko noong high school ay kaklase ko rin dito sa Business Administration. Marami sa kanila ang mga may family business na hahawakan in the future. Besides, Ledesma is known for their business school graduates. Almost all of their students grew to be successful businessmen.

Marami din namang pumayag sa suggestion ni Harry dahil Friday din naman ngayon. The teachers gave us a positive feedback according na sa mga naririnig nila sa mga estudyante nila at, of course, sa kita namin.

"Psst!"

Nilingon ko ang sumutsot na si Morrison. He tapped the empty seat next to him na parang inaaya niya akong umupo sa tabi niya. So I did. Wala namang magagalit. Wala na si Aki, di tulad ng dati.

"Oh?"

Parang nag-aalinlangan pa siyang magsalita at parang uneasy siya. Hindi siya makatigin sa akin at panay ang likot ng mga mata niya.

"Huy! Spill it out, Morrison!"

Kinamot niya ang ulo niya bago siya lumingon lingon sa mga kaklase kong panay ang plano sa gagawing party mamaya. Pagkatapos nun ay inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"I know this is absurd. Maniwala ka man o sa hindi. Nakakita ako ng multo kanina sa House of Horror natin!"

Napataas ang kilay ko at pigil ang tawa dahil baka mapunta pa sa amin ang atensyon nilang lahat. Kagat kagat ko ang labi ko habang hawak hawak ito para pigilan ang paglabas ng tawa ko.

Napasimangot naman si Morrison sa inasta ko. Siya? Psychic? No freaking way! Matatanggap ko pa sanang naghahallucinate na siya dahil iniwan siya ni Aki pero multo?

"Eh sa totoo nga! Diba nga ako ang pumalit sa iyo kanina nung sinundo ka ni Santi? Pagkaalis nun, nakakita ako ng multo!"

Nanlalaki pa ang mga mata niya at namumutla pa siya habang kinukwento niya kung paano niya naencounter ang multo! Shet! Nakadrugs na ata itong lalaking to!

"M-morrison. Nakadrugs ka ba?! Hahahaha!" Hindi ko na napigilan ang paglabas ng halakhak ko kaya napatingin ang sa akin.

"Ang happy natin Yanna girl ah? Ano pinag-usapan niyo ni Morrison? Share namaaan!" Nanguna si Six sa panunudyo sa aming dalawa. Sasabihin ko na sana ang nakita ni Morrison nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Isang malakas na 'uyyy' ang natanggap namin pero hindi ako nagpatinag at kinagat ko ang kamay ni Morrison kaya napabitaw siya.

"Uy! Kayo ah. Nawala lang sina Ryu at Akira naging malapit na kayo. Ano yan?"

Nanigas naman si Morrison sa kinauupuan niya sa pabirong sabi ni Kaitlyn. Paglingon ko sa kanya, namumutla na naman siya tapos palingon-lingon sa paligid namin. Kaya I grabbed the chance to tell to them ang psychic problem ni Morrison.

"Sabi kasi ni Morrison nakakita daw siya ng multo sa control area kanina!"

Nagsitawanan na din ang mga kaklase namin at binibiro na nila si Morrison na mukhang hindi n nagugustuhan ang pinanggagawa nila.

The Missing GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon