Kabanata 53

8 0 0
                                    

Kabanata 53

Acting

It felt surreal. Hindi ko maalis ang tingin sa aking singsing na suot. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga salitang binitawan namin na parang ikinasal nga talaga kami sa harap ng diyos.

"Ano? Kasal ka?" hindi makapaniwalang reaksiyon ni Lola nang ipakita ko ang nakasuot sa aking daliri.

Nakaawang na rin ang bibig ni Lolo dahil sa gulat.

"Sa marriage booth po sa school," natatawa kong sagot.

"Anong bot-bot?" usisa ni Lolo tsaka lumapit upang tignan ang singsing ko.

"Hindi manlang kami inimbita? Aba'y mga bata kayo!" untag ni Lolo.

"Sa school nga lang po iyon, Lo. Hindi naman totoong pari ang nag-kasal. Ano...parang gawa-gawa lang. Katuwaan lang sa school, ganun."

"Sigurado ka ba? Baka mamaya n'yan ay magtanan na kayo, ano?"

"Ano ba, Edmundo!" saway ni Lola.

"Eh, baka lang naman," depensa naman ng isa.

Napailing nalang ako sa dalawang matanda.

"Patingin nga ng singsing."

Lumapit si Lola sa akin upang usisain ang singsing. Nangungunot na ang noo niya kakatitig doon. Kahit ako rin naman ay hindi maalis ang tingin sa aking daliri.

"Sigurado ka bang katuwaan lang ito sa eskwelahan? Mamahalin ang ganitong klaseng singsing, apo."

Kahit ako ay ganoon din ang tingin sa singsing. Hindi ganoon ang mga singsing na suot ng mga ikinasal sa booth na'yon.

"Kahit naman po gustong-gusto namin ni Dannsen 'to...mas gusto naming gawin ang mga bagay na may basbas ninyo," I said.

Lola's wrinkled face lit up with sympathy.

"Mabuti kung ganoon. Alam ninyo kung ano ang tama sa mali," sabi nito sabay tango.

"Tara na at kumain para maaga tayong makauwi pagkatapos dumalaw sa iyong ama."

Kumain kaming tatlo sa hapag pagkatapos ay nag-ayos na ng mga dadalhin. We bring foods and flowers of course. Dahil hindi nga kami nakabisita noong mismong kaarawan niya ay nagpasya kaming ngayon nalang.

Excited akong ikwento kela Mama at Papa ang mga masasayang nangyari. Alam kong matutuwa sila sa maririnig nila mula sa akin. Siguro ay nagsasaya sila dahil nakikita nilang masaya ang anak nila.

***

Voices hummed around the hallway early this morning. They all seem excited and cheerful to start the day. Two weeks from this day is Senior Ball's day. Iyon ang laman ng mga kwentuhan nila. Kahit na kami lang ang kasali roon ay pinag-uusapan pa rin ng ibang estudyante.

"Sino sa tingin mo ang magiging queen ngayon?"

"Tingin ko si Andrei, sigurado 'yon!"

"Talaga ba? Sino sa tingin mo ang escort niya?"

"May iba pa ba..."

Nilingon ko ang dalawang babaeng nakasalubong. Palayo na sila habang nagku-kwentuhan pa rin. Nangunot ang noo ko. Naalala ko iyong kasama ni Andrei na si Royce sa isang food stall. Hindi ko siya nakausap noon dahil pareho na kaming abala.

Pinagsawalang-bahala ko nalang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa isang bench ay nakita ko si Jace at Dannsen na nag-uusap ng seryoso. Hindi nga nila ako napansin agad nang makalapit ako.

          

"Anong problema?" biglang sulpot ko sa harap nilang dalawa.

"Jesus!" si Jace.

"Ang seryoso niyo masyado, eh," sabi ko sabay upo sa gitna nilang dalawa.

"Anong pinag-uusapan niyo?" mala pusa kong nilingon si Dannsen na malayo ang tingin.

Maliit naman na mata ang dumapo sa akin sabay pisil sa pisngi ko.

"Such things," sagot niya.

"Like?"

"Don't probe, Eleonora."

Sumimangot ako sa kanya. Natawa naman si Jace.

"It must be crazy love..." bulong ni Jace sabay nailing.

Nilingon ko ito at nadatnan na nakahalukipkip habang nakatanaw sa malayo. Hindi ko man alam kung ano ang status nito ngayon, base sa layo ng tingin niya ay tila hindi maganda.

Kahit na wala akong alam ay natanong ko siya, "Kamusta kayo?"

"Your question is painful, Ela," he chuckled.

Nilingon ko si Dannsen upang humingi ng tulong ngunit kibit balikat lang ang ibinigay sa akin.

"'Kami 'never happen."

I frowned. Siguro nga masakit talaga iyong hindi naging kayo ng taong gusto mo. We can be with someone we like; we can talk to them; we can stare; love them, but not all can put label on their relationships. It's unknown, uncertainty.

"Bro! Help!"

Vein suddenly pop up and held Dannsen's wrist. Hinila niya iyon upang mapasunod sa kanya. Kahit na ayaw ng isa ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Hinayaan ko lang din.

Naiwan kaming tahimik ni Jace sa bench. We both stare at something far away from our thoughts. At nang naglaon ay sabay kaming napabuntong hininga.

We both chuckled.

"Ang hirap magmahal 'no?" Jace.

"Sobra."

"How can you do that?"

Nilingon ko siya,"Ang alin?"

"Being that fearless girl...you know what I mean? To stand with him even if you know that it's dying situation for him?" he sighed.

Maingat kong inangat ang mata ko sa kanya. Jace's droppy eyes went on mine as we shared somber through each other's stare.

"It's a dying situation not only for him. He suffered and it reflected two times to me. I feel his pain; I know you do, too."

I can now feel the searing pain in my heart like it has a scar made by unknown dagger.

His melancholic eyes are still on me.

"Nakakatakot na parang gusto kong tumakbo papalayo..."

I frowned when I remember how much I love to escape.

"But he told me so. He told me to be brave for him- for myself. Lahat naman tayo may kinakatakutan, but don't let fear eat you. Kung duwag ka, siguradong talo ka."

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ngayon ni Jace ngunit sana ay may maintindihan niya at marealize niya kung ano man ang kulang na dapat niyang gawin para maging tama ang dapat na nararamdaman niya ngayon.

"If being rejected again is what you fear for, you should now accept defeat, Jace. Tell her how you really feel even if she says no again. If you're really into her, give her assurance."

Parting WaysWhere stories live. Discover now