Trexler's POV
Simula ng magpaalam ako sa kuya ni eli na ligawan at sa magulang niya nabigyan ako ng lakas ng loob, una palang talaga simula ng grade school kami may gusto na ako kay eli kaso natatakot ako nahihiya ako kaya sinusundan ko nalang siya lagi akong inaasar ng mga kaklase ko kaya itinigil ko simula ng umuwi kami ng kapatid ko sa pilipinas nung highschool na ako at sa WHU nako nag aral nakilala ko si carol siya ang naging kasama ko araw-araw sa school kasi transferee lang din ako noon, hindi nag tagal naging kami ni carol, sa WHU ko rin nakilala sila kenneth, bryan at si zion naging mag kakasama kaming apat, nagtagal kami ng two years ni carol, pero simula nung mag paalam siya sakin na aalis siya pupunta siya ng amerika hindi na siya nag pakita muli sakin, pumunta ako sa bahay nila ang sabi ng mga maid nila ay wala na daw talaga siya, nag email ako sakaniya, dahil ilang buwan na rin simula nung umalis siya nireplyan niya ang email ko, ang sabi niya hindi na siya babalik kalimutan ko na siya at ang pinakamasakit na sinabi niya ay hindi niya ako mahal, never niya akong minahal.
Hindi ako pumasok sa school ng tatlong buwan, kumakatok sila mommy at daddy sa kwarto ko pero hindi ko sila pinagbubuksan pati ang pinakamamahal kong kapatid ay umiiyak sa labas ng kwarto ko hinahanap ang kanyang kuya dahil wala siyang kalaro, simula ng araw na iyon ay nagbago na ako, hindi nag bago ang pakikitungo ko sa mga kaibigan ko at pamilya ko nagbago lang ako sa ibang tao, naging bully ako sa school at pati teacher pinapatulan ko, naging babaero ako kahit saang bar pumupunta ako makapagbabae lang kasama ko naman ang mga kaibigan ko kaya okay lang pero simula nung sinabi sakin ni zion na uuwi dito sa pilipinas si eli ang first love ko natauhan ako bigla, alam kong kaibigan niya sina cloe at reign nakikita nila ang ugali ko sa loob ng school kaya baka siguro sinabi na nila ito kay eli bago umalis si eli ng Australia ay pumunta ako don tyinempo kong wala siya don, ang mga magulang niya lang at ang kuya niya, niligawan ko ang magulang niya sinabi ko na't lahat lahat, mababait ako mommy at daddy niya pinayagan naman nila akong manligaw, at ang saya ko ng mga oras na iyon binilinan nila akong sumabay sa flight ni eli, at yun nga nasigawan ako siya sa loob ng eroplano dahil hindi ito magising kaya iyon nagalit siya sakin trinay kong mag explain kaso she cut me off kaya hinayaan ko nalang.
Bago ko makasama at payagan ng magulang ni eli na ligawan siya ay nagbalikan kami ni carol ng mga ilang months din nakipag balikan siya saakin akala ko siya na talaga pero hindi sumagi sa isip ko ang ginawa niya saakin nung nga araw na sinabi niyang hindi niya ako minahal magpakatanga nanaman ako ng ilang buwan nakipag hiwalay ako sakaniya ng matauhan ako at wala na sakin ang pinagsamahan namin Tanggal na sa isipan ko lahat ng iyon.
Simula nung makita ko silang tatlo sa starbucks ay sinandya ko talagang mapuno muna ng mga tao para makaupo kami dun sakanila ang kaso hindi parin kami nag usap si kenneth at yung crush niyang si reign bago pa sila mag kainitan nag salita na ako para matapos na, nung umalis na sila sinundan namin tinitignan ko si eli, tulala siya parang wala sa sarili ang lalim ng iniisip kaya umalis nalang rin kami.
Nung first day or school naman, andun lang ako sa kotse ko hinihintay ko siyang bumaba ng kotse nila at yun nga pinagbuksan siya ni zion kaya ayun, sinandya ko ring mag palate sinabi ko na rin kila kenneth at bryan saka si zion dahil kapag pumasok kami ng maaga tutungo nanaman samin lahat ng estudyante dito sa school, nang makapasok kami minention kaagad yung transferee kaya napatingin ako kaagad sakaniya ng pumunta siya sa harap at nagpakilala ang sabi ko nalang, ito nga ito nga yung eli na nakilala ko hindi ka nagbago eli sabi ko sa isip isip ko nang tinanong siya kung may alam siyang kanta at naging weird naman ang itsura niya ng tinanong niyang kahit ano ba natawa ako ng konte ng umoo naman si miss bigla siyang kumanta ng twingkle twingkle pag katapos niyang kumanta tumawa kaming lahat sakaniya tapos pag upo niya tumingin siya sa kuya nya hindi ko alam kung anong sinabi ni zion kanya pero ansama ng tingin niya tumawa nalang ako.

ESTÁS LEYENDO
LOVING A FIGHTER (On Going)
Novela JuvenilNa try niyo na bang mainlove sa fighter? Anong gagawin niyo if natamaan na talaga kayo sa fighter na yun? Iiwasan mo? Or hahayaan mong mahulog ka sakaniya kasi baka malay mo nafall na rin pala siya sayo read to find out enjoy!