CHAPTER 3

24 0 0
                                    

Chapter  three

Over night:

_______________________

"Uy mamaya na yung sleep over natin kina daisy. Dala niyo na ba mga gamit niyo?" Tann ni Zia.

"Yup" sagot nila lahat. Maliban sakin.

Nakalimutan ko kasing dalhin kanina. Nakahanda nayun sa room ko e. Nakalimutan ko lang talaga.

Btw, nandito kaming magkakaibigan sa canteen. Lunch na kasi ngayon.

Kumain na kami nang kumain. Nagkukwentuhan rin kami.

Minsan nga nag-aasaran pa kami sa mga lalakeng nakatingin samin dito sa canteen. Sinasabi namin na baka isa doon sa mga lalakeng nakatingin samin ngayon ang makakasama namin sa habang buhay. Haha.

Diring- diri nga sila e. Hahah. Kahit ako e. Kadiri nga naman. Akala mo mga manyak e. Lantaran yung tingin nila samin.

Nagkwento rin sila tungkol sa mga childhood life nila. Pero karamihan tungkol kay Daisy. Kahit nga absent siya ngayon e. Napapag-usapan pa rin siya namin. Madali kasi siyang maclose. Mabait kasi siya at jolly. Pero puro si Zia ang nagkukwento ng tungkol kay Daisy. Magkaibigan na pala kasi sila simula kinder garten.

Ito yata ang matatawag na best friend forevere. Hehe. Tagal na rin nilang friends.

Kringgggggg...

Nagring na yung bell. Start na nang afternoon class.

Nagpaalam na kami sa isa't - isa.

"Bye girls" paalam ni Zia.

Nagbesohan na rin kami.

"Bye" paalam ko. Nauna na ko. Kasi naman baka ma-late ako tsaka wala akong kasabay sa kanila. Sila iisa lang dadaanan ako sa kabila.

Si Zia, mag-isa lang sa room niya. Di siya classmate nila missy at suzy. Pero magkatabi lang ang room nila.

At mag-classmate naman sina Missy at Suzy. Noon magkakaklase sila kaya close na talaga sila sa isa't isa. Ako lang ang bago sa squad nila. Ngayon lang sila pinaghiwalay ng section e.

At ngayon, tanging si Daisy lang ang classmate ko sa kanila.

Pumasok na ko sa room.

Waaahh! Sigaw ko sa isip ko ng makatapak ako ng kung ano sa harap ng pinto na naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.

"Hahhahahha! Gandang pa-birthday sakin 'to mga pre!" Sabay apir ng tatlong lalaki sa dulo.

"A-aray, aray" grabe sakit ng pwetan ko.

Tinitigan ko ng masama yung nasa gitna nila. Si jeon, ang mr cold. Tsk!

"Trip niyo talaga ako noh!?" Sigaw ko sa kanila.

"Luh? Anong sinasabi mo diyan, di naman ako ang may gawa niyan sayo" ani niya.

"Hoy mr cold, ikaw lang naman ang nantritrip sa akin ng bongga sa school na ito!" Sigaw ko ulit. Nanggagalaiti na ko sa kanya.

"Hoy hoy, ms sungit. Tanungin mo pa mga tropa ko di ako ang may gawa niyan." Sabi niya.

"Hahahaha" narinig ko yung tawa nung jerk sa gilid niya. Si Leesam.

"Ms Kim, anong problema mo at hindi ka pa umupo sa upuan mo?" Tanong ng teacher namin na hindi makapasok kasi nandito pa rin ako sa pinto.

"Haysst! Argh! Lagot ka talaga sakin Jeon!" Sabi ko at dumiretso na sa upuan ko.

The Three Guys and MeWhere stories live. Discover now