Lumipas ang mga araw at buwan, wala namang nagbago saamin. Sila Richard at Lorainne pa rin, babaero pa din si Sam, going strong sila Thor and MM, si Anthon naman ayun gwapo at gentleman pa din. Malapit na kaming grumaduate ng high school kaya naisip kong baka ito na ang tamang oras na umamin ako kay Richard. Magiiba na kami ng school, sya sa Ateneo ako sa UST so for sure minsanan nalang kami magkikita. Next week na ang graduation namin kaya nagiisip ako kung paano ko iyon masasabi sa kanya. Nandito ako ngayon sa bahay nila Anthon, sya ang kinukulit ko kasi wala lang.
"Athon ano sa tinggin mo ang dapat kong gawin pag aamin na ako sa kanya?" Tanong ko habang kumakain ng cake na binake ng mommy nya.
"Just be honest, tell him everything as in lahat para clean slate kayo after" sagot naman niya sabay inom ng juice.
"Ihhh nahihiya ako" biglang tugon ko naman. Eh nakakahiya naman kasi talagang umamin, shy type pa naman ako.
"Ikaw mahiyain? The great Georgina Antoinette Mendoza mahiyain? Please bawal sinungaling dito" sagot nya na naman.
"Ehhh kasi diba bff kami tapos bigla bigla akong aamin na mahal ko sya, ayoko lang na after nun magiging awkward kami, na magbabago yung pakikitungo namin sa isa't-isa"
"Alam mo pag umamin ka may magbabago talaga, normal yun. Pero at least wala ka nang tinatago diba? Mas maluwag yun sa part mo. At baka sakaling iyon na yung pagkakataon mong magmove forward kasi wala ka nang what ifs"
Nakatitig lang ako sa kanya. Tama naman sya, hindi ako makakmove on kung alam kong may mga bagay akong dapat sabihin at gawin pero hindi ko pa nasasabi at nagagawa. Tanggap ko naman na na hindi ako ang taong mahal eh. Kaya sige aamin na ako bahala na si deadpool sakin.
After 2 months...
"Sa wakas graduate na tayo ng high school!!!" Sigaw ni sam habang nakaakbay sakin at kay thor.
"Ayy ang ingay, kailangan nakatapat sa tenga ko yung bibig?" Puna ko naman kasi takte mabibingi ako sa ginawa nya.
"Sorry naman baby girl, excited lang. teka picture muna tayong lahat. Saan ba si Richard?" Tanong naman ni Sam.
"Malamang nasa gf nyang mahadera" sagot ko sabay irap.
"Ohh chill ka lang george, init agad ng ulo. Graduation natin ito kaya dapat happy happy lang" sabi ni Thor habang nakatingin sakin.
"Sus happy happy lang pero sad sad ka talaga dyan kasi wala dito loveydoves mo"
Di na nakaattend si MM ng graduation namin dahil kailangan na nyang lumipad papuntang America dahil doon na sya magaaral ng college. Nagmigrate na kasi ang pamilya nya, di ko alam kung LDR ang dalawa dahil hindi pa nagoopen up si Thor saamin. Siguro mamaya magsasabi na yan.
"Pinaalala mo pa talaga sakin ha!" Sagot naman ni Thor.
"Sorry sorry sige hindi na, oh anthon tawagin mo na nga si chard para makapagpicture na tayo"
"Yaan na baby ko mo papalapit na kasama gf nya" sabi naman ni Anthon.
And true to this words papalamiy na nga si Richard, ang gwapo talaga sya. At kasama nga nya ang gf nya. Bakit ba kasama yan? Wala ba yang friends? Diba dapat yun yung kasama nya. Pero sa totoo lang banas lang talaga ako sa kanya.
"Hii guys sorry late, nakipagkwentuhan pa kasi kami ni Lorraine sa mga kaibigan nya. Oh tara picture" paliwanag naman ni Richard.
"Lorainne pwede bang picture mo kaming magbabarkada?" Tanong ni Sam
"Why me? Bakit hindi yang si georgina?" Masungit naman na sagot ni Lorainne.
"Eh kasi kasama sya sa BARKADA" sagot naman ni Sam na halatang nagtitimpi ng inis.
"Tsss fine akin na camera"
Nagpicture-an lang kami, nagpapicture din sila Richard habang pasan pasan nya si Lorainne. Umiwas nalang ako ng tingin at baka mabadtrip lang ako.
"Bes picture tayong dalawa" pagyaya sakin ni Richard kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Ahhh sige sige" napatingin ako kay Lorainne at halatang inis sya pero wala syang magawa kasi hello best friend ako
Natapos ang picture taking namin at ngayon nasa resort kami nila Sam para magcelebrate.
"Hi guys may i have your attention please, i just wanna congratulate us kasi nakagraduate na tayo and i know once nagstart na ang pusukan hindi na tayo madalas makakapagkita since busy busy na but i know we will still be the same. Cheers and congrats again!" Mahabang sabi ni Sam.
Tama sya after this magkakahiwalay na kami or should i say na ako lang? Sam and Anthon will go to DLSU while Thor and Richard ay sa Ateneo at ako lang ang nagUST. Yes magkikita pa din naman kami pero iba pa din pag high school na literal na everyday kaming magkakasama. Kaya pinili ko ding umamin sa nararamdaman ko today dahil alam kong hindi na kami madalas magkikita ni Richard, iwas awkwardness. Hayyss di ko alam kung paano ko sisimulang sabihin. Sana magawa ko.
BINABASA MO ANG
I Wish He's Mine
Teen FictionAng kaibigan ang kasama mo sa hirap at ginhawa. Yung laging nandyan para suportahan ka sa kung anong bagay ang gusto mong makuha. Laging nakikinig sa mga hinaing mo sa buhay kahit mukhang paulit ulit nalang. pero sa paglipas ng panahon unti unti ka...