==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
PROLOGUE
Sumalakay ang mga lalaking naka-tuxedo sa magkakaibang direksyon. Sinalubong naman lahat ito ni London at na-counter attack naman niya lahat iyon. Tumakbo naman ako patungo sa isang mesa. Nagtago ako sa ilalim noon. Naguguluhan pa rin ako kung ano na ang mga nangyayari.
Gusto ko sana isipin ang nasira naming engagement party ni London ngunit least of our concerns na iyon ngayon. Ang dpaat naming problemahin ay ang aming buhay at kaligtasan.
Somehow ay gumaan naman ang pakiramdam ko ng makita kong walang guest ang natira sa bulwagan. I hope everyone is out of our mansion. I hope everyone is unscathed and unharmed.
Patuloy pa ring umiilag si London sa mga umaatake sa kaniya...Ni hindi ko nga alam na may kakayahan itong umilag-ilag sa atake...Ang alam ko lang ay banker itong si London at kasalukuyang nag-aaral ng law. Who would know na parang may alam pala ito sa martial arts?
5 years na kaming magkasintahan...at may hindi pa pala ako alam na aspect ni London.
Puro pag-ilag lang ang ginagawa nito...Hindi ito umaatake pabalik...Feeling ko kaya naman niya.
Minsang nagtama ang mga mata namin ni London. Sinenyas nito na manatili lang ako sa ilalim ng mesa.
Patuloy ang pagliyab ng mga kurtina sa paligid. Unti-unting bumagsak ang iba nito sa sahig at sa ibang mesa. Lumiyab na rin ang mga mantel ng ibang mesa.
Parang sandaling na-out of focus si London sa pag-ilag sa mga kalaban ng may isang kurtina na nagliliyab na bumagsak malapit sa aking pwesto...nang dahil duon ay bigla siyang nahuli ng isa sa mga lalakeng naka-tuxedo. Ipinin down siya nito sa sahig at sinakal.
“LONDON!!” Hiyaw ko.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi makialam sa mga nangyayari. Lumabas ako mula sa pinagtataguan kong mesa at pinuntahan ang pwesto ni London. Biglang may humarang sa akin na isa sa mga lalakeng naka-tuxedo at naglabas ito ng apoy sa mga kamay. Dahil na rin siguro sa adrenaline rush ay ni hindi ako nakaramdam ng takot towards dito. Sumugod ito sa akin.
Nakakita ako ng isa sa mga upuan kanina. Hinila ko iyon at buong lakas na hinampas sa kaniya. Nagulat din ako na may natatago pala akong kakaibang lakas. Hindi ko alam na kaya kong buhatin ang ganuon kabigat na upuan and much less eh ihampas ito sa isang indibidwal.
Nawasak ang upuan at lumipad ang mga piraso nuon. Mukha namang hindi nasaktan ang lalakeng naka-tuxedo ngunit natumba pa rin iyon dahil sa lakas ng impact.
Agad kong tinake advantage ang pagkakataon na iyon at tumakbo muli sa kinaroroonan ni London. Mabigat ang aking gown kaya naman hinatak ko ito at pinunit para naman mas makagalaw ako ng mas mabilis at listo.
Pagkarating ko sa kinaroroonan ni London ay agad kong sinuntok ang lalakeng sumasakal sa kaniya sa ulo. I gave my best shot for that punch.
Pansamantalang na-distract ang lalakeng sumasakal kay London and I took my chance to kick him in the face. I’m wearing pointy stiletto shoes and I hope that I managed to put a hole on his face!
Nagdiwang naman ang aking kalooban when I heard the man in tuxedo howled in pain. He let go of London and London quickly scrambled from the floor to sit up and grasp for his breath.
“London!” I hugged him. God, I don’t wanna lose this man.
Nang biglang tumigil ang lahat. Ang oras, ang panahon.
Bigla akong naging numb.
Nakita ko ang pagka-shock sa mga mata ni London.
Kitang-kita ko ang pagtilamsik ng dugo ko sa mukha nito at damit.
Napaiktad naman ako sa lakas ng impact ng pag-atake na ginawa.
Rinig ko ang pagsigaw ni London ng aking pangalan. Kitang-kita ko ang pagpalit ng ekspresyon ng mukha nito, from shocked to murderous angry.
Ang tangi ko na lamang naaalala before ako nawalan ng ulirat ay ang fact na nabutas ang aking dibdib. Sunog ang mga edges ng butas. Nakita ko ang isang kamay na may ini-emit na apoy sa gitna ng butas ng aking dibdib.
==========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
==========================================================
BINABASA MO ANG
Soul Search II
Teen FictionContinuation ng storya ko kung saan may kaklase pala akong half-demon noong 2nd year-1st sem, nagka-amnesia ang crush ko at 'di na niya maalala yung holding hands namin at nakagat ako ng vampire kase ang daldal ko. Basahin ang Soul Search 1 para mak...