CHAPTER 24

2.5K 45 0
                                    

TROY’S POV

 

            Pag-alis ni QC, biglang nagmadali yung mga waitress na kumuha ng order namin kanina. Grabe, pag si Chas talaga ang nag-taray, lahat yata tatakbo. Hahaha, kaya mahal na mahal ko yun eh.

Pero nakakaasar talaga kanina. May nalalaman pa siyang pa-smile smile sa lalaking mukhang palaka na lumapit sakanya eh mas gwapo pa ako dun. Partida, wala pa akong abs. Kasi naman, kung maglalagay pa ako ng abs, baka gapangin na ako ni QC. Hahahaha!

Nasa poolside kami ngayon nina Seb at Kevin. As usual, binabantayan ko si Chas ngayon dahil ang daming mata na nakatutok sakanya. Pinipigilan ko din pala si Kevin dahil manununtok na yata, may kausap kasi si Reina na lalaki ngayon. Hindi naman sila kaya wala pa siyang karapatan na bawalan si Reina kaya pinipigilan ko talaga. Pero pag kay Chas, may lumapit, ibang usapan na yun.

Si Seb naman, nagchi-chick hunting na naman. Bilib din ako sa Basti na ‘to eh, kahit nakaupo lang ang layo ng nararating ng mga mata basta chicks. Kaya pag siya talaga nahulog kay Lourds, tatawanan ko siya. Pero baka lalong sumakit ulo namin pag naging sila. Pagsamahin ba naman ang baliw at abno, diba?

“Uy, sino yung lumalapit kay Chas na yun? Kilala mo?” Tanong ni Kevin. Hinanap ko bigla sa mata ko si Chas at nakita ko siya na lumalangoy at malayo na siya kina Reina. Nakita ko yung lalaki na sinasabi ni Kevin at naasar ako. Only me can go near my queen corn!

Agad akong tumayo at naghubad ng robe. Narinig kong tumili yung mga nasa kabilang lounging chairs na mga babae pero wala akong pakelam. Agad akong nag-dive at lumangoy palapit kay Chas.

Habang lumalangoy, inangat ko ang ulo ko para makita ko kung nasaan na yung lalaki. The f*ck! Malapit na siya kaya naman may binilisan ko pa. Buti nalang swimmer ako nung high school kaya naunahan ko siya. Tinignan ko siya at mukhang hindi naman siya aware na magkakilala kami ni Chas. *Idiot loser.*

I hugged Chas from behind at nagulat naman siya. Kiniss ko siya sa gilid ng noo. “I missed you BABE!” Nilakasan ko talaga yung babe at tinignan yung lalaki ng nakakaloko as if saying “you going somewhere?” Hahahaha! Epic ng mukha ng gago. Lakas kasi ng loob lumapit eh.

Humarap sakin si Chas ng nakasimangot. Napano na naman siya? “I’m cold. Di ako makaahon.”

 

Natawa naman ako sa sinabi niya. Akala ko naman napano na ang queen corn ko.

“Bakit kasi nag-two piece ka? Diba wala naman akong binili sayong ganyan?” Oo, napansin ko ang old rose niya na two piece bikini. Hindi ko nalang siya binawalan dahil alam kong aawayin lang niya ako. Kaya nga nagmukha lang naman akong body guard niya na nagbabantay sakanya.

“Duh?” Inikutan niya ako ng mata. Ang hot niya talaga pag ginagawa niya yun. “Tirik na tirik kasi ang araw tonight para mag-wet suit ako, diba?” Sarcastic na sagot niya sakin. Tumawa lang ako hinilamos ang kamay ko sa mukha niyang nakasimagot.

“Oo na. Babantayan nalang kita.” Sabi ko.

“What?! Boyfriend kita, hindi bodyguard.” Sabi naman niya.

“Sana kasi hindi ka nag-two piece.” Binuksan niya yung bibig niya at inaabangan ko na yung sasabihin niya pero sinara niya ulit. HAH! Natameme na naman siya. Hahahahaha!

“Hari at reyna ng kacornihan, tara na! Bar tayo.” Narinig kong aya samin ni Lourds.

“Sasama pa ba tayo queen corn?” Malambing na tanong ko kay Chas. I gave her my meaningful look. Tinapik niya ng mahina ang left cheek ko.

Bitch For A PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon