MIB - 9
*Abby*
Nakatingin lang ako kay Luke na nakangiti habang hawak ang box na gawa sa papel. Doon ko nilagay ang mga words na bubunotin nila.
"Sino ang gustong mauna?" tanong niya.
"Ako!"
"Teka ako muna!"
"I'll go first!"
"Kanina pa ako dito kaya ako muna!"
"Ako ang pinakaunang nakarating dito kaya ako muna!"
BWAHAHAHA!
Imagine, 100+ na students, yung 20 ay tahimik lang, tapos yung 30 is mga boys at yung the rest ay mga babaeng nagsisigawan na sila ang mauuna. Pfft laughtrip!
"Quit guys!" natatawang sabi ni Luke. Natahimik naman sila. Sus! isang salita lang ni Luke natatameme sila.
"Ako nalang ang pipili kung sino ang mauuna, okay lang ba?"
Sabay sabay naman silang nagsabi ng, "Okaaayyyy."
Maya maya pa ay inilibot ni Luke ang mata niya na tila may hinahanap.
"Step forward, Allison Hernandez."
Napatingin kaming lahat kay Ally, nakabusangot ang mukha at pasimpleng umirap kay Luke bago tumayo at naglakad papalapit saamin.
"Bakit ako?" nakasimangot na tanong niya kay Luke. "Kanina pa kita nakikitang hikab ng hikab eh." sagot ni Luke.
"Bumunot ka na." sabi ni Luke sabay turo sa hawak kong box.
"Goodluck pfft." bulong ko sakanya. Nagmake face lang siya saakin.
"Kaibigan." basa ni Ally sa papel na nabunot niya.
Kita kong napatingin saakin si Ally bago humarap sa mga audience (students).
"I don't know what should I say,"
Nakatingin lang kami kay Ally. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Para kasi siyang nahihiya na naiinis.
"So, ang nabunot ko is Kaibigan. Luke said na kailangan ko daw itong ipaliwanag," huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I only have one bestfriend. Alam kong alam niyo na kung sino. Si Abby," lumingon siya saakin.
"I'm not a friendly person. Para saakin kasi ay walang totoong kaibigan sa panahon ngayon but I was wrong. Nakilala ko si Abby. Siya lang ang taong nakatagal sa ugali ko. Kahit masungit ako, lagi niya pa rin akong iniitindi. Para ko na rin siyang kapatid."
"Marami ang nagsasabi na swerte daw si Abby dahil naging kaibigan niya ako, pero hindi nila alam na akong ang swerte dahil naging kaibigan ko siya."
Tahimik lang ang lahat habang nagsasalita si Ally. Marami ang nakatingin saakin pero nakatuon lang ang atensyon ko kay Ally.
"Nang maging bestfriend ko siya, nagbago ako mula sa pagiging spoiled brat. Tinuro niya saakin kung paano makuntento. Siya ang naging kapatid ko, naging sandalan ko at napagsasabihan ko ng problema. Kaya sobrang thankful ako na nakilala ko si Abby."
Napangiti ako.
Ganun din ako Ally.
"I know nagbago ang buhay niya simula nang maging kaibigan niya ako. Marami na ngayon ang nambubully sakanya, sinasabihan siya ng masasama at pinaparinigan ng kung ano ano. Pero alam niyo kung ano ang nakakamangha? -- hindi niya ako iniwan. Tinitiis niya lahat ng masasakit na naririnig niya at nanatili pa rin siyang kaibigan ko. Kaya sobrang swerte ko na naging kaibigan ko si Abby. Si Abby na maraming may ayaw, pero once na maging kaibigan mo, masasabi mo nalang sa sarili mong 'Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko siya'."
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.