Chapter 24

245 17 5
                                    

Chapter 24

Avin ~

Mabilis kaming napalayo ni Riley ng muling maglabas ng mga lasers ang halimaw na kalaban namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis kaming napalayo ni Riley ng muling maglabas ng mga lasers ang halimaw na kalaban namin. Kung titingnan, ordinaryong bata lamang ang anyo ng batang nasa harapan namin. Ngunit sa loob nito ay isa itong Cyclops. Ang nakakapagtaka lang ay naglalabas ito ng mga lasers sa kanyang mga mata, kakaiba rin ang tattoo na nasa kanyang braso. Alam ko naman na ipinadala sya ng Dark Queen upang pigilan kami, ngunit nakakagulat lang na kaya nitong sabayan ang kapangyarihan naming dalawa ni Riley.

Napalayo rin sa amin si Black dahil sa lakas at bilis ng kalaban nya. Hindi naman kami makalapit upang tulungan sya dahil na rin sa kalaban na aming kinakaharap ngayon.

" Avin! "

Napatingin ako sa direksyon ni Riley ng tawagin nito ang pangalan ko. Huli na ng mapagtanto kong binabalaan ako nito sa paparating na pag – atake ng kalaban.

Boogsh ~

Fuck.

Kung susumahin, kaya naman namin syang talunin ni Riley. Ang ipinag – aalala lang naman namin ay baka may makapansin sa amin na mga normal na tao. Hindi na kami sakop ng kapangyarihan ng paaralan kung kaya't kailangan naming mag – ingat ng husto.

Mabilis na gumaling ang butas sa aking tagiliran at hinigop lamang ang mga lasers na galing sa pesteng batang nakangisi sa amin ngayon. Makangisi pa kaya ang isang ito pag ginamit namin ni Riley ang buo naming lakas? Tsk.

" Tapusin na natin sya Avin, masama ang kutob ko kay Black! Hindi ko na masyadong maramdaman ang espiritwal na lakas nya! "

Napatango na lang ako sa sinabi ni Riley. Totoo ang sinabi nya, kahit ako ay hindi ko na masyadong maramdaman ang buhay ni Black.

" Ano, tutunganga na lang ba kayo dyan? Ni, hindi ko pa nga nakikita ang kaya nyong dalawa tapos susuko na kayo? Hindi man lang ako – "

Hindi na namin sya pinatapos ni Riley at binaon sa katawan nito ang pareho naming espada.

" Blessed by the Heaven and God – return to where you belong! "

" Cursed by Hell and Satan – return to where you belong! "

Nanlaki ang mga mata nito ng bigla na lang bumukas ang lupa pati na ang kalangitan. Minsan na lang namin gamitin ni Riley ang pareho naming mga sandata, dahil delikado ito at naglalabas ng pambihirang lakas na kahit kami mismo na gumagamit nito ay hindi ito makontrol. Mula sa langit, lumabas ang isang nagliliwanag na ibon at pumasok sa nakabukas na mata ng bata sanhi upang lumabas ang totoo nyang anyo. Mula sa lupa naman lumabas ang mga bantay ng impyerno at dahan – dahan syang hinatak pabalik sa ilalim ng lupa. Ni hindi nya na maigalaw ang kanyang buong katawan upang lumaban pa dahil sa liwanag ng mga pangyayari na nakikita nya noong nabubuhay pa sya. Alam kong isa ito sa pinakamasakit na uri ng parusa para sa isang tulad nya, ngunit wala kaming magagawa kung hindi ang gawin ito upang tanggapin sya sa ibaba at hindi matulad sa mga espiritung pagala – gala sa mundo at hinihintay na matapos ang kanilang parusa.

Special Section (B2): Finding the Five Sacred Keys and the Fortification StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon