33

3.2K 83 3
                                    

Show how.

"I love you so much."

Napangiti ako noong ilang ulit niya iyong banggitin sa akin habang nakahiga na kami sa malaking kama. Inayos niya ang kumot dahil naramdaman niyang nilalamig na ako. Medyo bumangon pa siya upang kunin ang remote ng aircon upang hinaan iyon. Muli niya akong niyakap ng mahigpit at binulungan muli. I stirred a bit and rested my head more on his chest.

"Don't tell me, you're sleeping on me tonight?"

Malambing niyang tanong sa akin. Nag angat ako ng tingin at sinilip naman niya ako.

"Nakita mo ako nang sundan kita noong nag walked out ka sa sayaw natin?"

Pag iiba ko sa usapan. Sumimangot siya sabay halik sa noo ko.

"Yes. I was trying to act coldly kahit na halos malusaw na ako sa titig mo."

Nangamatis ang mukha niya sa naging pahayag niya. Humalakhak ako kaya napasimangot siya.

"So you're planning to ask for marriage by then, but how sure you were, I'll accept it? Lalo pa at di naman maganda ang paghihiwalay natin noon."

Hamon kong tanong sa kanya. Tinitigan niya akong mabuti bago nagsalita.

"Because of the way you looked at me that time. You stared at me with so many mix emotions it made me just proposed to you again. Your eyes told me how sorry you were, that you want me back. It reflected in my eyes how broken you were. I felt your silent cries."

Wala sa sarili niyang sagot. He rested his lips on my head making it looked like he's kissing it.

"Paano mo nagagawang mahalin pa ako pagkatapos ng sakit na iniwan ko sa iyo?"

Naiiyak kong tanong sa kanya.


"Kagaya lang iyan ng kung paano mo nagagawang patawarin ako ngayon pagkatapos ng kagaguhan ko sa iyo noon. Mahal kita. Mahal mo ako, tingin ko sapat na iyon para kalimutan natin ang nangyari noon. We deserve to be happy after all. I've never love any woman after you. I tried to but I just could not do it. Pakiramdam ko kasi kapag ginalaw ko sila, parang pinatunayan ko na din iyong bintang mo sa akin."



Napangiti ako at bumangon para lang mahiga sa kanyang dibdib. Ipinatong ko ang mga kamay sa kanyang dibdib at pinakatitigan siya. Halos maduling siya katitingin sa akin ng malapitan. I chuckled, he smiled as he stared at me lovingly.

"But you actually kissed different women according to Axia."

Pang aasar ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"I did not!"

He hissed exaggerately. Pinantaasan ko siya ng tingin.



"Really? Then why do you look so defensive?"


Kunwari ay seryoso kong tanong. Bigla siyang bumangon kasama ako. He locked my thighs. Ngayon ay nakaupo na ako paharap sa kanya. I felt his crotch when he pulled me closer. Nakasuot naman kami ng mga damit namin pero iyong kanya ay ramdam ko na talaga kahit pa nakapantalon pa siya. Hinihimas niya ang legs ko! Manyak to!



"Believe me, if I say I didn't. Tawagan natin si Axia?"

Malambing niyang tanong habang hinahalikan na ako sa leeg.



"Sige. Tawagan mo."

Natigil siya sa paghalik at nakasimangot na tumingin sa akin. Ang kamay ay nasa hita ko pa din. Napairap ako sa kawalan. Napabuntunghininga siya at inabot ang cellphone sa side table. Nakakunot noo niyang tinipa iyon at pagkatapos ng ilang segundo ay nasa kabilang linya na si Axia.


The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon