Introduction

306 5 2
  • Dedicated kay yijgo
                                    

<<Lily>>

Lily Estrella. 17 years old. Currently studying at Monde Caiford Academy. Hinahangaan sya ng mga studyante dito. Ba’t naman hindi? Sobrang ganda, mayaman, matalino, talentado, mabait at humble ang babaeng ito. Marami syang manliligaw, pero dahil nga overprotective ang parents nya and that she’s waiting for the right guy to come, she gently rejects those who court her. Syempre, di rin maiiwasan na may mainggit sa kanya. Eh kung crush mo ba, nagkagusto sa kanya, di ka kaya mainggit? Gusto naman nilang guluhin ang buhay nito kaya to the rescue naman ang mga besties nito na sina Sandra at Kate. Totally protective ang dalawang ito. Ni lamok di pinalalapit kay Lily, lalake at mga inggitera pa kaya? Lahat din ata ng mga lalake sa school nila ay may gusto sa kanya; napapalingon sila pag andyan sya. Lahat ng mga lalake, maliban kay Raziel.

<< Raziel>>

Raziel Kennedy. 17 years old. Currently attending at Monde Caiford Academy. Laking Amerika pero pinadala ng mga magulang sa Pinas dahil matigas ang ulo nito. Nakadalawang taon na sya dito sa Pilipinas. Kinatatakutan siya ng marami. Gwapo sya and such pero kung titigan ka ba naman ng masama and he’ll send out some sort of dark aura pag lumapit ka sa kanya, eh di ka ba matatakot? Siya lang ata ang tanging lalake sa school na walang interes kay Lily. Eh sa wala naman talaga syang interes sa kahit na sino, maliban na lang dun sa mga weirdong kaibigan nya na sina Chris, Mikhail, at Angelo. Mahilig ata to sa mga weirdo eh. Sinusungitan na nga nya sa simula ang tatlo, pero lumalapit pa rin ang mga ito sa kanya. He’s the leader of the gang “Dark Empire” and is also nicknamed as ‘The Black Emperor’.

Two people with opposite personalities; how in the world would their paths intersect?

—O—O—O—O—O—O—O—O—O—O—O—O—O—O—O—O—

CrossroadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon