Mia's POV
Kanina ko pa napapansin. Panay ata ang tingin ng ibang studyante saken. Mula ata sa may campus gate, hanggang andito na ako sa classroom, panay ang sulyap ng mga tao saken. This doens't happen before. Kahit na achiever ako, people will just shrug their shoulders off na parang wala silang narinig. Lahat ng mga kaklase ko, walang paki alam sa mga awards2x at mataas na grade na yan sa school. Pero sorry na nalang sila kasi saken, buhay ko yun.
I hate it when people stare at me. Nakakaasiwa kasi sa pakiramdam. Pero hinayaan ko na lang sila, binuksan ko na lang ang libro ko at nag aral, para mawala na lang ang inis ko.
Tuluyan na din naagaw ng binabasa ko sa libro ang atensyon ko, kaya di ko namalayan na may umupo sa katabi kong silya.
"So, nerdy ka na din pala Mia. "
Wait. Why does it sound familiar?
Ayoko nga sanang pansinin ang taong yun, nilingon ko lang sya saglit. Pero nang marealize ko kung sino ang katabi ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Anong ginagawa nya dito?!
"A-Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong sabi.
"Ano pa, eh di aattend ng klase. This chair is inviting kaya dito ako pumwesto. Okey lang naman di ba?"
Imbes na patulan ko pa ang kapricho nya, inayos ko na lang ang pagkakaupo ko, at itinuon ulit ang mata ko sa libro. I just nod, and continue reading.
Pero ewan ko ba, kahit pilitin kong wag syang pansinin, na isiping wala sya sa tabi ko, his presence alone is disturbing me! At ako naman itong apektado, halos pinipigil ang paghinga!
Nang iangat ko ulit ang ulo ko, agad na nagsalubong ang mga titig namen. Gosh, eto na naman ang malakas na pagtambol ng puso ko. Kahit anong presko ng lalaki, nakikita ko parin ang magandang katangian nito. At yun ang mga mata nitong grabe makatingin. Nakakatunaw, nakakakaba.
"You know what, di ka parin nagbabago. Sweet and innocent ka parin. Di ako magtataka kung bakit virgin ka parin. "
What the effin hell?!
Sinabi nya talaga yun sa mukha ko?! Ang kapal ng mukha nya! Pakialam nya naman sa virginity ko?! Oo tama sya, pero dapat ba talagang bastusin nya ako?!
Napatayo ako sa sobrang galit. Di ko matanto kung ano ang nananaig saken. Yung inis or yung pamumula ng muka ko. Kung nakakasunog lang ang pagtingin, malutong na siguro ang mokong na to!!
"Wow, grabe ka parin pala mamula. konting inis lang sayo, para kanang mansanas sa pagkapula. " sabay tawa.
Nararamdaman ko nang nauubos na ang natitirang pasyensya ko. Anong karapatan ng lalaking to na ikompara ako sa mansanas?! FYI!! hate na hate ko ang APPLES!! I gritted my teeth, to stop the awful words that i'm about to utter. Baka pagsisihan ko lang pag minura ko ang gagong to sa harap ng mga kaklase ko. Baka ano pa ang masabi nila saken.
No, i have to compose myself. Kailangan kong pigilan ang galit at inis na nasa dibdib ko. I know he's just kidding around with me, at kahit sobrang affected ako sa mga jokes na yun, i will keep my mouth shut, and pretend he's a bad air, na galing sa pwet!!
Mia, huminahon ka. Wag kang magpaapekto. It's just a silly joke.
NAK nang teteng, ansakit na joke yun!
Umupo na lang ako ulit, at nagbasa ng libro ko. Mas mahalaga pa saken ang pag aaral kaysa sa loko lokong katabi ko. Kahit inis na inis na inis na ako! Paiiralin ko na lang ang pagiging disiplinado ko.
"Wow, you really know how to endure, Mia. Pero. . Hanggang saan kaya yang pagpapasyensya mo?"
And then, my book found its way out side the window.
What the f*ck?!
Napatunganga ako sa ginawa nya. Di ko alam ang ire react ko sa sobrang gulat. A moment ago, I am peacefully reading my book, at bigla2x ay hinagis na lang putragis na lalaking to ang libro ko sa labas ng bintana?!
Honestly, hindi ko alam ang gagawin sa oras na to. Kung uunahin ko bang kunin yung hinagis nyang libro, o patayin na lang sya ng tuluyan. Parang gusto kong umiyak. Ano?! Ano ang nagawa ko at binubully ako ng transfer student na to?! Bakit ako?! Bakit?!
Tumakbo ako palabas, dala2x ang mga gamit ko, at pinuntahan kung saan lumanding ang libro ko. Nahabag ako nang makita ko na yun. Ang dumi2x na nito. Ang mahal2x ng librong to para sa subject nameng College Geometry, at halos mabaliw ako sa kakahanap ng pambili nito, tapos itatapon lang ng walang kwentang stranger nayun?!
Nakakainis na talaga! Di ko na napigilan na umiyak. Pagalit na pinahid ko ang luha ko, at tumakbo kung saan. Ayoko na munang pumasok sa klase, lalo na at andun pa ang walanghiyang yun dun. Alam ko naman na sa pagbalik ko, di na ako makakafocus sa ituturo ng prof dahil sa nangyari. Baka makapatay na talaga ako. Ng tao.
-
Sorry ulit sa grammar. Cp lang gamit ko at pantxt na style ang nakasanayan ko. I wrote this to satisfy my desire to write something about love. So i apologize in advance kung mejo di nyo maintindihan. Feel free to read my story, i would really apreciate it. Thanks.
:miakochan29onlyhara
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...