June. Nabalitaan kong may iba ng gusto si Fruke. Ang laki ng gulat ko ng sabihin niyang si Cathy 'yon short for Cat. Pero di na bago sakin 'yon. Nakita ko nga dati si Fruke na may kasamang babae kulot ang buhok at patong maglakad, naglalakad sila. Girlfriend ba niya ito? Nasa likod lang kami ni Kangkang, tumatawa at ginagaya si pato. Di ko alam pangalan kaya pato. Balik sa kwento. Dami na nagbago. At kasalukuyang may syota si Rye (ako). Si Mark Tarsiela. Natawa ako, kami na naman! Inalok niya ako ng hindi masasabing relasyon pero sige na nga nobya niya ako. Isang buwan na kami at ilang araw na niyang pinapasakit ang ulo ko. Hindi nag-te-text ang anak ng tokwang Mark na 'yon. Nag-te-text lang pag may kailangan.
Umaga na naman. Ulan. Ang lungkot. Anong oras na? Nakakatamad bumangon. Patak lang ng ulan ang naririnig ko. Ang tahimik, parang libo-libong anghel ang nagdaraanan sa diwa ko. Bigla akong nagulat ng mag-ring ang cellphone ko. Tumunog ang message tone niyang "Super Bass", umindak ako ng nakahiga. Exercise ba? Naalala niya kung sino ang nag-text. Si Mark, ang syota kong di nag-te-text. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Kung alam lang ng hinayupak na 'to kung gano niya ito ka-miss. Ngumiti ako abot tainga.
"Birthday ni Fruke," sabi ni Mark.
"Ano gagawin natin?" sabi ng bida.
"Sagot daw niya mamaya," sabi pa.
"Alas-dose ha?" sabi ko. Ako pa talaga nag-set ng date. Goodluck.
"Sige, sasabihin ko na din kay Cat", sabi niya.
Nag-iisip ako. Ang alam ko ay may boyfriend si Cat. Dickies ang ngalan nito. Dickies Boardwalk. Six months na sila kung tama ako. At malamang bestfriend niya si Cat kaya alam na nito lahat ng pinagdaanan at di pa napapagdaanan ng bestfriend niyang pusa. Sagad sa core ng earth ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Ako pa takbuhan ng dalawang taong 'yan pag may labuan sila. Tipo na ako ang "Mekaniko" sa kanilang dalawa. Kung tutuusin saulado niya na ang utak ng dalawang ito. Ngumiti ako.
Mahal na mahal ko si Mark. 'Yon ang pumasok sa walang laman niyang utak. Mark.. Naalala tuloy niya nung first year sila ni Mark. First love niya si Mark. Tumunog ang alarm tone niya. "Will you Wait for Me" ni Kabana ang kanta. Sinabayan ko ito. Balik tayo sa kwento. "yon nga, gutom na ako este first love niya si Mark. Lagi niya ito katabi sa klase noon. Natural na kaming sweet sa isa't-isa. Tuwing uwian ay taga-bitbit ko ng filecase si Mark. Holding lands lang ang kaya niyang ibigay dahil muwang pa lamang siya. Ang alam ko pa noon ay pag hahalikan daw ng lalaki ang babae ay mabubuntis ang babae. 'Yon ang tumatak sa isip niya. Walang tatlong buwan ay nagbreak sila ni Mark. Ang naalala ko lang na dahilan ay dahil may ibang babae si Mark. Selos ako. Ang muwang ko pa nga talaga para sa mga ganong bagay. Pagkatapos ng nangyari, naging mag-kaibigan kami. Dating turingan, minsan nag-kaka-tampuhan pero mahal ko siya. Hanggang ngayon..
Patay. Alas-dos na, at di ko maalalang may mga text na siya kanina pa. Kanina pa pala siya ginugulo ni Neki Minoj. Wagas pala talaga ako mag-imagine. Ngayon ko lang na-realize. Nag-text ako kay Gerome at sinabing maliligo na ako. Tumawa ako ng malakas. Wala lang. Treinta minutos na paglalakad sa hi-way at sampung minutong paghihintay ng masasakyan. Patay talaga ako. Filipino time. Mag-a-alas tres na. Nakita ko si Cat, Mark, at Fruke. May naramdaman ako. Ewan.
"Alas dose ha?", nainiip na sabi ni Fruke sakin.
Humingi ako ng pasensya sabay ngiti. Nakaramdam ako ng something. Di 'yon multo. Di naman malamig eh. May something. Kausap ko si Cat, tahimik sina Mark at Fruke. Patawa, di mapag-desisyunan kung saan sila pupunta. At hayun, napadpad sila sa Loyta. Lugar na tahimik pero madaming nangyayari. Takot ka 'no? Sagot ni Fruke ngayong hapon. Panay ang joke ng magaling niyang syota na si Mark. Nag-aayos naman si Cat, gumagawa siya ng sardinas este century tuna na may flakes. Kakainin niya iyon este nila. Nag-umpisang umikot ang mga bote at baso. Masarap ang ginawang pagkain ni Cat. May talent pala sa ganito si Cat. Halatado ang expert. Alam ang kinakapa. Tumawa ako. Nilait kasi ni Fruke ang ginawa ni Cat.
BINABASA MO ANG
Naramdaman mo na 'to. (on-going)
Teen FictionIstorya ng hindi maintindihang kagustuhan sa isang tao. Eto ung tipo ng kwento na naramdaman mo na pero di mo alam na 'yon pala 'yon. Di ka tanga. Minsan di ka rin manhid. Unpredictable lang talaga lahat ng bagay sa mundo. Mararamdaman mo lahat. Hap...