Chapter 1

18 4 0
                                    


Unknown

Nagsimulang manuot sa aking ilong ang nagbabanguhang bulaklak at ang malamig na simoy ng hangin dito sa bayan ng Feliz.

Linggo ng umaga kaya't wala pang pasok. Nang bigla kong naisipan na maglakad lakad sa 'di kalayuan sa aming bahay.

"Magandang umaga Brina!" masayang bati ni Rico sa akin kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Magandang umaga din Rico!" bati ko pabalik.

Napansin kong medyo namula siya at sabay iwas ng tingin sa akin.

Napapaisip ako tuwing may nakakasalamuha akong kaibigang lalaki ay bahagya silang namumula. Pero bakit naman, nahihiya kaya sila?

"Rico, bakit ka namumula?" tanong ko sa kaniya na mas lalong nagpapula sa kaniya.

Biglang nagtawanan ang kaniyang mga kaibigan.

"Ah, hindi ano... ahm... wala to. U-una na k-kami." nahihiyang saad ni Rico.

"Paalam Brina!" Ani Jerico, isa sa kaibigan ni Rico.

"Ah, sige kita na lang tayo pagpasok bukas" ani ko.

Hindi ko napansin na may nakatingin pala sa amin habang nag-uusap kami nila Rico at ng kaniyang mga kaibigan.

"Hay nako, sabi ko naman sa inyo na malandi talaga yang babaeng yan" ani Sonya.

"Kating-kati sa atensyon ng mga lalaki" sabad naman ni Erah. Sabay tango ng kanilang dalawa pang kasama.

Umalis na lang ako doon, dahil kung hindi ay baka gawin na naman nila yung pagtapon ng ihi ng kabayo sa akin habang nasa loob ng banyo.

At unti unti ng nawala ang kanilang boses na ibig sabihin ay nakalayo na ako sa gulong hatid nila.

Tumingala ako dahil nararamdaman ko na na umiinit na ang sikat ni haring araw kaya't walang ano ano'y umuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay ay saktong inihahanda na ng aming bunso na si Jhanella ang aming pagkain.

"Ma, nandito na po ako" ani ko habang tinutulungan na si Jhanella sa paghahanda ng makakain na kami.

"Mabuti naman anak. Tawagin mo na si Jake at ang Papa mo at nang makakain na tayo ng sabay sabay.

"Sige po" walang ano ano'y pumasok na ako sa loob at tinawag si Jake at Papa ng makakain na kami.

Nagising ako ng alas 4 ng hapon dahil nakasanayan na naming magsimba tuwing araw ng Linggo para magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya.

Pagkatapos ng misa umuwi na kami saktong alas 6 ng gabi.

Kumain na din kami pagsapit ng hapunan. At natulog na din ako dahil maaga pa ang aking pasok kinabukasan.

Nagising ako sa dahil sa pag alarm ng aking cellphone.

Naligo at nagbihis ng uniporme na paldang hanggang itaas ng tuhod at long sleeve saka isang flat shoes. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng almusal.

Habang bumababa ay naaamoy ko na ang mabangong adobo ni mama.

"Anak, bilisan mo at baka malate ka pa" saad ni mama.

"Opo" ani ko naman at nagsimula nang kumain ng masarap na almusal.

"Ma, aalis na po ako, pasabi na lang po kila Jhanella, Jake at Papa na nauna na ko" sabay halik sa pisnge ni mama.

"O sige, mag-ingat ka ha".

Tumango ako bilang sang-ayon sa kanya at nagsimula ng maglakad patungo sa paaralan. Hindi naman kami mayaman kaya't iniipon ko na lang ang baon na ibinibigay nila mama kung sakaling hindi nila ako mabigyan ng baon.

Feliz (Series 1)Where stories live. Discover now