FATE VI

327 27 0
                                    

"Tignan mo ang paligid mo, Ada. Wala ng oras kailangan mong mamili."

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang dating mapayapang siyudad, ngayon ay nababalot na ng kaguluhan. Ang lupa ay naging kulay pula na dahil sa dugong dumadaloy. Mga apoy na halos lumamon na sa mga kabahayan at kagubatan.

"Siya o ang kaligtasan ng lahat?"

Napatingin ako kay Keiron. Hindi ko mapigilan ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata.

"Hindi ko kaya, Keiron. Nakita mo naman di ba? Siya ay nakalaan para sa akin. Kaya hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin."

--

"Masyadong malalim ang iniisip mo. Ano bang gumugulo sayo, Ada?"

Sabi ng reyna habang papalapit sa kinaroroonan ko. Nasa harap ako ng itim na lawa at pinagmamasdan ito.

"Umiiyak ka."

Sambit ng reyna ng makalapit sa akin. Pinahid nito ang luhang hindi ko napansin na kumawala sa aking mga mata. 

"May isang malungkot na alaala ang nagbalik sa akin."

Natahimik kaming dalawa ng Reyna. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Nakatuon ang aking tingin sa lawang nasa harapan ko. Isang regalo at sumpa ang lawang ito sa akin.

"Alam mong hindi ka pwedeng makalapit sa lawa pero lagi ka pa din nandito."

Malakas ang ihip ng hangin pero ang lawa ay nanatiling payapa. Hindi man lang naapektuhan sa hangin. 

"Palagi pa rin akong tinatawag ng lawang ito. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit at baka sakaling may maibigay siyang payo sa akin."

Sabay tingin sa rebulto ni Abba na nakaharap sa amin. Pero alam ko ang mga matang ito ay sa akin lang nakatuon. Natawa ang reyna sa naging sagot ko. Maya-maya pa ay biglang dumating si Keiron. Hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko na ang sasabihin niya.

"Wala na kay Charis ang Aion."

Napapikit ako. Hindi ko  maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Charis. Ako ang nagbigay sa kanya ng orasan na iyon para pangalagaan.

Ang Aion na tinutukoy namin ay isang makapangyarihang orasan. Kung sino man ang hahawak nito ay magkakaroon ng kakayahan kontrolin ang oras. Hindi na ako magtataka kung bakit iyon ay kinuha ni Eris kay Charis. 

"Ada, pakiusap wag mong sisihin ang sarili mo. Ginusto ni Charis na pangalagaan ang orasan at hindi naman natin inaasahan na aabot sa ganito ang kasamaan ni Eris na kahit ang sarili niyang kapatid ay kaya niyang patayin, para lang sa masama niyang plano."

Nararamdaman ko ang lungkot at galit na pumasok sa aking katawan kasabay nun ay ang paglakas ng ihip ng hangin at pag-alon ng malakas ng lawa.

Pero naramdaman ko siya. Naramdaman ko ang presensiya niya at sa isang iglap ay nawala ang lungkot at galit na nararamdaman ko.

"Theo.."

Mabilis ko siyang nilingon at kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa aming tatlo.

"Pasensya na, mahal na Reyna. Pero may isang babae po ang  nais kayong makita."

Napalitan ng inis ang nararamdaman ko. Tumingin ako sa reyna na walang kabuhay-buhay.

"Ah nakalimutan kong sabihin sayo na babalik siya."

Halata ang pagtataka sa mukha  ng reyna. Nagpatuloy naman si Theo sa pagsasalita.

"Si Princessa Penelope."

Huminga ako ng malalim. Madadagdagan na naman ang sakit ng ulo ko. 

"Hindi dapat natin siya pinaghihintay. Salubungin na natin ang mahal na Prinsesa."

Walang kabuhay-buhay kong sinabi sa kanila at naunang umalis para puntahan ang alibughang prinsesa. At sa isang iglap lang ay nandoon na kami sa higanteng gate kung saan ito naghihintay. 

Hindi ako lumapit sa kinaroroonan ng babae. Nanatili naman si Keiron sa akin tabi habang pinagmamasdan ang pagkikita ng mag-ina.

"Sa tagal ng panahon na lumipas, bakit ngayon siya bumalik?"

Tanong ni Keiron. Hindi ako kumibo kahit alam ko ang kasagutan sa katanungan niyang iyon. Natuon ang tingin ko kay Theo, nakatingin ito kay Penelope. Nag-tama ang tingin nilang dalawa at naramdaman  ko ang kirot sa dibdib ko. 

Saglit akong nawalan ng hininga. Napansin iyon ni Keiron at sa isang iglap lang ay nasa Bacchus na kaming dalawa.

Napaluhod ako sa sakit na nararamdaman ko. Matagal nang panahon ng huli kong maramdaman ko ang ganitong sakit.

"Ada, wag mong sabihin na--"

Napahiyaw ako sa sakit. Parang sasabog ako anumang oras mula ngayon. Nararamdaman kong nag-iiba na ang kulay ng mga mata ko. Tumingin ako kay Keiron at bahagyang tumango. Saglit siyang nawala at maya-maya pa'y muling lumitaw pero sa pagkakataong ito ay may dala-dala siyang napakaliit na sisidlan.

Inalalayan niya ang ulo ko at saka inilapit sa aking mga labi ang sisidlan. Isang patak ng likidong laman at sa isang iglap lang ay nawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Nagsisimula na si Eris. Pinapakielaman niya ang hindi dapat."

Galit na sambit ni Keiron. Tumayo ako sa lumapit sa batis at doon tinignan ko ang aking repleksyon. 

"Huwag kang mag-alala, Ada. Wala pa din nagbabago sa iyo. Isang patak ng tubig mula sa lawa ay walang pang epekto sa iyo."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Bumalik na tayo doon."

Pagbalik namin doon ay lahat ng mga mata ay nasa amin, nasa akin. Dahil alam kong may nagbago sa akin sa paningin ng iba.

"Ada.."

Lumapit sa akin ang mahal na reyna. Kahit hindi niya sabihin alam ko na ang kanyang nais. 

"Sa oras na magkaroon ng problema, papatayin ko siya, Reyna Odessa."

Pagkasabi ko nun, ay nagbukas ang pananggala ng kaharian. Nakapasok na si Penelope sa Moirae. Niyakap ito ng reyna.

Hindi na ako nagtagal at umalis nang muli. Hindi ko kayang panuorin ang ganun tagpo, ang pagkikita ng magulang at anak.

Nakita ko na lang ang sarili kong nasa harap muli ng lawa.

"Siya o ang kaligtasan ng lahat?"

Nakasalalay na naman ba ang lahat sa magiging desisyon ko?










FateWhere stories live. Discover now