Ika Dalawampu't isang Kabanata

39 1 0
                                    

Uno's POV

May mga iilang sinabi lang si sir sa'min about sa gift namin. Pinaalalahanan niya kami na laging tatandaang may mga masamang mangyayari kung hindi namin si-seryosohin ang paggamit ng gift na 'to. Tama nga siya, may nangyari na ngang hindi maganda at alam kong hindi 'yun sinasadya ni Nathan.

Kaya't nang payagan na kaming umalis ni sir ay agad kong hinanap si Nathan. Una kong pinuntahan ang kwarto niya sa dorm. Pero wala siya dun. Tiningnan ko rin sa comlab, wala. Halos suyudin ko na ang buong campus. Pero hindi ko pa rin siya nakikita. Asan kaya siya?

Huli kong pinuntahan ang library ng SCP. Pag pasok ko agad kong ginala ang mga mata ko para i-check kung nandito ba si Nathan. Ayun! Nandito nga siya.

"Nathan!" halatang nagulat siya sa pag tawag ko dahil bahagyang kumislot ang katawan niya. Naka subsub ang mukha niya sa mga hita niya, nakasalampak lang siya sa sahig.

Nilapitan ko siya't tinapik ang balikat niya. "Nathan."

Inangat niya ang ulo niya para tumingin sa'kin. Nakita kong umiiyak siya. "Uno, hindi ko sinasadya." Dun ko lang nakumpirma na siya ang dahilan ng pag kawala ni Nicko.

"Alam ko naman 'yun, Nathan."

"Pe-pero, wala na si Nicko."

"Hindi pa huli ang lahat, Nathan. Kaya mo pang maibalik si Nicko."

"Huli na, Uno! Hindi ko kayang ibalik si Nicko." Mas lalong lumakas ang pag-iyak at pag hikbi niya. Halatang masyado siyang nahihirapan sa pusisyon niya. Maski ako, nalulungkot at nahihirapan din ako para sa kaibigan ko.

"Wala talaga akong kwenta."

"Hindi mo pa nga sinusubukan, eh."

Saglit na natahimik si Nathan. Malamang naisip niya rin na tama nga ako, hindi pa naman niya sinusubukang pabalikin si Nicko. Wala pa siyang ginagawa. Masyado pang maaga para sumuko.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng library, Naka rinig ako ng mga yabag papalapit sa'min.

"Nathan!." Narinig kong may tumawag sa pangalan ni Nathan. Si Febbie.

"Puntahan natin 'yung CR kung sa'n nawala si Nicko."

Nagtaka ako dahil sa narinig ko. "Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"May kumakalat na kwento na may naririnig silang kakaibang ingay sa luob ng CR ng SCP."

"Ano namang kinalaman dun ng nangyari kay Nicko?"

"Basta bilisan niyo na!"

Hindi na ako nakapag salita pa dahil hinila na niya kaming dalawa ni Nathan. Lumabas kami ng library at nag madali papuntang CR. Wala nang ibang studyante maliban saming mga SCP students na dito nag dodorm sa school. Napaka tahimik ng paligid. Pa'no kung multo pala 'yung naririnig nila sa CR? Hindi ko yata kakayanin.

Naalala ko tuloy ang mga kwento na sa may lumang building daw ay may naririnig sa hagdan na umaakyat. Nako, nakakatakot!

Pag karating namin sa CR ay tumayo kami sa may tapat ng salamin paharap sa mga naka hilerang cubicle.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ko. Siguro naman hindi lang kami hihilahin ni Febbie dito dahil trip niya lang mag ghost hunting diba?

"Naka-usap ko si sir kanina. Nasabi niya sa'kin na posible daw na hindi nawala si Nicko."

"Ano?" gulat naming sabi ni Nathan.

"Pa'nong hindi nawala? Eh, wala nga siya dito." pag papaliwanag ni Nathan. Tama siya, kung hindi nawala si Nicko, eh nasa'n siya?

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon