Chapter 2
Trish POV
"I'm homeeeeeeeeee!" halos magiba na ang pagkalaki-laki naming bahay dahil sa lakas ng sigaw ko.
Nakita kong humahagibis ng takbo si Mommy na may dalang sandok at naka apron pa habang ang mga maids namin na may kanya-kanya ding dala. Halatang nagluluto sila ng sumigaw ako. Napangiti ako ng makita ko ang itsura nila.
" 'nak, kung makasigaw naman parang wala ng bukas." sabi nito habang tinatanggal ang suot na apron. "Kumusta ang bonding nyo nina Chil at Ireen?" dugtong ni mommy na ngayon ay natanggal na ang suot na apron.
"Ah.. eh.. kasi.." pautal-utal kong saad. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay mommy ang mga ginawa ko kanina. "Chil can't come as well as Ireen, dumating daw kasi si Tita Gen from Canada." pahayag ko sa aking mommy na tumatango-tango lang. Mukha namang nakuntento na sa sinabi ko.
"Sige, magpalit kana sa itaas at ipahahanda 'ko na ang hapunan natin."
Wuuu. Parteh Parteh. XD Yes! Buti nalang di na nagtanong si mommy kung anong ginawa ko ngayong araw kundi.. nevermind. Makapagpalit na nga.
Other's POV
"Finally, nakauwi na rin ako sa condo ko. Haaaaaaay." Pumunta akong ref at kumuha ng tubig.
"Bwisit talaga 'yong babaeng yun. Matapos kong bilhan ng damit, tatapakan lang ang paa ko. Buti nalang at may mga tumulong sa'kin kundi nagmukha akong ewan dun. Tss. Napakaingay pa. Hindi nauubusan ng isasagot." tuluyan ko ng ininom ang tubig na hawak ko.
Humanda ka talagang babae ka 'pag nakita ulit kita..
Pumasok na 'ko ng banyo at naligo..
Paglabas ko. Umupo muna ako sa kama at hinilot ang paa ko na tinapakan nong babae kanina. Hindi na naman sya masyadong masakit. Hindi katulad kanina. Akala ko mababawasan na ang daliri ng paa ko. Habang nagmumuni-muni ako biglang tumunog ang cellphone ko.
May one message. Napangiti ako ng mabasa ko ang mensahe.
Trish POV
Maaga akong nagising dahil papasok pa 'kong opisina. Naligo na 'ko at nag-ayos ng sarili bago bumaba.
"Good morning people!" bati ko sa kanila. Humalik ako sa pisngi ni Daddy na nagbabasa pa ng dyaryo at nagkakape. Pati kay mommy na nakangiti ng makita ako.
" 'nak, halika. Kumain ka na para sabay na tayong pumunta ng ARIA." wika ni mommy.
Yaps. ARIA ang pangalan ng Company na pinapatakbo ni mommy at ni Tita Flora. Umupo ako sa tabi ni Daddy. Nang tumingin si daddy ay nginitian ko sya ng pagkalaki-laki. Gumanti rin ito ng ngiti sa'kin.