Jenny POV
Simula ng umuwi kami ng maynila ay naiwan na si ate carmela sa bahay nila lola,nakakapag taka dahil ayaw na niyang umalis doon.Kasama ko ngayon ang anak ko na si Carmen na sinunod ko sa pangalan ni ate carmela dahil siya ang tumulong saakin maka pag tapos ng pag aaral.
Napapangiti nalang ako ng maalala ang mga memories namin noong kami ay bata pa,nag aasaran,takbuhan,reslinghan at iba pa.Nakakalungkot dahil ngayon di na namin iyon magagawa pa dahil matanda na kami.
"Ma ayoko pang umuwi"pag mamaktok ni carmen,aba 19y/o palang siya puro sakit na sa ulo ang binibigay sa akin."Dito lang ako"dagdag pa niya at tumunga pa ng alak.
"Ano bang nangyayari sa iyo at nag iinom ka?"nag aalala kong tanong,kay babaeng tao baka mamaya malasing sya tapos ma rape naku po.
"nag hiwalay na kami ni josh,ano masaya na kayo diba ayaw nyo sa kanya?ayan break na kami!"galit na galit na sabi ni carmen,napaatras nalang ako dahil alam kong magalit ang anak ko.
Masama bang isipin ko ang kapalaran niya kapag nag ka tuluyan sila ni josh,isa lang namang babaero ang naging boyfriend ng anak ko at eto ako ngayon,ako pa ang mali.
"Hindi naman sa ganun anak,inaalala ko lang ang kapakanan mo"maiiyak ko ng sabi,siguro eto na yung karma ko dahil sa mga nagawa kong pag suway sa mga gusto niya.
"kapakanan ko,o kapakanan mo?anonh akala mo diko narinig na gusto moko ipakasal sa anak ng kaibigan mo,hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bobo para sundin ka"galit at nag lilisik na mata ni carmen.
Hindi ko alam pero sa pag kakataon na iyon ay nasampal ko sya,umiiyak na siya ngayon at di na maawat ang pag patak ng kanyang luha.
"Shit!"galit na sabi nito at dali daling lumabas ng bar,naiwan akong tulala dito at umiiyak.Ano bang nagawa ko maayos naman ang pag papalaki ko sa kanya ah bat siya ng kakaganyan.
Susundan ko sana siya ng naramdam kong may humawak sa aking braso,gulat ako ng makilala siya pero napanatag din ang aking loob.
"Hayaan mo muna siya mag isip isip"sabi ni ate carmela,hindi ko alam pero sa mga oras na iyon na payakap nalang ako sa kanya
BINABASA MO ANG
I Love You Since 1892(ang magandang wakas)
Historical FictionItutuloy ko lang po ang magandang ILYS1892 ni binibining mia dahil di talaga ako maka get over kay Juanito haha