Kabanata 33

902 19 0
                                    

Luigi's POV

"Sir nakita ko po si Ms. Amber kanina kasama po anak niyo, sabi niya nagpaalam daw siya sainyo na ipapasyal niya si Luean." Biglang nahimatay si Jean pagkasabi ng isa sa mga staff kung nasaan ang anak ko ngayon. Agad ko naman siya sinalo at pinahiga ko muna sa couch dito sa may opisina ni Dad.

Kilala ko si Amber hinding-hindi yun magpapatalo kaya hindi na ako magtataka pa na gagawa siya ng masamang balak. Ang tanging nasa isip ko ngayon kailangan kong tawagan si Amber at pakiusapan siya na ibalik na sa akin ang anak ko.

Si Dad naman nag-report na sa police at si Ms. Aquino at Liam hinihintay na magising si Jean. Lumabas muna ako para tawagan si Amber. Nakailang dial ako hanggang sa sumagot na siya.

"Amber?! Saan mo dinala ang anak ko?" bulyaw ko sakanya at napahalakhak siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko kung bakit ko siya naging girlfriend dati, isa siyang demonyo!

[Babe, chill ka lang! Hahahaha! Sige ganito, hindi ko sasaktan ang anak mo in fact papalayain ko pa siya at gusto mo isasauli ko pa kay Jean mismo pero sa isang kondisyon.]

"Ano?! Anong kondisyon?" tanong ko sakanya.

[Puntahan mo kami dito sa Pulo. Ngayon na at kapag hindi ka pumunta, bye bye Baby Luean.]

"Sh*t! Huwag mong sasaktan ang anak ko! Sige pupunta ako." nasa kabilang isla na tinatawag na Pulo dinala ni Amber ang anak ko. Ngayon ibabalita ko muna sakanila ang about dito.

Pagkapasok ko sa opisina ni Dad ay nakita kong gising na si Jean at napalingon agad sila sa akin. Lumapit agad sa akin si Jean.

"Luigi ano daw? Alam mo na ba kung nasaan ang anak natin?" tanong ni Jean sa akin. Tumango ako.

"Dinala ni Amber si Luean sa Pulo." nagulat sila sa sinabi ko. Napahagulgol na din si Jean sa nalaman niya.

"Ngayon gusto niya pumunta ako doon at sasamahan ko siya kapalit ng pagbalik sa atin ni Luean." narinig kong kausap na ni Dad ang mga pulis.

"Luigi sasama ako." sabi ni Jean sabay palis sa mga luha niya.

"Pero masyadong delikado. Jean, huwag ka ng sumama."

"Luigi kailangan kong sumama! Kailangan kong iligtas ang anak ko. Please Luigi." pumayag na ako sa gusto ni Jean. Sisiguraduhin ko na lang na hindi siya masasaktan.

Ngayon andito na kami sa speed boat at papunta na kami sa Pulo. Samantalang si Liam at si Dad ay pumunta na sa police station para malaman kung ano na ang ginagawang aksyon nila para mabawi ang anak ko at sabi nila susunod na daw sila kasama ang mga pulis.

Ngayon kami lang ni Jean ang nasa speed boat, ako ang nagpapatakbo nito at napansin kong tahimik si Jean.

"Jean huwag kang mag-alala, babawiin ko ang anak natin kay Amber. Susundin ko din ang gusto niya na magsama kaming dalawa, salamat sa pagpapatawad sa akin. Gustuhin ko man na mabuo ang pamilya natin pero mukhang imposible. Pero sana huwag kang magalit sa akin kasi gagawin ko ito para sa anak natin, buhay niya ang nakasalalay dito at yun lang ang tanging paraan para mailigtas siya." niyakap ako bigla ni Jean. Alam ko masakit para sa aming dalawa ang nangyayari ngayon. Hindi ko man ito ginusto pero alam ko sa sarili ko na ako ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan na ito. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala na akong ginawang tama, palagi ko na lang sinasaktan ang damdamin ng babaeng mahal ko.

Ilang oras lang, nakarating na kami dito sa Pulo at nakita ko kaagad ang mga lalaki na armado. Nakita ko din ang isang ware house kung saan madami ding armado ang nakabantay doon. Naglakad na kami patungo dun sa abandonadong ware house at nakahawak sa braso ko si Jean na halatang natatakot. Kahit ako natatakot din sa kung ano man ang mangyayari dahil sa isang maling kilos lang namin ay pwede kaming patayin ng mga armadong tauhan ni Amber.

Binuksan ng dalawang armadong lalaki ang pintuan at nakita namin si Amber na kinakausap si Luean na nakatali ang mga kamay ngayon habang umiiyak.

"Luean!" tawag ni Jean at napalingon si Luean kasabay ng pagkuha ng atensyon ni Amber sa pagdating namin. Napatayo siya at napangisi sa amin.

"Akala ko ikaw lang ang pupunta pero dinala mo pala yang malandi na babae na yan!" bulyaw ni Amber.

"Amber bakit mo ba ito ginagawa?!" humalakhak siya bigla.

"Bakit? Kasi alam mo bang mas una ako sa babae na yan na mahalin ka? Hindi mo yun nakikita kasi hindi mo ako pinapansin. Tapos nung nakuha na kita, sobrang saya ko kasi sa wakas nagtagumpay na ako pero dahil sa babae na yan, nawala ka na naman sa akin. Kaya gantihan lang ito!" hindi ko akalain na aabot ang lahat sa ganito. Pati anak ko nadamay.

"Sige sasama ako sa'yo pero pakawalan mo muna ang anak ko." bigla siyang ngumiti. Nababaliw na talaga siya. Gaya ng pakiusap ko, inalis nga niya ang pagkakatali sa anak ko at tumakbo ito papalapit kay Jean pero nung marinig ni Amber ang putukan sa labas ay bigla niyang kinuha si Luean at tinutukan niya kaming dalawa ng baril. Agad ko hinawakan ang kamay ni Jean at pinapunta siya sa likod ko.

"Boss may mga pulis sa labas!" agad tumakbo si Amber tangay ang anak ko. Sinundan namin siya at gubat na ang likod nito kaya ang hirap hanapin pero bawat sulok ng gubat na ito pupuntahan namin makita lang namin si Luean.

"Daddy! Mommy!" narinig namin ang sigaw ni Luean.

"Jean di pa sila nakakalayo." tumakbo agad kami dun sa pinangalingan ng boses ni Luean. Hanggang sa nakita namin sila at malapit sila sa bangin at isang hakbang pa ni Amber ay maari silang malaglag.

"Amber please. Ibigay mo na sa amin si Luean." napahalakhak muli siya.

"Sa tingin mo ba hahayaan ko maging masaya kayo? Ano yun, ako na nga ang sinaktan, ako pa ang magdudusa. Aba! Ang galing niyo rin naman. Para sabihin ko sainyo, hindi ako uto-uto. Ngayon ayaw ko ng madaming satsat." nagulat kami nang biglang bumunot ng baril si Amber at itinutok kay Luean. Iyak na ng iyak si Jean, may naisip akong plano.

"Amber pakawalan mo na si Luean. Tara na, magbo-book na ako ng flight papunta sa US tapos titira tayo dun ng payapa." biglang napangiti si Amber. Mukhang gumagana ang plano ko.

"Talaga babe?" tanong niya sakin. Mukhang napaamo ko na siya.

"Yes babe." sabi ko. Pinakawalan niya si Luean at biglang tumakbo si Luean papunta kay Jean. Lalapit na sana sa akin si Amber pero bigla na lang siya napabagsak ng may tumamang bala sa kanyang binti. Nagulat ako sa nangyari, biglang bumagsak na lang si Amber. Nilingon ko kung sino ang bumaril at yung mga pulis pala.

Bigla niyang kinuha yung baril niya at itinutok kay na Jean agad ako lumapit kay na Jean bago pa niya maiputok ang gatilyo ng baril.

"Luigi!" narinig kong sigaw ni Jean. Medyo may mahapdi sa braso ko at pagkapa ko ay may dugo na sa mga braso ko.

Narinig ko naman ang isa pang putok ng baril na ikinamatay na ni Amber.

Pinahiga ako ni Jean sa lap niya at nakita kong umiiyak na siya.

"Daddy huwag kang mawawala ah. Ayaw ko." sabi ng anak ko na ikinangiti ko.

"Huwag kang mag-alala anak, maglalaro pa tayo diba?" nilingon ko si Jean na iyak pa din ng iyak.

"Jean huwag kang mag-alala di pa ako mawawala pangako yan. Diba nga liligawan pa kita." unti-unti akong pumikit at nandilim na ng tuluyan ang paningin ko. Narinig ko pa ang pagtangis ni Jean at ang patuloy niyang pagsigaw ng pangalan ko.

♥♥♥

My Favorite Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon