CHAPTER 14

47.6K 1.8K 879
                                    

★☆★

Zell's POV

---

Bumalik ulit sa dati ang turingan naming dalawa. Bumaba na ang lagnat ko sa araw na 'yon pagkatapos makapagpahinga. And Wayne, did what he say.

Axiesse is still not fine. Nasa loob pa rin siya ng ICU. Gabi na at kagagaling ko lang sa eskwelahan.

"Paparating na rito yung mga gamit ni Axiesse... Pinakuha ko na kay Sasha sa condo niya."

Napatingin ako kay Yumie at tumango. I glance to my friend before saying my goodbye silently. Gising siya kanina pero alam kong hina hina ang kaniyang katawan. Hindi na rin ako pumasok sa loob, nakita niya naman ako sa pagitan ng salamin.

Dumiretso ako sa condo niya. Ang tahimik doon at hindi ako sanay na hindi siya nakikitang paggala gala sa loob na may dalang pagkain. Hindi ako sanay kahit bago pa lang ako tumira rito. Nagtext din sa'kin si Yumie na kaaalis niya lang ng condo ni Axiesse. Sayang at hindi ko siya naabutan.

Nilinisan ko pa rin ang buong condo kahit na malinis na 'yon. Gabi na at hindi pa ako nakakakain kaya dumiretso ako sa kusina. Mabuti naman dahil may nakita akong mga delata roon. Wala na akong oras kung magluluto pa ako. At isa pa, marami pa akong gagawing mga requirements.

Nang matapos kumain ay naglinis ako ng katawan, ginawa ang mga requirements at humiga na sa kama. Pahihiga na sana ako nang makita kong umilaw ang aking cellphone, may tumatawag.

Inabot ko 'yon at sinagot ang tawag galing kay Lolo. Kumunot ang noo ko.

I sighed. This is so unusual. Hindi naman siya tumatawag sa'kin. At isa pa, bakit siya tatawag eh kaaalis ko lang ng bahay namin. Medyo masama pa rin ang loob ko sa nangyari at sigurado akong masama rin ang loob nila sa'kin.

"Hello..."

"Stawnzell? Are you still awake?"

Gusto kong umirap. Paano ko masasagot ang tawag kung tulog na ako?

"Yup..." What do you want, lolo?

"Oh. I'm... I'm just checking if you are okay."

My mouth partly opened. What did he say? Hindi ako sanay.

Nagulat ako roon at namangha pero sa huli ay nagsalita nalang. Parang may mainit na humawak sa puso ko.

"I'm okay. What do you want?"

"No... Nothing. Matulog ka na. Good night." Namatay kaagad ang linya.

Huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga. I know he's up for something. May bibabalak na naman siguro si lolo. Bakit siya tumawag at kamustahin ako? That's not himself.

Natulugan ko na ang paulit ulit na pag-iisip non. Kinaumagahan ay naging mabuti na nga ang pakiramdam ko pero ang pangamba sa kalagayan ni Axiesse ay naroroon pa rin.

"May shoot kami bukas sa isang beach. Gusto mong sumama?"

Agad kong inilingan si Yumie. Pagkasabi niya non ay naalala ko kaagad si Wayne. At bakit naman ako sasama? Wala ngang pasok bukas dahil weekend kaya sa hospital ako tatambay.

Binalingan ko ng tingin ang paligid. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang mga guwardiya ni Yumie sa malalayo na nakabantay sa kaniya. And of course, her fans are here in the canteen too. Ang iba ay palihim na kinukuhanan ng litrato si Yumie. Most of them are high school students at may iilang mga college din.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon