Chapter 16
Alison's POV
NANUNUOD ako ng kdrama sa loob ng kwarto. Tinatamad akong bumaba at kumain. Ayaw ko rin namang gumala. Ano na kayang nangyayari kay Ela? sana naman ay okay lang siya.
Ganon naman lagi kapag alam ng lalake na gusto sila ng babae ay papaasahin na nila yung babae. Hindi naman lahat pero KARAMIHAN SA KANILA AY OO. paano ko na sabi? naranasan ko na kasi.
Linggo pa lang ngayon kaya pwede akong magcellphone ng mag cellphone. tamad eh!
Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.
FLASHBACK
Pauwi na kaming lahat dahil alam kong badtrip si Ela sa nangyari kanina. Grabe naman kasi yung ginawa ni Lucas. Sumo-sobra na siya. Paano pa kaya kung umamin sakanya si Ela na may gusto siya kay Lucas? siguradong lalaki yung gulo.
"Wala ako sa moood mga bess. Pwede na ba kayong umalis? Baka dumating na sila papa." Tuloy-tuloy na sabi niya.
Aakyat na sana si Ela kaso "Sissy! Wait lang may sasabihin ako!"
Ano naman kaya yun?
"Next week susunduin kita. 8:00 PM ng gabi. Kain ka with my family." sabi ni Eric.
Nakita ko namang umasim ang mukha ni Ashliyah. Hmm.
Tumakbo naman paakyat si Ela na parang na eexcite. What's happening? I smell something fishy.
END OF FLASHBACK
Ashliyah's POV
What's with them? A dinner date with his family? Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Niyaya ni Eric si Ela na mag dinner kasama yung family niya. Eh ashliyah ano naman ngayon? Aysss.
Baka gusto lang malaman ng pamilya ni Eric kung sino si Ela. O baka naman liligawan na ni Eric si Ela.
Bakit ko ba iniisip yun? E anong pake ko dun sa Unano na yun.
Sa sobrang bagot ay naisipan kong lumabas ng bahay. Nagsuot ako ng short at tshirt. Wala akong masuot psh.
Bumaba ako sa sala at sinalubong ako ng chow chow ko. What a cutiiee.
"Hi Baby! Kumain ka na ba?" Nakangiting tanong ko kay Chowie.
"Arf! Arf!" Sagot naman ni Chowie. Humiga siya at gumulong gulong. Ayan ang ginagawa niya kapag nagugutom.
Kaya imbis na lumibot ay pinakain ko na muna si Chowie. Pagkatapos niyang kumain ay tumakbo ako palabas ng bahay. Alam kong hahabulin niya ako. Buti pa siya hinahabol ako.
Nang makalabas kami ng gate ay kinuha ko ang tali ni Chowie. Hindi naman siya nangangagat dahil tinuruan at pinalaki ko siyang mabuti.
Naglakad-lakad kami sa loob ng subdivision. Sana may makasalubong akong pogi. Char!
Napagod akong maglakad lakad kaya huminto kami sa playground. Walang mga bata dahil mayayaman ang mga nakatira dito at gadget's na ang pinagkakaabalaan nila.
Binuhat ko si Chowie at sobrang bigat niya. Put*! Kaya ngayon ay parehas na kaming nakahiga sa grass.
"HAHAHHAHAHA"
"ARF! ARF!" Kahol ni Chowie at dinilaan ang mukha ko.
Gumulong gulong kami sa damuhan at tawa ako ng tawa.
"Alam mo Chowie! Napasaya mo ako. Thank you for mak---"
*MAY PUMALAKPAK*
Napatingin ako sa pumalakpak at nagulat ako nang makitang si Eric ito.
"Ang saya mo yata ashliyah?"
Ngayon lang.
"Ayaw mo yatang masaya ako?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Paano kung sinabi kong oo?"
Unti-unti namang nadurog ang puso ko. Gusto niya yatang lagi akong malungkot.
Unti-unti siyang lumapit siya saakin. "Ayaw kong nakikita kang masaya! Alam mo kung bakit?" Ngumisi siya.
"Dahil gusto mong malungkot ako lagi! Hindi ba? Yun naman ang dahilan!" Sigaw ko sakanya.
Tinakpan niya ang mukha niya at maya maya ay tumawa. Sh*t anong nangyayare dito? Nasisiraan na yata ng ulo.
"Ouy! Eric anong nangyayari sayo!?" Pasigaw na tanong ko sakanya.
Tinggal niya ang dalawa niyang kamay at inilipat ito sa magkabilang pisngi ko. Magkikiss ba kami hihi.
"Natatawa lang ako sa sinabe mo. Hindi naman kasi yun ang sagot sa tanong ko." Nakangiting sabi niya at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko.
"E-eh a-anong s-sagot?" Nauutal-utal na tanong ko.
"Ayaw kong nakikita kang masaya kung ang nagpapasaya lang sayo ay iyang aso mo." Malamig niyang tugon.
"Ha? Eh bakit naman!? Anong masama kung JDIAIDHAIDNISI" Napahinto ako sa pagsasalita ng may maramdaman akong malambot na bagay sa noo ko. Hinalikan niya ako sa noo. F*ck!
1
2
3
4
5
Limang segundo.
"Gusto ko kasing ako ang nagpapasaya saiyo. Naiintindiyan mo? At isa pa. Liligawan kita kahit ayaw mo. Bukas na bukas pupunta ako sa bahay niyo. Kahit monday na bukas. Kahit malate ako sa school maipagpaalam ko lang sa magulang mo at para masundo na kita. Do you understand?" Bossy niyang tanong pero nangunguna ang malambing niyang boses. Sh*t! Kinikilig ako.
Hindi ako nakapag salita at tumitig lang sakanya. Hindi ako makapaniwala. Bigla akong nagising ng yumakap siya saakin. Dahan-dahan niyang hinalikan ang ulo ko.
Ginagawa din pa niya ito kay Ela?
"Hindi HAHAHHA" tumatawang sabi niya.
Kumalas ako sa yakap. "Huh?"
"Nasabi mo ng malakas. Hindi ko ginagawa to sakanya. Pero yung halik sa noo? Lagi. Pero tandaan mo kahit ganoon ako ka sweet kay Ela ay nakababatang kapatid lang ang turing ko sakanya jagiya." Sagot niya. Uminit naman ang pisngi ko nang marinig ko ang jagiya. Lalong lumaki ang ngiti sa labi niya.
Nagumpisa ang lovestory namin sa playground.
Sh*t ngayon lang ako makakaamin na dati ko pa siyang gusto. Hindi ko na muna siya sasagutin hanggat hindi ko pa siya mahal.
Ngumiti rin ako sakanya. Pero maya maya ay kumunot ang noo niya kaya natakot ako na baka bawiin niya ang mga na sabi niya. Baka hindi totoo yun at baka dare lang.
"Jagiya! Anong sagot mo?" Nakapout na sabi niya. Huminga naman ako ng malalim. Akala ko naman magkakatotoo yung iniisip ko.
"Yes!" Nakangiting sambit ko.
Lumaki naman ang mga mata niya. "F*ck sh*ttttt! Yeaaahh!!! Omoooo. Thank you Jagiya." Sabi niya at hinalikan ulit ang noo ko.
Natawa ako doon sa OMO. Para siyang bakla.
Kamusta naman kaya ang magiging lovestory ni Ela?
________
END OF CHAPTER 16
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!